There's something more than just this friendship connection, we both want something more, but are afraid to confront it. - Robert Boughter
---
"So.. Okay na ba kayo ni Walfred?"
"Oo naman noh. Hindi naman kami nag-away,"
"What I mean is, yung babae kahapon."
"Ahh. Yun? Girlfriend niya raw yun e," Hindi ko muna sasabihing self- proclaimed lang, hahaba ang usapan, besides, buhay naman ni Red yun at labas si Sig dun.
"Really?! I mean, ayos lang sa'yo??"
"Oo naman, bakit naman hindi?"
"Wala lang. I was just wondering kung talagang magkaibigan lang kayo ni Walfred,"
"Huh?? Syempre naman, he's my bestfriend,"
"Hanggang dun lang talaga?"
"Oo naman. Bakit?"
"Wala naman, bilib lang ako sa closeness niyo,"
"Nye. Marami naman ding katulad namin dyan ah,"
"Oo, pero karamihan kasi ng magbestfriends na opposite sex e, nagkakatuluyan."
"Well. Ibahin mo kami,"
"Hindi ka ba open sa possibility na yun?"
"Hindi naman sa hindi ako open pero mas okay naman kami as friends, parang kapatid ko na yun eh."
"Eh siya kaya, ganun lang din ang turing sa'yo?"
"Huh?! What do you mean?"
"Malay mo, higit sa kaibigan ang turing niya sa'yo.."
"What?! You're crazy, that'll never happen,"
"Malay mo lang naman,"
"Para na talaga kaming magkapatid nun,"
"Matanong nga kita, hindi ka ba nagkagusto sa kanya?"
"Nagkagusto,"
"Woah! Straight forward ka ah,"
"Syempre, totoo naman yun, hindi ko dinedeny at alam naman niya yun,"
"Oh?? Talaga? Anong nangyari?"
"Matagal na yun noh, first meeting namin nagkacrush ako sa kanya pero nawala rin naman nung naging close na kami,"
"Wow. Nice. Eh ngayon, sinong crush mo??"
"Syempre, si Enrique Gil,"
"Tsss. Chubs naman e, lahat naman yata kayong mga babae e crush yun,"
"Ganun talaga. Gwapo nun e!"
"Eh dito sa campus, sinong crush mo?"
"Dito? Wala e. Wala namang gwapo rito e,"
"Wala?? E anong tawag mo sa katulad ko?"
"Wow ha. Kapal!"
"E gwapo ako e,"
"Self-proclaimed gwapo,"
"Sama mo chubs,"
"Just telling the truth,"
"Tsk. Oo na hindi na ko gwapo. Tara na, ang tagal mo naman, kaya ka tumataba kakainom mo ng coke float."
"Huy! Grabe ka! Ikaw ang nag-aya sa'kin dito e,"
"Pumayag ka naman,"
"Libre eh. Masamang tinatanggihan ang grasya,"
BINABASA MO ANG
Moving On: Step Ahead ✔
Teen FictionMoving On Series # 1: How does one move on from a heartbreak? Read and find out the process of moving on.