VIII

17 1 0
                                    

SEVENE

Nagising kami nang wala sa oras dahil sa pambubulabog ni Winston. Napatingin ako sa digital watch ko. 12:27 a.m. Apat na oras palang ang nakakalipas matapos ang tragic na nangyari kay Vaughn.

Nakakalungkot isipin ang nangyari. Medyo may attitude problem si Vaughn, pero hindi niya deserve na mamatay sa ganoong paraan. Masyadong morbid.

"Guys, kailangan na nating umalis dito!" natatarantang sigaw ni Winston.

"What the hell," komento ni Atreyu. Hindi talaga siya morning person. Ayaw niyang ginigising siya sa pagkakatulog. "Alam mo bang 12:30 palang?" naiinis niyang sigaw. Advanced pala ang relo niya. Nagising din si Henriette na nakasandal sa balikat niya.

"Wala pa sila Kryzztel, Jang, Lavinia and Aldwin," sabi ni Ashanti na mukhang wala pang tulog. Ang laki ng mga eyebags niya.

"Pati sina Chris at Ulric," dagdag pa ni Breeze na mukhang naalimpungatan din.

Huminga muna ng malalim si Winston. Tensyonado siya at nanginginig. "Wa-wala na sila Christel at Ulric."

Napatingin kaming lahat sa kanya. Ano ba ang ibig niyang sabibin. Kung isa man iyong joke, hindi nakakatuwa.

"They're dead! I saw their corpse! Mutilitated!" sigaw niya na naiiyak na. Matapos niyang sabihin iyon, gusto ko na ring sumigaw. Gusto ko magmura na bihira ko gawin. Pinatay si Vaughn sa dahilan na hindi namin malaman, bakit hindi kami maniniwala sa balitang patay na rin sina Chris at Ulric?

Napatayo si Breeze sa pagkataranta matapos marinig ang nakakakilabot na balita. "Nagsisinungaling ka! Hindi pwede! Nasaan ang mga bangkay nila?" sigaw niya.

Natataranta rin kami at hindi alam ang gagawin. Ang ilan sa amin, umiiyak na rin. Pero tumayo ako. "Nasaan ang bangkay nila? Kailangan natin silang bigyan ng maayos na libing pag-uwi natin," sabi ko.

"Tara," pagyayaya ni Ashanti na mukhang nakokonsensya. Katulad ng nangyari kay Leoranni kanina, masigla at maayos pa ang lagay ng nakasagutan niya. Sa isang iglap, may dumating na balitang patay na iyon. Sa isang brutal na kamatayan na hindi kayang gawin ng isang tao.

"Guys, wait," pagpigil sa amin ni Henriette bago kami makababa sa coaster. Bihira siya sumigaw at magtaas ng boses, pero sa bihira na iyon, alam namin na may mahalaga siyang sasabihin kaya kailangan namin makinig. "Hindi tao ang pumatay kay Vaughn, and I'm sure na ganoon din kina Christel at Ulric," sabi niya na nagsisimula na namang umiyak.

Napatigil kaming lahat dahil sa sinabi niya. Totoong hindi maka-tao ang ginawang pagpatay sa kanila, ginawa lang sila na parang mga hayop na kinatay ng walang awa. Nakakalungkot at nakakatakot.

Napalunok ako nang malalim nang mapagtanto ang kalagayan namin. Para kaming nasa isang horror movie. Hindi alam ang mangyagari at nakikipaglaro lang sa killer sa lugar na ito.

"We have to get out of here," natatarantang pagsang-ayon ni Atreyu. "Leo, Sevene, ayusin natin ang sira sa coaster!"

Agad namang tumayo si Leoranni para sumunod sa sinabi ni Atreyu. Ayaw ko nang manatili sa lugar na ito. Kaya walang anlinlangan, tumayo rin ako at sumunod sa kanila. Pero bago pa man kami makalabas sa coaster ay may binato si Breeze na kung ano at kamalas-malasang tumama iyon sa ulo ni Atreyu.

"Ano? Kakalimutan niyo ang bangkay nila Chris at Ric? Ano'ng ginawa ninyo sa bangkay ni Vaughn?" sigaw niya.

Sa normal na panahon, magmumura lang si Atreyu sa tuwing binabto siya ni Ashanti ng kung ano-ano o sa tuwing binabatukan siya ni Jang, pero mukhang hindi ito ang oras na kalmado siya dahil sumugod siya kay Atreyu at mabilis itong kinuwelyuhan. Nataranta rin kaming lahat. Nagiging impulsive si Aldwin sa tuwing nagagalit, kung hahayaan namin siya baka kung ano pa ang magawa niya kay Breeze na hindi sanay sa away. Kung tutuusin naman kasi, nagkataon lang na mga warfreaks ang naging mga kaibigan ni Breeze at Griffith. Hindi naman sila mga sanay sa away o nadadamay sa away.

Lost into the Devil's TerritoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon