Chapter 2: Munting Tahanan

3.4K 157 16
                                    

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Cover by  Kubyertos WP

Cover by  Kubyertos WP

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

The Soldier & I

Book 2

AiTenshi

June 11, 2018

Chapter 2: Munting Tahanan

"So hanggang kailan ka dito? Ang akala ko ay gusto mo nalang mag tayo ng parlor at mag kulot mag hapon?" ang tanong ko kay Ed habang kumakain kami ng pananghalian.

"Ang sabi sa akin ay mag tutungo ang Special Force dito para imeet ang ating mga sundalo. Para makipag join forces. Alam mo na, mas marami mas masaya. Yeah You know, and all that." maarte niyang tugon

"Pupunta si Francis dito? Kamusta naman ang top 13 Special Forces?" ang tanong ko

"Hello, top 7 nalang kami. Diba nga resign kana? Tapos yung iba ay namatay doon sa pag laban namin sa zombie outbreak, actually hindi naman zombie outbreak iyon parang kumalat lang na germs tapos naloka loka sila hanggang sa mag kagulo. At dahil nga na tsugi yung ibang member ay pupunta sila para imeet ang ating mga soldier at kumuha ng kapalit nila." ang paliwanag niya

"Bakit ba kasi hindi ka pa nag resign? Bakit ayaw mong ilagay sa tahimik ang buhay mo?" seryoso kong tanong

Naging seryoso rin ang kanyang mukha at napatigtig sa akin "bakit? Dahil sa pag ibig na patuloy kong hinahabol kahit alam kong nag kaka sugat sugat na ang paa ko sa pag takbo patungo sa kanya. Nang dahil sa pag ibig natutong mag tiis, nang dahil sa pag ibig naging sunod sunuran ako, nang dahil sa pag ibig umiiyak ngayon ang puso ko." ang sagot niya dahilan para mapa kunot ako ng noo "Kanta iyan e. Ayusin mo na kasi." pag mamaktol ko

"Totoo naman, habol ako ng habol kay Francis Smith noh, ininvite niya ako sa Cambodia, akala ko ay mag papakasal na kami doon! Pero hindi pala! Sa halip na marriage contract namin ang pinirmahan ko, ay SF unit contract pala iyon kaya heto extended ako ng dalawang taon paaa!" ang pag mamaktol dito.

"Ang sabi mo sa akin ay mag jowa na kayo? Diba tinawagan mo ako dati, ang sabi mo ay kaka sex nyo lang?" ang tanong ko

Bumakas nanaman ang lungkot sa mukha ni Ed dahilan para mapa kunot nanaman ako ng noo. "Ang lahat ng iyon ay imbento ko lang, gusto ko lang maging proud ka sa akin dahil nag ka love life ako, naka bingwit ako ng machong papa. Nakaka lungkot talaga frend. Sana ay hindi mo na inungkat ang mga bagay na iyan. Lalo lang ako nasasad. Nasasad na talaga ako. Sad na sad." ang wika nito na mala Kris Aquino.

Habang nasa ganoong pag uusap kami ni Ed ay biglang may tumamang damit sa aking mukha kaya agad ko itong kinuha. Isa pala itong brief at mukhang marumi pa. "Hoy, bilisan mong kumain diyan. Mag lalaba pa tayo. Yung mga gamit ng anak mo ay naka kalat pa doon sa labas." ang wika ni Bryan habang hawak ang isang malaking lalagyan ng mga labahin.

The Soldier & I BOOK 2 (BXB 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon