Summer Outing

29 1 0
                                    

Monday, 8:00 PM

3rd Week of April, Year 3.5

Kiera's POV

Mabilis na lumipas ang mga araw pagkatapos ng prom. Luckily, hindi ko na ulit nakita ang escort ko. Puro kasungitan lang naman ang taglay no'n. Hmp, sana hindi talaga sila magkatuluyan ni Karen.

OOps! Speaking of Karen, sabay kaming magsu-summer outing together with Jane, Maggie and MY PARENTS. Actually, may sasalihan sila Mommy at Daddy na convention sa Bohol so para hindi raw ako mabagot ngayong summer ay sama na lang daw ako sa kanila. Sabi pa nila ay pwede ko raw imbitahin ang mga kaibigan ko kaya ginawa ko naman.

Hmm, nakapunta na kaming apat na magkakaibigan sa Bohol before but on separate occasions at medyo matagal na rin kaya naman super excited kami ngayon.

Flashback

Nasa bahay sila Maggie, Jane at Karen dahil nga summer at wala rin silang pinagkakaabalahan. Pinag-usapan na lang namin ang nalalapit na Bohol escapade.

"Kiera, I'm really so excited! Bubwit pa ako no'ng huli akong nakapunta roon." Hirit ni Maggie.

"Oh my gosh! Summer pa ngayon. I've heard na maraming mga bakasyunistang gwapo na dumadayo sa Bohol this time of the year." Dugtong pa ni Jane with all her dreamy eyes effect.

"Yon din sabi ng cousin ko who had her vacation there last year. It was really fun kasi marami daw mga kabataan na ka-age natin." Isa pa tong si Karen.

"O sya, guys. Ang layo na ng mga imahinasyon nyo. I-lista muna natin kung ano na ang mga dapat nating dalhin. Baka ma-bad trip pa tayo pag may naiwan tayong importante" Putol kong saway sa kanila.

"Yes, Ma'am." Sabay nilang sabi.

"Hay naku. Umandar na naman ang pagka-OC ni Tita." Pahabol na kantiyaw ni Maggie.

End of Flashback

Actually, kahit naman di ako malandi ay nakaka-excite rin naman talagang isipin na baka may mga makikilala kaming ibang tao. Mas exciting kung lalake at least may inspiration pagdating ng pasukan. Tsaka para na rin hindi lang puro si Devon ang iniisip ko.

-----------------------------------------------------------------------------

Monday, 1:00 PM

4th Week of April, Year 3.5

Kanina pa kami dumating sa Bohol Airport but we headed straight to the resort kasi gutom na rin kami. The resort was located in one of Panglao's shores. Its name was Timothy.

The place was very enchanting. Pagdating mo pa lang sa vicinity ay may mala-Hawaiian Tiki Bar na nagsisilbing reception nila. Malapit dito ay mayroong fish pond na puno ng mga Koy. Tapos may maiksing hanging bridge na daanan papunta sa resort proper. Paglampas mo ng bridge, hindi derecho na dagat ang makikita. May malawak na garden pa ito na kung saan ang mga rooms ay nakapalibot. May mga rooms na Victorian ang model while on one side naman ay mga Bamboo rooms. We girls chose to stay in the Bamboo rooms para mas refreshing ang dating while our parents chose the Victorian rooms.

Pagkatapos naming mag-unpack ng mga gamit sa aming kwarto ay kumain na kami sa  restaurant nila and had our beauty rest after. My parents headed back to Tagbilaran City kasi sa Bohol Tropics naman talaga ang venue nila for the convention.

Bandang alas-6 ng gabi na kaming lumabas ulit sa room but this time nakapang-beach outfit na kami. We decided to wear beach cover ups kasi hindi pa kami ready na magpangalandakan ng swimsuit attire namin. Lalo na ako, I'm not so tall diba. Anyway, mabuti na lang at sigt-seeing muna  'yong trip namin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 19, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hate, Kiss, LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon