Akdang Panrelihiyon

3K 9 1
                                    

Akdang Panrelihiyon

1. Doctrina Cristiana – Ito ang kauna-unahang aklat na nilimbag sa Pilipinas.  Nilimbag ito sa pamamagitan ng silograpiya noong 1593.
2. Nuestra Señora del Rosario – sinulat ito at inilimbag ni Pari Blancas de San Jose, O.P., noong 1602 sa Imprenta ng Santo Tomas.
3. Barlaan at Josaphat – sinulat ito ni Pari Antonio de Borja, S.J., at inilathala noong 1708 at muli noong 1712.  Ito ay batay sa sa mga salaysay mula sa Bibliya.  Ipinalalagay na ito ang kauna-unahang nobelang Tagalog kahit salin lamang.
4. Pasyon – sa panahon ng kuwaresma, ang buhay at pagpapakasakit ng Panginoong Hesukristo ay inaawit. 
5. Mga Dalit kay Maria – sabayang inaawit bilang handog kung buwan ng Mayo sa pag-aalay ng bulaklak sa Mahal na Birhen. 

Pari Modesto de Castro – dahil sa kanyang Urbana at Feliza, tinagurian siyang “Ama ng Tuluyang Klasika sa Tagalog.”

Ang Dula

Panunuluyan – isang uri ng dulang pangrelihiyon na namalasak noong panahon ng Kastila.  Ang pinakadiwa nito ay ang paghahanap ng bahay na matutuluyan ng mag-asawang San Jose at Birheng Maria noong bisperas ng Pasko.

Senakulo – isang uri ng dulang makarelihiyon na ang pinakamanuskrito ay ang pasyon.  Itinatanghal ito kung Mahal na Araw, kadalasa’y nagsisimula sa Lunes Santo at nagtatapos ng Biyernes Santo, kung minsan pa’y umaabot ng Linggo ng Pagkabuhay.  Ito ay itinatanghal sa entablado.  Tinatawag din itong “pasyon sa tanghalan”. 

Moro-Moro – itinatanghal sa entablado.  Dalawang pangkat ang naghaharap dito:  ang mga Kristiyano at ang mga moro. Tinawag itong comedia de capa y espada na sa kalauna’y naging kilala sa palasak na tawag na “moro-moro”.  Nasusulat sa anyong tula, pumapaksa sa paglalaban ng mga Kristiyano at mga di-Kristiyanong tinawag ng mga Kastilang “moro”. Laging magtatagumpay ang mga Kristiyano sa mga paglalaban.  

Tibag – ito ay may kaugnayan sa senakulo sapagkat ito ay nauukol sa paghanap sa krus na kinamatayan ni Kristo sa bundok ng Kalbaryo.  Ang mga tauhan dito ay sina Emperatris Elena at ang kanyang anak na si Emperador Constantino.  Tinawag na tibag sapagkat ito ay nauukol sa pagtibag ng bundok ng Kalbaryo sa paghanap ng krus.     

Mga Unang Tula

Ang unang tula sa Tagalog ay sinulat ni Tomas Pinpin at kasamang inilimbag sa kanyang aklat na Librong Pag-aaralan nang manga Tagalog sa Uicang Castila.  Ang tula ay binubuo ng magkasalit na taludtod sa Tagalog at Kastila sa layuning matutuhan ang Kastila.

Felipe de Jesus – ipinalalagay ng mga mananaliksik na ang kritikong si Felipe de Jesus ng San Miguel, Bulakan, ang unang tunay na makatang Tagalog.

Mga Tulang Romansa

Kurido - tulang pasalaysay na may sukat na walong pantig sa taludtod at may mga paksang kababalaghan at maalamat (karamiha’y halaw at hiram sa paksang galing sa Europa) na dala rito ng mga Kastila.  Inaawit ito nang mabilis o “allegro”.  May walong pantig ang taludturan. (Halimbawa: Ibong Adarna).

Awit – isang uri ng tulang binubuo ng labindalawang pantig bawat taludtod ng isang saknong at kung inaawit ay marahan o “andante”.  (Halimbawa: Florante at Laura)

Mga Manunulat ng Kurido at Awit

Ananias Zorilla – may akda ng awit na Dama Ines at Prinsipe Florinio.

Jose de la Cruz (1740 – 1829) – kilala sa sagisag na Huseng Sisiw.  Siya ang kauna-unahang mag-aayos ng tula.  Tinawag siyang Huseng Sisisw sapagkat sisiw ang karaniwang pabuya na ibinibigay ng nagpapagawa sa kanya ng mga tula ng pag-ibig at ng mga nagpapaayos sa kanya ng tula.  Kumatha ng Historia Famosa ni Bernardo Carpio, Doce Pares de Francia, Rodrigo de Villas, Adela at Florante at Flora at Clavela.

LET's ReviewWhere stories live. Discover now