Chapter 29: The Real Monsters

170 5 6
                                    

Cassandra POV

Agad kong isinara ang pinto ng 3014 upang di na muling makabalik pa si Monster V.

"Sorry,  paalam masama kong panaginip! Huling kataga ko bago tinalikuran ang pinto.

Sa sandaling ito, dama ng aking puso ang pariramdam ng kalayaan mula kay Monster V.  Pero sa kabila nito,  dama ko din ang lungkot para sa aking futureself. Kaligayahan lamang abg hangad niya pero hindi ko pa ito naibigay sa kanya.... O sa sarili kong pagkatao.

Papalabas na sana ako sa silid upang tumakas ngunit nabaling ako  sa sulok ng silid kung saan naroroon si Ramon at Victoria. Naisip ko sa mga oras na ito na gumanti. Sino pa ba ang taong hindi kukunin ang pgkakataon na ito upang bumawi sa mga nanakit sa akin. Nakaluhod sila at parang asong nais makawala sa pagkakagapos.

Marahan akong lumapit "Ramon, paano mo nakagawang ipapatay ang isang tulad ko?  Naging masama ba ako sa iyo?  Did I hurt you? sunod-sunod na tanong ang lumabas aking labi kasabay ng pagbuhos ng aking luha.

I guess this is the right time for me to face them.

Pero nagulat ako na imbis isang nagmamakawang mukha ang aking pagmamasdan, isang mayabang na Ramon ang bumaling sa akin. Tumingala siya.  "Kulang pa ang mga balak namin sa iyo noon.  Nagsisisi ako at nakabalik ka pa upang maghiganti.  Hindi ko alam kung anong klaseng mahika ang ginamit mo upang buhay na tumayo sa aming harapan," halos pasigaw niyang sambit sa akin.  Kita sa mga mata ni Ramon ang labis na galit.

"I don't know kung saan nagmumula ang galit mo.  I only gave you all of me.  Halos wala nga akong itinira para sa akin tapos susuklian mo lamang ng ganito! " sumbat ko.

Napailing siya.  "So,  ngayon kami pa ang masama at ikaw ang mabuti.  I know hindi ikaw ang direktang may atraso sa akin o sa pamilya ko. Bunga ka lang ng mag-asawang pumatay sa magulang ko! " halatang pinipigil lang ni Ramon ang kanyang pagluha.

I see anger in his eyes.

I'm clueless.

What did he mean?

"Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo?  Naguguluhan ako."

"I guess I need to tell you a story about who your real parents are.  Your mother and father are the real monsters.  They killed my family dahil sa pagiging sakim nila sa kapangyarihan.  Magkalaban sila noon sa eleksyon. Your parents killed my whole family. And that's the brutal truth!" sa unang pagkakataon nakita ko ang pagbagsak ng luha ni Ramon.

I don't know what to say. I really don't know.

Maybe he's just lying? But what if he's telling the truth?  Kasalukuyang nagtatalo ang aking isip.

Nanlambot ang aking kalamnan.  "Hindi iyan totoo!  Mabuting tao ang magulang ko." Napaatras ako ng isang hakbang patalikod.

Napa-iling si Ramon. "Nakikita mo naman, nakagapos ako dito at nakaluhod pa sa iyong harapan na tila nagmamaka-awa sa aming buhay.  Makakapag-sinungaling pa ba ako?"

Bumaling ako ng tingin kay Victoria. Tulala ito at tila wala sa ulirat.

"Victoria, may alam ka ba sa mga sinasabi ni Ramon?" pagtatanong ko.

May tila kung ano ang mayroon sa boses ko na nagpabalik sa pag-iisip ni Victoria. Matalas ang kanyang biglang tingin sa aking mga mata. "Noong una akala ako namamalik mata o nasa isang malagim na bangungot lamang ako. Pero tunay ngang buhay ka at nagsasalita sa aming harapan. Nakababaliw na isipin kung paano ka nakaligtas sa ginawa namin sa iyo?  Isa ka ngang anak ng demonyo! " nagpupumiglas si Victoria habang sumisigaw sa aking harapan.

Hindi ko alam kung paano nagagawang sambitin ni Victoria ang mga salita na iyon sa aking hahapan. Wala akong maalala na masamang nagawa sa aking matalik na kaibigan.

"Para na kitang kapatid! Paano mo ito nagawa sa akin Victoria?" pautal - utal kong tanong sa kanya. Sa sandiling ito tuluyan ng nawala ang aking pakirandam at tuluyan napa-upo sa kanilang harap.

Isang malakas na halakhak ang isinagot niya. "Kapatid? Kaibigan?  nahihibang ka ba?  Kaaway,  kahati at kaagaw iyon ang tamang salita na aangkop sa ating dalawa!"

"Iyan ba ang tingin mo sa ating dalawa? Sa totoo lang mas nasaktan ako ng lubos ng malaman ko na ikaw ay bahagi ng pagpatay sa akin" patuloy ang buhos ng aking luha.

"Bahagi? Ipalagay nalang natin na ako ang nagsimula at utak ng bagay na iyon."

"But why?"

"Tanga ka ngang tunay Cassandra. Mas masaya kung malalaman mo na pati si Mommy at daddy ay parte ng lahat ng iyon. They want you to die so I just followed what they wish" Muling humalakhak si Victoria at tumingin sa aking mata na sing lalim ng kanyang poot.

After hearing that, my heart totally break into small pieces. Gumuho sa aking pag-iisip ang isang larawan ng perpektong pamilya kasama si Victoria at kanyang mga magulang.

Isang malakas na sampal ang nagawad ko sa kanya. "Don't you ever involve Mon and Dad into your crime. 
I know deep in my heart na mahal nila ako. Kayo ang pamilya ko!"

"Pamilya? Isa kang anay na sumisira sa pamilya ko.....Cassandra...pamilya ko!"

"Mom and Dad make me feel like their own daughter. Alam mo iyon! "

"Ikaw lang ang nagsasabi niya. In fact after your death, my family celebrated. Nakuha na namin ang lahat ng kayaman na iniwan ng tunay mong pamilya. Iyan ang tanging kailangan ni Mom and Dad sa iyo, ang limpak-limpak na salapi na makukuha nila sa araw na bawian ka ng hininga." sambit niya na may pagyayabang.

Yaman?  Limpak-limpak na salapi? Sa aking pagkaka-alam wala naman iniwan na kayaman sa aking ang mga magulang. "Your a liar!  Hindi iyan totoo.  Mahal ako ng mga magulang mo at hindi ang yaman na sinasabi mo.  Hindi nila magagawang sumang-ayon sa inyo na patayin ako!" kasabay ng malalakas kong sigaw ay isa muling malakas na sampal ang ibinigay ko kay Victoria.

Ngunit bago ko ibigay ang kasunod nito, napatigil ako sa sinabi niya.

"Sige Cassandra.  Patayin mo din ako. Kasama ko sa akung sinapupunan ang anak namin ni Ramon! "

Hindi ito maari....  Rexer....








Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 05, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love from 80'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon