Prom Night Part 2

54 2 0
                                    

Chapter 5

Jake's POV

Nang matapos kaming sumayaw ni Kiera ay hinanap ko agad si Karen pero bago ko pa sya nakita ay may nagyaya na sa akin ng isa pang sayaw. Kahit na suplado ako ay ayaw ko namang mapahiya ang babae kaya pinaunlakan ko siya. Mabuti na lang at madali lang natapos ang kanta.

Finally, I could see Karen.

"Karen, can I have this dance with you? Sabi ko sa kanya.

She was looking outstanding today. She was wearing a pink princess cut gown. Medyo simple lang ang suot nya pero mas lalo syang gumanda kasi mas na-e-emphasize ang hitsura nya. Hindi distracting 'yong gown. Hindi tulad sa ibang mga babae na halatang pinagpuyatan pa ang pamimili ng susuotin.

"Yes." Matipid na sagot ni Karen.

Iginiya ko si Karen sa dance floor and we started dancing. Hindi ko maalis-alis ang tingin ko sa kanya habang sumasayaw.

"What's wrong?" Halatang kinakabahang tanong ni Karen.

"Nothing is wrong. Everything is so right." I said. Medyo mahigpit na nang konti ang pagkakahawak ko sa kanya. It was as if I didn't like to let go. "Ang ganda mo."

"And now, ladies and gentlemen, may I have your attention?" Ayon sa voice over (VO). At dahil dito ay nahinto kami sa pagsasayaw ni Karen. "The votes have been cast for the new Prom King and Queen. For the Prom King, he garnered a total of 160 votes out of 200, please come and take your crown Lord Devon Gonzales." Patuloy pa ng VO.

Maingay ang crowd pagkatawag sa pangalan ni Devon. Napakalakas ng palakpakan.

"Puntahan mo na si Kiera. I guess she'll be needing her escort soon." Pagtataboy sa akin ni Karen.

Tumugon naman ako sa dalaga at pumunta sa kinaroroonan ni Kiera.

"For our Prom Queen. Medyo tight ang competition but our crowd favorite tonight garnered a total of 101 votes out of 200. She's no other than Lady Kiera Anne Laurente."

"Wohoo. Go Kiera!" Mas umingay ang crowd pagkatapos i-announce ang prom queen.

Sa totoo lang, I was expecting that Karen will be called as the Prom Queen. On the other hand ay masaya ako dahil hindi ko kailangang makita na naman sila Karen at Devon na masyadong magkadikit. Tsaka bagay din naman kay Kiera ang title. She's also looking very pretty in her white ball gown.

"Tawag ka. Halika, i.escort kita paakyat ng stage." Sabi ko kay Kiera mula sa likuran niya na halatang gulat na gulat din na siya ang tinawag na Prom Queen.

Cute rin pala tong pandak na 'to pag nagugulat.

Iginiya ko na ang prom queen sa stage at pagkatapos ay bumalik na sa karamihan.

Nang matapos na ang pagbibigay ng mga abubot sa hari at reyna ay nagsimula na naman ang sayawan. Dahil nga nasa center sila Devon at Kiera ay hindi ko maiwasang tumingin sa direksyon nila. 'Huh. Akalain mo nga naman. All this time akala ko hindi pa nakaget-over si Devon kay Karen pero parang mali 'ata ako. Halatang-halata na Devon's eyes are only for Kiera.' I said to my self.

When I realized what was happening, bigla kong hinanap si Karen. Hindi naman ako nabigo dahil nakita ko sya sa di kalayuan pero halatang mangiyak-ngiyak na ang dalaga sa kanyang nasaksihan. Akma akong pupunta sa kinaroroonan ni Karen ay siya ring pagtalikod nito papuntang exit. Sinundan ko naman sya.

"Karen, where are you going?" Sabi ko nang mahabol ko na siya.

"Nowhere. Please, would you stop bothering me!" Karen said almost shouting.

Hate, Kiss, LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon