09

19 0 0
                                    

Kinaumagahan ay hinanap ko sa ibabaw ng kama ko kung ipinatong na ba ni Hojung yung letter na sinasabi niyang nabasa niya. Pero imbes na matanggap ko ito na bukas ang envelop at nabasa na ang sulat, isang maliit na sticky note ang nakadikit sa gilid ng unan ko.

"Wala silang lahat hanggang mamayang hapon kaya iniwan ko na lang sa table. Nakaipit lang doon."

Hindi pa rin ako gaanong convinced na seryoso siya sa pagbalik ng letter. Mainit ang ulo niya kahapon kaya anong malay ko at baka nilukot o itinapon niya na.

At nag-iwan pa ng green tea frapuccino yung lalaking pinaglihi sa sama nang loob.

"Sorry kahapon. Ayan na yung letter. Pasensya na kung binasa ko."

Inubos ko na agad yung ibinigay niya sa akin dahil umaga pa naman at alam kong pumunta siya sa park o sa gym na pinupuntahan niya para magbawas ng stress.

Halos katabi lang naman ng bahay ang gym kaya naman limang hakbang ko lang ay makakarating na ako doon. Madali ko ring makikita kung nasaan siya kaso nga lang ay karamihan na laman nito ngayon ay puro mga babae lang kaya tinakbo ko na yung park kung saan siya nagjjogging para naman kahit papaano ay may kaunting warm-up ako para banatan siya.

"Oh saan ka pupunta?" Bungad ni Daewon habang dahan-dahang pinapaandar ang kanyang japanese bike na mukhang iuuwi niya na.

"Pahiram ako."

"Ipapasok ko na 'to e—" bigla akong sumakay sa bike at pumadyak paalis kaya wala na rin siyang nagawa.

"Huy ingatan mo yan ah!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 24, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

apple | jungsolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon