Chapter 1: Our Weeping Hearts
Aislinn Zesa's point of view:
Naalimpungatan ako sa sinag ng araw na tumatama sa 'king mukha. I drifted my head to the other side, but still, I could feel my sweat running down from my head to my nape. Marahan kong minulat ang mga mata. Suminghot ako at napagtantong may nagluluto sa kusina.
Alam ko na kung sino.
Bumangon ako at tiniklop ang kumot, inayos ko na rin ang unan at bedsheets. Glancing at the side clock, it's already 7 a.m. on Tuesday morning. Nagtungo ako sa bintana at binuksan ng maayos ang kurtina, malayang tumagos ang sinag ng araw sa bintana. Napangiti ako nang makita ang buong syudad.
"Think positive today, Sasa," I reminded myself. "Attract the good vibes. Good vibes lang."
Gamit ang daliri, sinuklay ko ang magulo kong buhok bago lumabas sa kwarto at nagtungo sa kusina. She was swaying her hips slowly whilst humming her favorite song, Who Am I To Stand In Your Way by Chestersee.
Tumikhim ako. Napaigtad siya bago bumaling sa 'kin. She smiled at me cheerfully while lifting the frying pan. Nagtungo naman ako sa mesa at nagtunaw ng kape.
Kasalukuyan akong nakatira sa condo ng best friend kong si Crosette Amandrego. We've known each other since I was a grade 3 student back in our province.
"Aislinn Zesa Quevara. Here's your pancake!" She giggled. "Pagod konti, but it's still edible. I'm starting to love making pancakes!"
Tumaas ang kilay ko. Bungad niya talagang tawagin ako sa 'king buong pangalan t'wing umaga. "No. It's not. But thank whoever guided you because you didn't burn it." Sumimsim ako sa kape bago muling magsalita. "Martes ngayon. I have work. I wouldn't be able to come with you later."
"Pwede naman sabihin mo sa tita mo na mag day off ka ulit." I glanced at her. She sounded like a bitch sometimes and a childish one. "At mamayang gabi pa ho, 'yung lakad natin. Come on! You need to unwind! Party! A'right? Sagot ko na 'yung dress," she wiggled her eyebrows.
Kumuha ako ng pancakes. Nilagyan ko 'yun ng chocolate syrup. "Ayoko. Kailangan ko magtipid para maipadala kanila mama sa probinsya. 'Saka, kailangan ko mag apartment, Sette. Hindi naman pwede na rito ako mamalagi sa condo mo." tugon ko bago sinubo ang pancakes. Hmm. Not bad.
"Hindi pa ba sapat 'yung sweldo mo? Baka binabawasan ng pinsan ko ang sweldo mo ah. Tell me! I will kick his dick real quick for you, bebs."
There she goes, bebs ang tawag niya sa 'kin simula no'ng college kami, and I'm used to it, but at first, nah. Nakakailang.
"Minimum naman pero nag-iipon talaga ako. So I'm saying no to you later." Pinunasan ko ang bibig bago magpatuloy. "I'll take a bath now. Thanks for the pancakes."
Nagtungo ako sa lababo at nilagay ang pinagkainan ko bago maghugas ng kamay. Hinugasan ko na rin ang ginamit na pinggan. May dalawang rooms ang condo na 'to. Kakalipat niya lang dito. Sinadya na talaga na kunin ang condo na 'to kasi balak niyang mag bonding kami habang dito ako nagtatrabaho. Wala rin naman akong matutuluyan kasi 'yung ibang kamag-anak ko rito ay hindi masyadong maganda ang pag-uugali.
I've been working for 6 months as a social media assistant sa company ng pinsan niya. Every Tuesday at Friday naman ay 8 hours akong nagtatrabaho bilang dining crew sa restaurant ng tita ko, day off ko naman 'yan sa company. Saturday naman ay nasa opisina ako for 8 hours, pero kapag Sunday ay nasa 4-5 hours lang, nakakapagpahinga pa rin ng konti sa linggo.
May dalawang kapatid ako na pinapaaral, ang lalaking kapatid ko ay first-year college sa bayan ng probinsya namin, si Percy Axel Quevara. Ang babaeng kapatid ko naman ay nag-aaral bilang grade 4 student, si Annaliese Quevara. I'm working so hard for them. Fate isn't good to us; namatay ang papa ko dahil sa gyera sa ibang bansa limang taon na ang nakakaraan. Since then, tumutulong na ako sa mga gastusin sa bahay.
BINABASA MO ANG
CAMBION (R-18 | COMPLETED)
Paranormal📌 WattysPH2018 SHORTLIST "Angel of God. My Guardian dear. To whom God's love commits me here. Ever this day or night be at my side, to light and guard, to rule and guide. In Jesus name... Amen." At matapos bigkasin ang panalangin na iyon... ay nata...