Chapter 4

3 0 0
                                    

Sab's POV

Friday na at napa aga yung gagawing dinner namin. Dapat next week pa yon kaso pina move ni daddy. Simula nung wednesday hindi kami naguusap ng maayos ni daddy. Kakausapin ko lang siya kapag about sa business at hindi na nadudugtungan pa yon. Si mommy din alam nya ang dahilan at nakausap ko na siya tungkol don. 

Papalate nalang ako ng konti mamaya. Wala talaga ako sa mood ngayong araw. Nagka problema sa site ng ginagawang building kaya nagkaroon ng meeting at dagdag pa yung dinner ngayon naiinis ako sa mga nangyari at sa mga naiisip kong mangyayari pa sakin.

Sinadya kong itambak ang mga paper works ko para may dahilan ako sa pagiging late ko at iuuwi ko nalang yung mga kailangan kong ireview at yung mga kailangan pirmahan. 

8 pm ang dinner pero aales ako dito sa Company ng mga 7:50 dahil 15 mins away lang yung bahay hanggang Company. Its 7:30 already at nagtext na yung kapatid ko na wag daw ako papalate.

Saktong 7:45 bumaba nako ng building dala dala ang mga folder na iuuwi ko. Habang nag drive ako ay tumawag ang kapatid ko. Pero dahil alam kong delikado ang paggamit ng phone habang nag drive ni loudspeaker ko nalang para marinig ko siya.

"Sis where are you na?? Nandito na sila tito. Si dad naman naiinis na dahil ikaw nalang daw ang kulang" Tuloy tuloy na sabi ng kapatid ko. 

I sigh at sinabing

"I'm on my way. Traffic lang. Pero papasok nako ng Village" Sabi ko sakanya kahit hindi naman talaga. At biglang binaba ang tawag na alam ng kapatid ko kapag naiinis ako.

Well mga ilang blocks nalang naman ay papasok nako sa village. 

Nasa labas nako ng bahay at nakita ko na nga yung kotse nila tito. Siguro kanina pa sila naghihintay. Nakakahiya man pero wala akong magagawa. 8:04 nang maka dating ako at pumasok na sa loob. 

Iniwan ko nalang yung mga folders dito sa car ko at babalikan ko nalang sila mamaya.

Dimiretso ako sa loob at nakita kong naguusap sila daddy sa sala kasama si tito and to my surprise Zac is here. 

"Your late Sabrina" iritadong sabi ni daddy. Hindi ko na siya pinansin at hinalikan ko nalang siya sa pisngi at ganon din ang ginawa ko kay tito.

" Ano kaba Jade ayos lang yon. Di naman ganon ka late si Sab" Nginitian ko lang si tito. Nakita ako ni Kris yung kapatid ko at sabay sabing

"Hey babe. Nandito kana pala?? Badtrip ka yata??" Sabi niya sakin habangGinugulo yung buhok ko at  inakbayan ako saka hinalikan ang noo ko sa harap nila daddy.

Siniko ko siya at binulungan na "tumahimik ka"

Nagexcuse kami kila daddy at pumunta kila mommy na nasa Garden na at naghahanda na ng mga pagkain.

"Hi Mom. Hi Tita" Bati ko sakanila at hinalikan sila sa pisngi. Nag stay nalang kami sa Garden hanggang sa tawagin na ni mommy sila daddy.

Kaharap ko si Zac ng upuan. Hinid ko siya pinapansin badtrip talaga ako ngayon araw. Pero my gosh ang gwapo nya talaga. Hayy bakit ko ba mahal tong lalake na to??

Kumain nalang at hindi ko na pinansin sila daddy sa usapan nila. Pinapakita ko na hindi ako interesado makinig.

Habang nasa kalagitnaan na kami pagkain ay biglang nagsalita si Tito Alex about sa kasal. 

Sh*t anong kasal?? Sinong ikakasal?? Bakit di yata ako updated??

"Sabrina iha pag usapan natin ang kasal nyo ni Zac" Nakangiting sabi ni Tito sakin at nagulat ako sa sinabi nya.

WWWHHHAATTTTT!!!!

Kasal???!! Si Zac??!!!! Shocks totoo ba to??

Magsasalita pa sana ako ng maalala yung sinabi ni yaya sakin. Na tanggapin ko nalang.Namumuo yung luha sa mata ko pero pinipigilan ko. Nanlambot ako sa nalaman ko at di ko na magawang kumain pa.  Binitawan ko nalang yung mga kubyertos at tumingin kay Zac. Pero nakatingin ito sakin ng masama.

Ano bang ginawa ko sakanya at gnyan kasama yung tingin nya sakin??

Nang matapos yung usapan about sa kasal ay nagpa alam nako kila Tito Alex na magpapahinga na kahit hindi pa ako nakakapag Dessert. 

Pagka talikod ko ay tumulo na yung luha na kanina ko pa pinipigilan. Yung problema na nagkasabay sabay sa isang araw. Agad ko itong pinunasan at pumunta sa garahe para kunin yung mga folders sa sasakyan ko. Hindi pa alam ni Cassy to pero magaaya nalang ako mag Bar ngayon. Kailangan kong magsaya habang di pako natatali sakanya. Nagulat ako nang may biglang humila sa braso ko at hinawakan iyon ng mahigpit.

Pagka angat ko ng tingin ay sa Zac ang nakita ko.

"Pumayag ka pala sa kasal?? You think magiging masaya ka?? Sa oras na kinasal tayo I'll make your life living in hell" Galit nyang sabi sakin. Pinalis ko naman ang kamay nya na hawak ang braso ko. Putcha ang sakit non ha!

"Kung may magagawa lang ako. Di ako magpapakasal sayo. Pero kailangan kong sundin si daddy" Diretsong sabi ko sakanya.

"Pero hindi kita mahal!" halos pasigaw nyang sabi sakin. Nasaktan ako sa sinabi nyang iyon. Oo alam ko naman ea. Kaya umalis nalang ako at pumunta na sa kwarto ko.



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 24, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I Love You GoodbyeWhere stories live. Discover now