Stella's Pov.
Habang naglalakad sa pasilyo ng aming bahay ay may natagpuan akong manika.
"Tss long time no see samarah!" Bulong ko saaking sarili
Si samarah ay anak ng aming katulong at madalas kong kinukuha ang kanyang manika sa ayaw at sa gusto nya.
Napangisi ako.
"Hi little shit" nakangisi kong sabi sa manika
Agad akong pumasok sa color dark red kong kwarto at nilock ito.
Kumuha ako ng cutter at pinutol ang leeg ng manika.
Pagkatapos ay kumuha ako ng red ink na mag sisilbing dugo sa pugot ulong manika.
Nang malagyan ay tinapalan ko ito ng tissue at saka nilagyan ulit ng ink para mag itsurang tuklap na balat.
Sunod na pinagsasaksak ko ang katawan ng manika ng kutsilyo.
Nang mapunit ang ibang bahagi nito'y saka ko nilagyan ng red ink
Nakangiti ako habang may nilalagay na sulat sa papel.
'Leave this house with your damn mother and don't you dare to cameback! '
Red ink padin ang nakalagay don na mistulang parang dugo.
Idinikit ko iyon sa manika habang dahan dahang pumupuntang sala kung saan nakaupo si samarah na nanonood ng mickey mouse.
Dahan dahan kong inilagay sa gilid nya ng hindi nya napapansin.
Humagikgik ako at nag tago sa hagdanan upang makita ang reaksyon nya.
"Nay, nasan po manika ko?" Tanong nya kay aling aram
"Hindi ba't kabibili kolang non kahapon? Lagi ka nalang nawawalan ah?" Takang sabi ni manang
Diko mapigilan ang paghagikhik.
"Tumayo ka't baka nandyan lang sa sopa" bisayang sabi ni manang
Kitang kita ko ang pag O ng bibig ni samarah at Paglaki ng kanyang mata.
Kaya naman hindi ko mapigilan ang pag ngiti.
Sige lang! Tama yan haha.
"Juskopo ano ba nangyari dyan samarah?" Puno nang pag-aalalang sambit ni manang
"Inay hindi k-kopo alam" kabadong sambit ni samarah
'Pfft!'
"Inay! Tingnan nyoho! May sulat" ani samarah
Kunot noo namang kinuha iyon ni manang at saka gulat na binitawan.
"Sa tingin ko'y kailangan na nating umalis dito samarah" kabadong sabi ni manang
At nagkukumahog na kunin ang gamit nila
Pfft! Tama yan manang para mawala na kayo ni samarah! Nakaka umay na kasi ang mukha nyo!
Ginulo ko ang buhok ko at lumabas sa pagkakatago upang magkunyaring kakabangon lang sa kwarto.
"Samarah? What manang's doing?" Tanong ko kunwari
Ngunit naka estatwa lang sya.
Makotongan nga!
"A-aray naman ella!" Reklamo nya
Ella kadyan!
"bat nagkukumahog si manang" tanong ko ulit
Itinuro nya sakin ang manika.
Palihim tuloy akong napangiti.
Iiling iling akong umakyat sa kwarto at agad itong nilock
Saka don ako tumawa ng tumawa.
YOU ARE READING
Innocent Killer
HorrorStella Gonzaga, Ang pangalan ng isang babae na anak ng pinakamayamang negosyante. Ngunit kahit na mayaman pa ito'y hindi sya masaya dahil wala ang atensyong hinihingi nya na unti unting sisira sa pagkatao nya.