Kabanata 20

21 9 0
                                    






Nanlalabo ang paningin.
Sumasakit ang ulo at mga katawan.Nasan ako??

Unti unti kong idinilat ang aking mga mata hanggang sa ito'y luminaw.

Napatutop ako nang makitang nakabalandra sa harap ko ang ...

Chainsaw,kutsilyo,bowl,tubig na kumukulo at si jizel!

"Nagising kana my dear." Halakhak nya

Napapikit ako at humiling na sana hindi ko nalang ginawa ang mga ginagawa ko dati.
Nakaka inis.Ang boboko!
Hindi ko naisip na pwede din palang mabalik ito saakin.Ito nanga yata ang karma ko.

Pano ako napunta ulit dito?!

Napadilat ako ng wala sa oras ng may sumampal sakin.

"Gumising kana boss lulutuin pa kita." Nakangiti nyang banggit

Muli kong naalala na lagi nga pala akong may dalang kutsilyo.Incase na mawalan ako ng tirahan at maprotektahan din ang sarili.Napakasama ko talaga.Nakakairita na ako pala talaga ang walang kwenta sa mundo. Na ako pala talaga dapat ang nawala hindi ang mga taong pinatay ko na walang ibang ginawa.

Binibalik na saakin ang ginawa ko.Bumalik na sakin ang karma.At ang demonyong ito ang nagbigay sakin.Pftt! Demonyo nanga pala ako.Akala ko ako lang ang makakagawa nito ng dumating tong babaeng to sa kabobohan ko.

"Nasan ang tapang mo boss." Pang aasar nya

Atention.Yang bagay nayan ang nakapagpabago sakin.

"Manahimik ka ang baho ng bunganga mo." Pang aasar ko pabalik ng sampalin nya nanaman ako

"Ang lakas talaga ng loob mo no?." Ngisi nya sabay sampal ulit

Sige ganyan lang.Hintayin kolang yung tamang tyempo wengya ka sakin.

Napangisi ako sakanya

"Hindi moako matatalo sa paganyan ganyan mo jizel.Hamak na mas magaling yata ako." Sambit ko at sinipa sya

Masakit ang bandang tiyan ko gosh!

Kasabay non ang pag tatanggal ko ng tali gamit ang kutsilyong matagal ng nakatago.habang namimilipit ang hita nya ay nakawala na ang mga kamay ko.

Sunod na kinuha ko ang chainsaw at hiniwa ang hita nya kaya naman namilipit sya sa sakit.

Pinakawalan kona ng tuluyan ang sarili.At nagtatatakbo palabas.

Hindi nyako mahuhuli ng ganon ganon lang.Alam ko pati pasikotsikot ng bituka nya.

Pumunta akong hardware at kumuha ng mga gamit.Akala nung tindero ay nagnanakaw ako ng isampal ko sa mukha nya ang tatlong libo ay nanahimik sya.

Pagkatapos bumili ay muling pumasok ako sa bahay.Syempre tanga lang ang walang ganti.

Pagkapasok ko ay may kamao na sumalubong sakin at tumama sa sikmura ko.

Tiyan ko nanaman!

Hindi nako nagpatumpiktumpik pa at sinipa sya. Mas sanay ako sa sipa dahil dun mas malakas ang pwersa ko.

Sunod na sinaksak kosya na kutsilyo.Puro kalmot na ang mukha ko pero wala akong pake.Talagang mas malakas sya kesa sakin pero di hamak na mas mautak ako kesa sakanya kaya Useless.

Nang nagkasugatsugat sya'y hinila konasya palabas ng bahay at ihinulog sa imbornal.

Alam kong gagawa ng paraan yan at aalis. Ayoko muna syang patayin dahil gusto kong pahirapan muna sya gaya ng planong pagpapahirap bago patayin.

Tangina mo jizel wag kang magpapakita sa 'kin!



Innocent Killer Where stories live. Discover now