LEORANNI

Behind every smile is a pain that is trying to be covered. But even the kindest person can kill when triggered. My problem? I do not have the guts to kill even if I really wanted to rip Vaughn's heart out of his chest.

I never had the strength to fight for myself, because the demons around me taught me that the best way to kill a person is to show him kindness. And it seems like those demons are wrong. I tried my best to be kind but some of them took advantage of it. I tried to cheer them up even I am so down. The cheerful Leoranni Sebastian they knew is just an act to gain social acceptance.

I tried to change from being a rebel to be this way. I miss the old me. The person who never cares whatever is happening to the world around him.

I rolled up the sleeves of my left arm. The scars are still here. They can never be removed. They are the reminder of the person I used to be.

Suddenly, I heard footsteps coming towards me.

"Leoranni?"

Graylynn. The only reason why I am trying to stay this way, a kind one. I tried to smile at her, but she just looked at me. Her hazel eyes are studying me. Siguro nahalata niya na hindi sincere ang smile ko. She has really good intuition.

"Leoranni, sorry sa ginawa ni Vaughn. Ako na ang humihingi ng sorry," she ssaid

My smile faded. "Gray, I am sorry. I will reject that apology. Alam ko na hindi iyan galing kay Vaughn," pagprangka ko sa kanya.

"Palamigin lang muna natin ang ulo niya."

"Bakit mo ako sinundan dito? Baka magalit siya." Masakit sabihin iyon. Ang dating itinataboy ko siya. Mukha akong isang drama queen by the way I act. This scene is an epic cliche. But this is not a scene from a movie, there is a huge possibility na marealized niyang tama ako at dapat nga siyang bumalik doon para sa kay Vaughn na boyfriend niya.

Napatingin siya sa left arm ko at kinuha iyon. She saw my suicide scars. Matagal na ang mga ito, at hindi na mawawala. "Leoranni...bakit?

Hinila ko ang braso ko mula sa kanya. She do not deserve to see this and I do not deserve her.

"Just promise me one thing, don't ever do this again," sabi pa niya habang nakatingin sa akin. Eye to eye. Her hazel eyes are the most beautiful sight that I will never get tired of looking at.

Sinubukan kong tumawa para bawasan ang awkwardness ng atmosphere. Wrong move. It just made the atmosphere more awkward because she just looked at me. Her brows are knitted together, an indication that she is angry.

"Leoranni," she said, it was almost a whispher but I clearly heard it. Her voice is full of concern. Just a friendly concern, it wouldn't go deeper. "I...-"

And before she even finished what she will say, we heard a scream...from...-

"Vaughn!" sigaw ni Gray na nag-aalala, bigla siyang napatakbo kung saan nagmula ang sigaw ni Vaughn. I just followed her.

Pagbalik namin, nakita namin si Henriette na dumuduwal. Nilapitan namin siya ni Graylynn. Hindi lang siya dumuduwal, humahagulgol din siya.

"Henriette, ano'ng nangyari?" natatarantang tanong ni Graylyn.

"W-we're not safe in here! Umalis na tayo!" sigaw ni Henriette. She is calm and collected most of the time. Nakakapagtaka kung ano man ang nangyayari sa kanya, mukhang seryoso para mataranta at manginig siya ng ganito. "Please! T-this..this place is fucked up! We're damnned, umalis na tayo!" sigaw pa niya na mukhang nawawala sa sarili sa pagkataranta at takot. "Vaughn is dead."

Napatakip si Gray sa bibig niya na parang hindi makapaniwala. Ayaw ding magsink-in sa isipan ko ang narinig ko. That bastard is dead. Hindi ko siya gusto, pero hindi ibig sabihin n'un wala akong pakialam sa kanya. We are still colleagues. Parang kanina lang, magkaaway pa kami. Malakas pa siyang nakikipagsuntukan.

Napatakbo si Gray sa lugar kung nasaan ang iba naming mga kasamahan, pero hinarang siya ni Sevene. "Gray, hindi mo kakayanin ang nangyari sa kanya," paalala niya.

"Tumabi ka, please. K-Kailangan ko siyang ma-makita!" sigaw ni Gray na natataranta. Umiiyak na siya.

Tumango ako kay Sevene as a signal na pagbigyan ang request ni Graylynn. Sumunod naman si Sevene, pero mukhang nagdadalawang-isip pa.

Nang nakalapit na kami ni Gray sa bangkay ni Vaughn, naiintindihan ko na kung bakit nasuka si Henriette. Nararamdaman ko rin na bumabaliktad ang sikmura ko. Nawawala ang puso, wakwak ang sikmura, kalat ang internal organs at nawawala rin at ulo ni Vaughn. Ang natira nalang ay ang katawan niya na naliligo sa sarili niyang dugo.

Nakalimutan ko ang pinagtalunan namin kanina, napalitan iyon ng awa. Hindi tao ang gumawa nito.

Mas nag-alala kami kay Gray na biglaang tumumba. Hindi niya kaya ang nakita niya. Mabuti nalang at nasalo ko siya agad bago siya bumagsak sa lupa.

Natataranta ang lahat sa gagawin. Nagtuturuan kung sino ang mag-aayos sa bangkay. Si Henriette nasa sulok lang, ayaw lumapit at humahagulgol. Mukhang traumatic para sa kanya ang nakita niyang bangkay ni Vaughn.

"Ako na bahala sa bangkay," pagvovolunteer ko. Bago iabot si Graylynn ng marahan kay Atreyu na malapit lang sa akin. Kahit nakakainis si Vaughn, hindi niya parin deserve na mamatay sa ganito kabrutal na paraan.

Lumapit sa akin si Griffith na naluluha na rin sa nangyari sa kaibigan niya at tinapik ako sa balikat. "Tutulungan kita."

Lost into the Devil's TerritoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon