Sab's POV
Its 6:30 am in the morning pero kailangan ko nang gumising. May emergency meeting kasi sa office at 7:30 am. Hay di bale na after ng meeting uuwi nalang ako agad.
Sobra pa naman din ako nagpuyat kagabi kakagawa ng mga peper works. Si daddy kasi ea pwede naman na siya nalang yung pumunta. Ayaw naman pumayag dahil importante daw yung meeting.
Ginawa ko agad ang mga morning rituals ko at naligo nako. After ko maligo pumunta ako sa walk in closet ko para mamili ng susuotin ko. Mag dress nalang ako at flats tutal di naman ako magtatagal sa office. Nude brown ang color na napili kong dress.
After kong makapag bihis ay naglagay ako ng light make up at tuluyan na akong bumaba para kumain.
"Hi manang Good Morning. Sila mommy??" bati ko kay manang pagka dating ko sa kusina. Sila manang ay sobrang malapit samin. Tatlo lang katulong namin. Sila manang Lisa at manang Edna ay hindi pa ako pinapanganak ay katulong na sila nina mommy at daddy. Si Manang Lisa at Ate Edna ay magkapatid. Pero si Manang Lisa ang pinaka nag alaga samin ng kapatid ko. Yung isa naman ay ang anak ni Manang Lisa na si Karla.
"Oh anak ang aga mo ata nagising?? Ang mommy at daddy mo ay umalis na" tanong ni manang sakin habang naghahanda ng breakfast.
"May emergency meeting po kasi sa office" sabi ko habang kumukuha ng bread at hotdog sa lamesa.
"Iyan lang ba ang kakainin mo??" alalang tanong ni manang.
"Opo manang mamayang lunch nalang po ako babawi ng kain. After po ng meeting ko uuwi din po ako agad. And manang pwede po bang lutuin nyo mamaya is yung favorite ko?? Please??" sabi ko habang nagpapacute kay manang.
"Aysus itong batang ito naglalambing nanaman. Osya sige na umales kana at baka malate ka. Ihahanda ko na yung mgalulutuin ko para sa Lengua na paborito ng alaga ko"
"Thank you manang. Bye!!" paalam ko kay manang habang palabas ng bahay. Nakita ko naman si Mang Gardo at Mang Eric nag uusap. Sila manong ay Driver namin. Si Mang Gardo ay asawa ni Manang Lisa at si Mang Eric asawa ni Ate Edna.
"Hi Manong Gardo!! Hi Manong Eric!! Good Morning po" bati ko sakanila nang makalabas na ako ng bahay.
"Oh maam magpapadrive po kayo??" tanong ni Mang Gardo habang umiinom ng kape.
"Naku manong hindi na po. Mag breakfast nalang po muna kayo don sa loob." sabi ko habang papunta sa kotse ko.
"Sige po maam. Salamat po. Ingat po maam" Kaway ni Mang Gardo sakin habang palabas na ako ng gate.
Habang nasa kalagitnaan ako ng pag drive ay tumawag si Cassy ang bestfriend ko.
"Yes Casssy??" pagsagot ko sa tawag nya.
"Wow good morning ha?? By the way punta ka later sa coffee shop. May bago akong discover na Cake. Pero gusto ko ikaw una makatikim" pag kwento nya sakin.
"Yah sure. Can't wait taste it. But I need to hang up na. I'm driving. Papunta ako sa office. May emergency meeting kasi ea"
"Yeah sure. Love you. Bye" paalam nya sakin.
"Love you too. Bye" binaba ko na yung phone ko at nilakasan yung radio ng car.
Grabe naman yung traffic dito sa Pilipinas oh. 10 mins nalang mag start na yung meeting. Lagot ako nyan kay daddy.
7:38 nang makadating ako sa Office. Grabe nakakahiya naman kung hanggang ngayon hinihintay pa din nila ako. Pumunta na ako sa conference room. Gosh nagstart na nga.
"Sorry for being late" sabi ko sakanila habang papunta sa designated place ko.
Habang nililibot ko ang mata ko nakita ko si Tito Alex and to my surprise nasa tabi nya si Zac. For the first time ha?? Pero what is he doing here?? Tinitignan ko siya pero shocks!! Bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Nahuli nya akong naka tingin sakanya kaya umiwas ako ng tingin.
Nung matapos ang meeting naiwan kaming dalawa ni daddy at sila Tito Alex. Naguusap sila about business di ako makasabay dahil wala ako sa mood at inaantok na ako. Naudlot kaya yung tulog ko.
"Uhm dad pwede na ba akong umuwi??" pagputol ko sa usapan nila. At silang tatlo ay naka tingin lang sakin. Sh*t I hate attention.
"Yeah sure anak" sabi ni daddy sakin at inayos ko na yung gamit ko.
"Bye dad. Bye Tito" paalam ko at hinalikan si daddy sa pisngi at nakipag beso kay Tito Alex. Hindi ko na pinansin si Zac at tuloy tuloy na papunta sa pinto ng conference room.
Nagulat nalang ako ng pagbuksan ako ni Zac ng pinto. Di ko naman alam na aales na din pala siya.
"Thank you" sabi ko sakanya at nginitian siya. Pero ang loko walang reaction.
Nasa harap nako ng elevator ng makita kong nasa tabi ko siya. Nung bumukas yung elevator ay nauna na akong pumasok sakanya. Pinindot ko ang Ground Floor kung nasaan ang parking. Di siya pumindot siguro doon din ang punta nya.
Lumabas nako ng elevator at pinatunog na ang alarm ng sasakyan ko. Pagkasakay ko ng kotse nagpahinga ako. Ano ba tong nararamdaman ko?? Bakit sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko??
Nakadating nako sa bahay. Sakto naman ay lunch na kaya dumiretso agad ako sa kusina.
"Oh iha naka uwi kana pala. Saktong sakto luto na yung niluto ko para sayo. Kumain kana." bati sakin ni manang pagka kita nya sakin at nginitian ko lang siya.
"Cge po. Manang pakitawag na po sila Ate Edna at Mang Gardo sabayan nyo na po ako maglunch. Please" pagaaya ko kay manang.
"Ikaw talaga na bata ka namang mana ka sa mga magulang mo. Hindi kami kinakalimutan" Ngumiti ako kay manang at umupo na.
"Manang magdasal muna po tayo" nag dasal muna kami bago kumain. habang nasa kalagitnaan ng pagkain namin ay dumating ang kapatid ko.
"Hey! Mukhang di yata ako nasabihan na may kainan ngayong lunch" sabi ng kapatid ko habang papasok ng kusina.
"Sorry baby brother" pagloloko ko sakanya habang paupo na siya na siya para kumain. I used to call her baby brother, babe or love. Ganayan kami ka close dalawa.
"Hey don't call me baby!" pagtataray naman niya.
Natapos na kaming kumain. Tutulungan ko pa sana sila Manang na maghugas ng plato pero di na siya pumayag. Magpahinga nalang daw ako. Kaya umakyat nako sa taas at pumunta na sa kwarto ko. Nag half bath na din ako dahil amoy usok na ako. May time pako para matulog 1:30 palang naman. Mamaya nakong 8 pupunta sa coffee shop ni Cassy.
Ugali ko naman pumunta sa coffee shop ni Cassy ng ganong oras dahil magclose na yung shop by 9 at magstay lang muna kami don until 10 kasama ng mga employees nya. After namin sa shop nya is diretso na kami sa bar. Pero nangyayari lang yon kapag Friday night kasi wala akong pasok ng Saturday and Sunday. Kapag naman pwede yung mga employee ni Cassy ay sinasama na din namin sila.
Since Wednesday palang ngayon hindi kami pwedeng mag Bar dahil may pasok kami kinabukasan. And yes sobrang bait namin sa mga employees namin. Pero ako di ako mabait kapag nasa Company ako. Mabait lang talaga ako sa mga close ko na tao.
................................................................................................................................................................
Hi Guys wag nyo kakalimutan magvote!! at magComment!!!
Follow nyo din ako!!
Bigay din kayo ng suggestions nyo habang on going pa tong story
Salamat Sa pagbabasa!!!!!!!!!!!!

YOU ARE READING
I Love You Goodbye
RomanceArrange Marriage. Yan ang kinakatakutan ko pero sadyang matalino ang tadhana. Kung ano ang ayaw kong mangyari ay nangyayari. Yon ang kinakatakutan ko. Ang pakasalan ang taong hindi ako mahal. Ako si Sabrina Coleen Ramirez-Soriano isang battered wife.