Step 16

247 7 1
                                    

Over thinking

"Ang tagal mo naman babe, shall we? Nyenye~~" Sabi ni Scar, mimicking the voice of that 'girl.'

"Grabe. Nakakairita! Ang arte arte niya! Landiii! Agh." Sabagay. Sino bang hindi maiirita dun? Bigla na lang hinatak si Red palabas, kitang kausap pa namin yung tao. Bastos lang.

"Ayos yun dude ha, nagpunta lang ng Dubai, pagkauwi dito may instant girlfriend na. Makapunta nga rin dun dude!" Sabi ni Vaughn kay Sig. As if naman hindi namin siya naririnig. Nakita kong tinitigan siya ni Scar ng masama.

"Joke lang okay?! Bakit ba kasi kayong mga babae, makakita lang ng ganun, naiinis agad,"

"Eh sa nakakakulo siya ng dugo eh!"

"Chill lang okay? Hindi pa nga natin kilala yung tao e hinuhusgahan na natin. Psychology pa man din ang course natin. Tsk. Tsk."

"Ewan ko sa'yo! Bahala ka nga dyan! Bwisit!" Tapos nagwalk-out si Scarlet. Hala! Nag-away pa tuloy yung dalawa.

"Vaughn naman kasi, sana hinayaan mo na lang siyang magsalita at hindi mo na pinatulan," Sabi ko kay Vaughn. Ganun lang naman kasi talaga si Scarlet e, kapag kasi sinagot mo pa yun, mas magagalit lalo.

"Lagot ka dude. Bawas pogi points. Tsk." Sabi naman ni Sig. Buti pa siya ang tahimik lang.

"Tss.. Oo na.. Oo na.. Eto na nga susundan na. Excuse muna guys." Naiwan sina Trish at Sig kasama ko.

"Tingin mo Jessy, sino yung babaeng yun noh?" Tanong ni Trish.

"Ewan ko. Wala namang nakwento si Red eh. Ayoko namang mag-isip ng kung anu-ano." Pero sa totoo lang ang dami ng pumapasok sa isip ko. Hay! Ewan ko ba, parang may mali.

"Look chubs, you should talk to him first bago ka mag-isip ng iba. You girls, assume and conclude too much without enough basis." Well sabagay, Sig has a point.

"Hindi pa ba enough na nakita natin kung paano siya kumapit kay Red at tinawag pa niyang babe?" Trish has a point too. Pero yun? Kung girlfriend talaga ni Red yun ibig sabihin.. Oh well, bisexuals, pwede sa babae, pwede sa lalaki. Pero ugh! I need to talk to him right now.

"Pero yun lang yung nakita natin, what about yung hindi natin nakita? We should not judge something easily by just what we see. You girls are always like that, unfair sa part namin."

"Kayo namang boys, you never explain. You let us assume at kapag tinatanong namin kayo madalas na sinasabi niyo e, what you see is what you get,"

"What??! Hindi kami ganyan ah. Kayo lang talaga ang nag-iisip nyan!"

"Eh--"

"Guys! Stop it okay?? Kayo naman ba ang mag-aaway?? Kakausapin ko na lang si Red para matahimik tayong lahat," Hay. Grabe naman, pati ba naman sila? Look at what you've done Walfred. Ano ba kasing ibig sabihin nun?

I tried contacting Red's number. Good thing, nagload ako ngayon. After several rings, he picked up the phone.

'Hello??' Oh goodness! Pati ba naman dito??

'Hey. Give me that,' Narinig ko si Red na nagsalita sa background.

'Hello? Hello? Who are you ba? You're ruining our date!' Seriously? Date?? Ugh. Parang nainis ako bigla.

'Arienne, akin na yan!'

'Hello?' Si Red na 'to.

'H-hello?' Shems. Bakit parang kinakabahan ako.

'Hey? Moch, hey. Bakit ka napatawag? May problema ba?'

'Ahm mochi, may tatanong lang sana ko..'

Moving On: Step Ahead ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon