Chapter 8 : Alicia

2.8K 63 7
                                    

Cassandra POV

Ito ang unang araw ko bilang Personal Maid ni Rexer. Grabe, hindi man lang sumagi sa isip ko na mahuhulog ako sa ganitong sitwasyon. 'Yung tipong makakaharap ko ang katapat ko sa panahong ito. 

"Mica, I'm ready!" sigaw kong sabi sa kanya. 

"Okay, lumabas kana at narito na ang sundo mo." Bulyaw ni Mica na parang nasa kung saan na malayo. Akala ko ba siya ang maghahatid sa akin sa bahay ni Rexer? Eh bakit may sumundo sa akin?

Lumabas na ako ng bahay ni Mica dala dala ang maliit na bag. Laman nito ang kaunting damit na binigay sa akin ni Bakla. Mukha tuloy akong mahirap sa hitsura kong ito. Nadatnan ko ang isang napakagandang sasakyan. Kulay puti at nangingintab sa linis. Mapapansin mo talaga kung gaano kayaman ang may ari nito.

"Diyan na ba ako sasakay?" pakunwari kong pagtataka. Kahit pala paano ay may kabaitan sa kaluluwa si Rexer. Nag-abala pa siyang sunduin ako.

Unti unting nagbukas ang salamin ng kotse at bumungad ang gwapong mukha ni Rexer. Ewan ko kung bakit? Pero tila may kamukha siya na hindi ko matandaan. "Parang nakita na kasi siya ng mata ko kung saan.

"Sakay na! Ano? ako pa ang magbubukas sa'yo ng pinto at maglalagay ng bag mo sa loob?" Bulyaw niya. Hindi talaga matatakpan ng gwapo niyang mukha ang masama at kasulasulasok niyang ugali. Mas mabait pa ata si Satanas sa lokong ito eh!

"I know." nagpaalam na ako kay Mica at pumasok na sa kotse.

Nagmaneho na si Rexer. Habang nasa biyahe ay nakabibinging katahimikan lang ang nangibabaw sa loob. Ultimo nga hikab ng kuto narinig na eh. Narating na namin ang bahay niya at mataas ito. Sa condominium pala nakatira ang gago. Noong panahon ko iilan lang ang ganitong tirahan. Marami pa kasing takot noon na mamahay dito.

"Huwag kang magiiwan ng basura sa kotse ko." sabi ni Rexer at bumaba na pagkapark ng sasakyan.

"Wala naman akong dala na basura ah?" pagtataka ko sa sinabi niya.

"I mean yung bag mo and also you." Nakangisi niyang sabi at nagsimula ng lumakad papasok ng elevator.

Aba, tawagin ba akong basura!

Malapit ng bumingo ang lokong toh! Kapag hindi ako nakapatimpi, mata lang ang walang latay sa katawan niya. Hindi sa pagmamayabang, nag-aral ako ng karate last year. Kaya madali lang para sa akin na bugbugin siya.

Sinundan ko na lang siya ng nakabusangot ang mukha habang hawak ang maliit kong bag. Pumasok kami sa elevator. May dalawang matanda kaming kasama dito. Isang lalaki at isang babae. Mukhang mag-asawa dahil sa kanilang paghoholding hands.

Aba, sweet pa kahit pasas na.

Ngitian ko sila ng magkrus ang aming mga mata. "Goodmorning po!" Magalang kong bati. Sa totoo lang mabait ako sa mga nakakatanda, liban kay Mica the make-up artist. Binabara niya kasi ang trip ko eh.

Hindi ko napansin kung ano ang pinindot ni Rexer. Pero sa tingin ko sa taas siya nakatira. Kinakabahan ako at natatakot sa magiging buhay ko with him. 

Mainit kaya dun o maraming apoy. Kasi kung kaugali niya si satanas malamang iisa lang sila ng tirahan. Habang naroon kami sa loob at tahimik na nakatayo may kung ano na pumukaw ng aking diwa. Isang pamilyar na boses ang nahagip ng aking ears.

"Cassandra? Ikaw ba iyan?" tawag mula sa likuran. 

Sino ang tumawag sa akin? Nilingon ko ang pinangalinggan ng boses. 'Yung matandang babae, siya ang tumawag sa akin. Paano niya ako nakilala? Hindi kaya fan ko siya sa panahon ko?

Love from 80'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon