#BEYOURSELF

14 0 0
                                    

FIGHT

Kapag mataba ka, masiyado kang naa-underestimate ng mga tao. Weak ka dahil mataba ka. Di mo kayang gumalaw dahil mataba ka. Di ka healthy kapag mataba ka. Duwag ka kapag mataba ka. Never kang magiging maganda dahil mataba ka. Wala kang karapatang magreklamo dahil mataba ka. Walang papatol sayo dahil mataba ka. Kalait-lait ka dahil mataba ka.

At higit sa lahat, hindi ka tao kapag mataba ka.

Dahil sa society na nakasanayang payat ang ideal body, saan ka nga naman lulugar? Mga model sa magazine at sa TV, payat. Mga artista, payat. Body goal, dapat payat.

Alam kong ramdam mo lahat yan. At alam kong nasasaktan ka. Pero alam mo? Kung makikinig ka sa mga yan? Parang sinabi mo na rin na tama sila. BES, BANGON!

Alam mong hindi ka ganiyan. Alam mong mas magaling ka sa kanila at mas marami kang kayang patunayan. Wag kang magpa-lamon sa mga walang kwentang salita na ibinabato nila sayo. Wag kang makinig sa "noise" na ginagawa ng mga tao sa paligid mo. Ingay lang yan. Parang mga madadaldal na manok sa umaga na walang ginawa kundi pumutak.

Makinig ka sa inner voice mo. Mag-tiwala ka at ipaglaban mo ang sarili mo. Mas kilala mo kung sino ka. Ikaw yan eh. Wag mong hayaang kontrolin ng mga walang laman na latang yan ang buhay mo.

Embrace who you are and learn to love yourself. Kapag nakikita nilang YOU DON'T GIVE A FLYING FVCK at mahal mo ang sarili mo despite all your flaws and imperfections, tatahimik yan.

Been there.

Yeah. I’ll admit mataba ako but who cares. It never stops me to achieve my goals. I’ve got a good life, real friends and memories. Wag mo isipin ang sasabihn nila, patunayan mong you can be yourself despite of everything. And if change comes into your mind, magbago ka para sa sarili mo hindi para kaninuman. Love yourself.

♥DamnDamin♡Where stories live. Discover now