Yvanna's POV.
Alas tres y media ng madaling araw at kasalukuyan kaming nasa library ngayon para maghanap ng impormasyon.
Ito talaga ang tinaon naming oras upang maisagawa ang aming plano dahil wala ang mga guro, mga estudyante at mga bantay.
Ako ang naghahanap sa mga shelf sa ikalawang palapag habang si Jett naman ang nasa unang palapag. Sa dami ba naman ng mga libro dito ay mukhang kukulangin kami ng ilang oras dito kaya napag-isipan namin na maghiwalay na lang.
Halos isang oras na akong naghahanap sa mga shelf ngunit wala talaga akong makita na kahit anong makakapagbigay sa akin ng clue tungkol sa hinahanap naming impormasyon. Ang mahirap pa ay hindi namin alam kung ano nga ba ang hinahanap namin.
Lumipas pa ang ilang minuto at nasa kalahati na ako ng mga shelf at wala pa rin akong nakikita. Tagaktak na ang aking pawis at dinadalaw na ako ng antok. Kahit pa naghahanap lang kami ng impormasyon dito ay nakakapagod pa rin pala.
Bahagyang nawala ang aking antok nang makarinig ng yapak ng sapatos mula sa hagdan paakyat dito. Nakatingin lamang ako sa direksyon kung nasaan ito at nakita ko si Jett na palapit sa akin mukhang bored na bored at hindi manlang napagod.
"Oh tapos ka na?" tanong ko nang makalapit sya.
Ang bilis nya naman maghanap samantalang ako ay hirap na hirap dito.
"Wala akong nakita doon." sabi nya.
Napakawala ako ng malalim na hininga. Wala rin akong nakikita dito kahit ilang oras ar minuto na akong naghahanap siguro ay wala naman talaga kaming makikita dito.
Kung wala kaming nakita dito sana naman sa kanila ay meron para hindi naman sayang ang lahat ng pagpaplano namin.
"Mukhang wala namang impormasyon dito." pinunasan ko ang pawis sa aking noo.
Tiningnan nya lamang ako.
"Kung umuwi na kaya tayo? Malapit nang sumikat ang araw at baka maabutan pa tayo dito." dagdag ko.
Naglalakad na ako at nakasunod naman sa akin si Jett para makauwi nang may napansin ako sa aking gilid.
Kumunot ang aking noo nang bumaling ako rito. Nagmamadali akong lumapit habang nakasunod pa rin sa akin si Jett. Ang tamad talagang magsalita ng lalaking yun.
Baka ito na ang ipinunta namin dito.
May nakita kaming isang maliit na hagdan sa tagong parte ng ikalawang palapag ng library. Hindi mo sya mapapansin kung hindi mo titingnan ng mabuti dahil para syang mga shelf ng libro na magkakapatong patong. Mukhang sinadya itong itago at tanging ang mga ataong may matatalas lamang ang paningin ang makakakita. Inakyat namin ang maliit at marupok na hagdan.
Natagpuan namin ang isang maliit na kwarto mayroong mga maniquin na nasa loob ng salamin na kahon. Ang maniquin ay nakasuot ng mga kakaibang damit. Nakakamangha tingnan ang maliit na kwarto na ito.
Itinali ko ang aking mahabang buhok na kanina ay nakalugay at pinagmasdan ang kabuuan ng silid.
Maliit lamang ito pero sapat na para makapagtago ng maraming sikreto. Ang mga dingding ay walang pintura, hindi kagaya ng buong library. Iisa lamang ang ilaw sa buong silid ngunit sapat na para makapagbigay ng liwanag. Maraming mga papel na sa tingin ko ay mapa ng paaralan na nakadikit sa pader gamit ang pako ngunit lukot na ang mga ito at mukhang luma na.
Lumapit ako dito at pinagmasdan ito. Ang mapang ito ay mas malaki sa ibinigay sa amin ngayon, mayroon itong mga pulang marka at asul na nagkalat sa mapa, mukhang mga palatandaan.

BINABASA MO ANG
Empire University (Book 1)
Ciencia FicciónEmpire University: Chaos Year Isang Paaralan; Kakaiba ang mga Patakaran; Kakaiba ang mga estudyante; Kakaiba ang Lahat.. Makakayanan mo bang pumasok sa EMPIRE UNIVERSITY at magbulag-bulagan sa lahat ng nangyayari? O haharapin mo ang mga problema na...