Chapter 3 : BadBoy

4.6K 79 8
                                    

2014

Rexer POV

"Rexer, tinatawag ka na po ni Direk." Magalang na sabi ng bago kong PA. Tama ang narinig niyo, siya ang bago kong PA. Hindi kasi tumatagal ang mga 'yan ng isang buwan kaya I'm sure mapapalitan din siya.

"Okay!" sigaw ko habang nasa loob ng kotse pero nakabukas ang pinto. I love music that's why, I always bring my ipod. Ito lang kasi ang stress reliever ko when it comes to my fans. Sa totoo lang ayoko sa mga babae na nakikipagsiksikan at naghihintay ng halos buong oras makita lang ako. Wala naman akong ibibigay na pera o anuman, kaya masasayang lang ang pagod nila.

Umalis na siya kasabay nito ang padabog kong pagsara ng kotse. Maghintay man sila sa akin ng sampung taon, walang Rexer na haharap sa kanila. Pumunta ako sa driver's seat at inistart ang kotse. Ayoko naman talaga maging artista, pero dahil sa mga pakialamero kong parents. Wala akong nagawa.

Nagdrive ako paalis ng set ng walang pupuntahan. Yung tipong magdrive hanggang sa dulo ng pilipinas. Matahimik lang ang mundo ko kahit sandali. Habang nagsosoundtrip ako while driving, may kung anong bagay na biglang sumulpot sa harap ko.

Holyshit! Nabangga ko ito.

Damang dama ko ang malakas na impact kaya sigurado ako na durog kung ano man ang bagay na iyon.

Kaya pinark ko sa gilid ng road ang car at bumaba para makita kung ano ang nabangga ko. Sa paglalakad ko palang palapit sa harap ng kotse, na patid ako ng isang bagay.

Son of a B****! 

Paa ba ito ng tao? tanong ko sa sarili habang gulat nagulat. Maputi ito at may limang daliri so paa nga iyon. Nagmadali kong hinarap ang bagay na iyon. Natuklasan ko na hindi ito isang bagay. instead isa itong tao.

Tang-*** hindi ko ito kasalanan dahil siya ang biglang sumulpot sa harap ko. Hindi naman ako overspeeding o lasing kaya walang dahilan para hindi ko siya makita. Kasalanan niya ito.

"Miss, are you okay!" Tanong ko sa babae na nakasuot pa ng wedding gown. Kahit anong sipa ko sa kanya wala itong reaksyon. "Hoy, babae! Wake up." sigaw ko.

Kung mamalasin ka nga naman. Mainit na nga ang ulo ko tapos magdadala pa ako sa hospital. Lord, ano bang buhay to? Dahil sa kotse ko ang nakabangga sa kanya, binuhat ko ang babae at ipinasok sa loob nito. Magmamaneho ako pabalik ng Manila para madala siya sa hospital.

Sana kuting o tuta nalang ang nabangga ko para hindi ako malintikan!

Siguro nung nagsaboy ng kamalasan ang diyos, may dala akong batya at sinalo ito lahat. Kahit saan kasi ako magpunta minamalas ako.  Tapos ngayon kung mamatay ang babaeng ito makukulong pa ako.

Haisssst! kainis.

---------

Cassandra POV

Namulat ako sa isang maliwanag at puting lugar. Mabango dito at maraming bulaklak sa aking tabi.

Patay na ba ako? Langit na ito?

Pero wait parang Pridyider at sofa yung nasa kanang bahagi  ng kwarto ha.

So ibig sabihin may ganito rin sa heaven? At sa pag-iikot ng aking paningin sa kabuan ng silid, nakakita ako ng isang napakagwapong lalaki, makinis ang balat at matigas ang pangangatawan.

Siya siguro ang tinatawag nilang ANGEL. Kung ganito ba naman ang lahat ng anghel sa langit edi magtatayo na ako ng mansion dito. Tumayo ang angel mula sa kinauupuan niya at lumakad palapit sa aking kinahihigaan.

"San Pedro is that you?" Bungad kong tanong sa lalaki na nasa tabi ko na. Wala naman siyang hawak na puting manok so hindi siya si San Pedro. Malamang angel nga talaga siya.

Love from 80'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon