HENRIETTE

Ang weird ng mga nangyayari. Nang una, masaya pa kaming lahat nang magsimula ang plano namin, ngayon napalitan ang lahat ng katatakutan na para bang isang malaking bangungot ang mga nangyayari. Sana nga isang bangungot nalang ang lahat. Patay na si Vaughn and his death is not just a normal death. It is not a suicide, it is a murder. A brutal murder. Pwede namang saksakin lang siya para mamatay, pero kinuha pa ang puso at pinugot ang ulo niya. Mayroon pang possibility na isa sa amin ang pumatay sa kanya, pero alam kong hindi. Sigurado ako.

Iniayos nila Griffith, Sevene at Leoranni ang bangkay ni Vaughn. Kami naman nila Ashanti, Atreyu, Winston, Breeze, Ulric, Christel at Graylynn na wala paring malay ay narito sa loob ng coaster.

Suggestion ni Lavinia ang trip na ito, nakumbinsi si Jang at hanggang lahat pumayag. Ang thrill na hinahanap namin, napalitan ng horror.

"Sabi sa mga paniniwala ng mga matatanda, marami raw naninirahang mga engkanto sa mga ganitong kakahuyan," pagbasag ni Winston sa katahimikan.

Napatayo si Ashanti na nasa pinakaharapan at lumapit kay Winston na katapat lang ng inuupuan ko. Ang sama ng pagkakatitig niya. "Palagay mo ba, kailangan namin 'yang mga trivias mo sa mga oras 'to, Mr. Geek na adik sa mga paranormal stuffs?" sigaw niya kay Winston na nagpatahimik sa aming lahat. "Ang pagpunta natin dito, isang malaking mistake. Hindi tao ang mga tinatakasan natin, mga halimaw sila! Hindi t-tayo...-" her voice cracked, an indication that she is about to cry. But she kept her voice loud, isang paraan para ipakita na matatag siya.

Tumayo rin si Christel na ready makipagtalo, as always. Hindi sila magandang combination ni Ash. Parehong mainitin ang mga ulo nila at lagi silang nagkokontrahan. "Hindi naman tayo mapupunta rito kung hindi dahil diyan sa idea ng kaibigan niyong si Lavinia Jean!" sigaw din niya. "Ngayon, maghintay tayo kung sino ang susunod na mamamatay!" And the bitch crossed her arms while laughing sarcastically as if what she said was a funny joke. I wanna slap her right now, but I kept myself calm. Sapat na ang dalawang bulkan para sumabog at mag-away, hindi ko na kailangang makialam. Wala rin namang may balak makialam.

"Sana ikaw ang sumunod namamatay. Extra baggage ka lang naman dito. Masaya kaming makakauwi kung wala ka," sagot ni Ashanti. Nice one. Sang-ayon ako doon.

Napatayo rin si Ulric, mukhang dedepensahan niya ang girlfriend niyang si Christel. "Eh kung tuluyan kaya kita dito!" sigaw niya habang tinuturo si Ashanti. Napaka-ungentleman, nakikialam siya sa away ng mga babae. "Huwag na huwag mong pagsasalitaan si Christel ng ganyan."

Gusto kong tulungan si Ash, pero natatakot ako. Ayaw kong madamay sa isang malaking gulo. Mabuti na lang at bumukas ang coaster at pumasok doon si Griffith na mukhang nag-aalala. "Bakit may sigawan dito?" tanong niya.

"Eh 'yang babaeng 'yan eh," pagsusumbong ni Ulric na tinuro pa si Ash, "ang sama ng lumalabas sa bibig."

"Sa pagkakaalala namin, si Christel ang naunang sumagot kay Ash," sabat ni Atreyu na mukhang wala nang energy sa mga nangyayari. Nawawala ang glow ng aura niya. Hindi ako sanay.

Tiningnan ni Griffith sina Christel at Ulric. "Guys, magkakasama tayo sa trip na 'to. Dapat we are looking at each other's back. Huwag naman kayo mag-away-away, ang goal natin is makauwi tayong lahat ng buhay." Poor Griffith, mali ng mga napiling kaibigan. Sunod ay tiningnan niya si Ash. "Sorry sa ginawa nila.

"Wag ka ngang magpakasanto diyan, Griff" komento ni Christel. "Sapat na si Sevene para doon." Padabog siyang tumayo. Akala namin susugurin niya si Ash, pero tinulak niya ito na dahilan ng muntikan nang pagbagsak ni Ash at dumiretso siya sa pintuan ng coaster.

"Gaga. Hindi alam magpa-excuse," asar na sambit ni Ash.

Sumunod naman si Ulric kay Christel. Nang madadaanan na niya si Ash, tinitigan niya ng masama. Pero hindi man lang nasindak si Ash, nakipaglaban din siya ng titigan.

"Sorry sa kanila, guys. Nabigla lang siguro sa nangyaring accident," paumanhin ni Griffith sa aming lahat.

Ipinaalala niya na naman. Ramdam ko pa ang pamamaga ng mga mata ko. Parang ayaw pa ngang tumigil ng mga luha dahil na nakakakilabot na nangyari kanina. Hindi iyon maialis sa isipan ko. Natatakot ako. Pakiramdam ko, babaliktad ang sikmura ko.

Napatayo ako at mabilis na lumabas sa coaster. Medyo dumistansya ako dahil nararamdaman kong muli ang pagbaliktad ng sikmura ko. Hindi ko napigilan ang sarili ko na masuka. Naramdaman ko na may humahagod sa likuran ko.

"Sige lang, magiging okay din ang lahat," he said while patting ng back. His voice right now is not as cheerful like what he is always used to be.

Pinunasan ko ang labi ko gamit ang panyo ko. "Atreyu...na-natatakot ako," pag-amin ko. "We're not safe in here."

He hugged me. "I will protect you, don't worry, baby," bulong pa niya. Sweet as always. Napakalma ako ng mga simpleng salita na iyon. I hugged him back. Suddenly, I felt safe. Nabawasan ang takot ko. "So, kailan tayo aamin sa kanila?" tanong pa niya.

"Kapag okay na ang lahat," sagot ko.

Humiwalay siya sa pagkakayakap at idinikit ang noo niya sa noo ko. "Basta promise mo na lagi kang magiging honest even about sa maliliit na bagay lang. Kahit tumahimik ka sa kanila, basta huwag sa akin."

Right. Honesty. Like what I've promised to him. Alam niyang tahimik ako at hindi pala-imik.

"Atreyu," I felt my voice cracked. Namumuo na naman ang mga luha ko. "I-I saw the killer who murdered Vaughn. It's...it's not a human."

Naningkit ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. "W-What do you mean?"

Napailing nalang ako at yumakap ulit sa kanya. "Atreyu, nagsasabi ako ng totoo. Sigurado ko sa nakita ko," sabi ko sa kanya.

Niyakap niya rin ako ng mahigpit. Parang ipinaparating niya sa akin na ligtas ako sa yakap niyang iyon. "Magpahinga na muna tayo. Hihintayin lng natin na makabalik ang iba. Bukas, aalis agad tayo."

Hindi ko alam kung naniniwala ba siya sa sinabi ko. Ang gusto ko lang marinig ay ang sabihing aalis na kami sa sinumpang lugar na ito.

Lost into the Devil's TerritoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon