Chapter 4: Masamang Ala-ala

2.8K 133 11
                                    

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

P.S kung ang hanap mo ay common story ng dalawang baklang na lalandian sa kwarto o sa kanto ay hindi ito ang kwentong para sa iyo. At hindi rin ako ang manunulat na hinahanap mo. Ang aking kwento ay nangangailangan ng tiyaga sa pag babasa gamit ang puso at hindi mata. At lalong hindi ang utak na kinakalawang. Lipat lipat rin pag may time. Ang BXB ay hindi puro kalibugan at kalandian kaya matuto kang kumuha ng inspirasyon mula sa kanila upang maging isang mabuting tao na may direksyon sa buhay.

Cover by Joshua Villato

Cover by Joshua Villato

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

******

Happy Birthday Ai Tenshi Lol

June 14, 2018

*******

The Soldier & I

Book 2

AiTenshi

June 14, 2018

Chapter 4: Masamang Ala-ala

. "Boss Adel, ikinalulungkot ko ang pangyayari ito, sana ay tatagan mo ang iyong kalooban." ang bungad nito habang umiiyak.

"Kalooban? Ano ang ibig mong sabihin?" tanong ko naman na hindi maitago ang matinding takot.

"Noong nakaraang linggo ay naka sakay kami sa army truck, kasama si Sergeant Bryan Turalba at iba pang pinoy na sundalo upang mag dala ng gamot sa ospital kung saan naka confine ang daan daang pinoy. Habang kami ay nasa daan ay bigla na lamang umusok ang sasakyan at sumabog ito.. Naramdaman ko na lamang na itinulak ako ni Sarge palayo sa sasakyan kaya't pumutok ang aking ulo at nagasgas ang aking mukha dahil sa pag sadsad ko sa kalsada.

Malakas ang pag sabog at kasama si Bryan doon. Wala ibang narecover kundi ang mga bagay na ito. Patawarin mo ako Boss Adel. Wala akong nagawa para sa kanya.. Hanggang sa huli ay utang ko pa rin ang aking buhay kay Sarge. Sina Sergeant Esgera, Corporal Tomas, Commander in Chief Santillan at Sergeant Turalba.. Lahat sila ay patay na..." ang pag iyak nito sabay abot ng gamit ni Bryan na nag lalaman ng kanyang sunog na uniporme, sirang sapatos, at ang kwintas na ibinigay ko sa kanya bago ito umalis.

"Bumalik sa akin ang kwintas.. Ngunit hindi ko pinangarap ang ibalik ito sa akin ng ganito nalang.." ang tanging nasabi ko habang pinag mamasdan ko ang gamit ni Bryan.

Tahimik..

Tila bumagsak ang aking mundo at sa isang iglap, ang kaligayahan ko ay nag laho na parang isang bula.

Walang tumatakbo sa aking isipan..

Ang paligid ay tila naging slow motion at kasabay nito ang pag bagsak ng aking katawan sa lupa.. (Scene from book 1)

The Soldier & I BOOK 2 (BXB 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon