MIMMC 1 ♥ Meet Steffanie

261 21 13
                                    

Steff's POV

Hello! Ako nga pala si Steffanie Gomez.3rd year college na ako.Im taking up Business Ad.Nag-aaral ako sa isang sikat na school which is the Hillford University.Hindi ako mayaman.Kaya lang naman ako nakapasok sa school na 'yon ko kasi scholar ako.Akala ko nga hindi ako makakapasa e pero salamat sa Mahabaging bathala kasi ginabayan nya ako.

Sumasideline din ako paminsan-minsan para sa mga gagastusin ko araw-araw.Saan naman kaya ako kukuha ng pera kung hindi ako magtatrabaho diba?

Ulila na din ako.Wala din akong kapatid kaya mag-isa nalang ako pero may kapamilya parin naman ako.Ikinuwento sa'kin ng auntie ko na namatay raw ang mama ko noong ipinanganak ako tapos hindi raw nila alam kung nasaan ang papa ko kasi umuwi nalang daw ng walang pasabi si mama sa bahay nila na buntis na.Tanggap narin naman na nila kasi ano pa bang magagawa nila nandiyan na e.Simula nang ipinanganak ako sila na ang nag-alaga sa'kin at nag-aruga.

Sinabihan ko ang auntie na gusto kong mamuhay na mag-isa I mean mamuhay na hindi aasa sa kanila kasi diba parang nahihiya kasi ako.

Ayaw pa sana ng auntie ko na umalis ako pero sabi ko bibisitahin ko nalang sya paminsan minsan.May isa nga pala syang anak na lalake.Namatay na din yung asawa nya 2 years ago dahil sa heart attack.Napakabait pa man nun sa akin.

Ay,ang daldal ko na masyado.Makapagtrabaho na nga.

Oo nga pala,nandito ako sa pinagtatrabahuan ko.Sabi ko naman sa inyo sumasideline ako kaya heto isa akong waitress.

hatid ng order dito ..

hatid ng order doon ..

linis dito ..

linis doon ..

"Steffanie,ihatid mo nga 'tong order sa may XX Auto parts.Nagpapadeliver kasi e." utos sa'kin ng manager.Sa XX auto parts,kailangan ko pang lakarin or either takbuhin yun.

Idinilever ko na ang order.Pumasok na ako sa loob.

"Magandang araw po.Ito na po yung inorder nyo" bati ko sabay bigay sa order.

Nagbigay sila ng card.Pwede kasi sa shop namin ang credit cards o ano pang cards dyan at habang

nagpipindot ako dito nagsalita ang lalakeng customer.

"Salamat miss.Halika miss,sabayan mo na kami mukhang napagod ka yata.Pwede ring magpahilot ka sa'min" aba't tarantadong manyak 'to ha mukha pang gorilla.

"Hindi na po" sagot ko na lang.Ayaw ko nang magkagulo pa.

"Sige na miss.Pakipot ka pa eh" Eew ha.Ako nagpapakipot neknek niya.Feeling naman niya gwapo siya.Hindi ka parin paawat ah.Tingnan natin ngayon.

Nagdial ako kunwari sa cellphone tsaka umaktong may tinatawagan.

"Hello po,Opo.Mga lalake pong --" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang biglang inagaw nong lalaki at cellphone ko.

"Hindi ka naman mabiro miss.Sige na miss,umalis ka na.Salamat ha"

Buti nga.Maniac kasi.

**

Hayy ! Kakapagod ! Huuu !

Nakakapagod magtrabaho pero kinakaya ko na lang.Hindi naman ako mabubuhay kung hindi bubuhayin ang sarili ko at hindi ko gustong magdedepende sa auntie ko.Independent nga ako diba?

Mabuti't natapos na din ako.Kelangan ko nang umuwi sa boarding house.

Opo,nag bo-boarding house .Wala kasi akong ibang matutuluyan,alangan naman sa kalye-hindi naman ako ganun ka pulubi.

Pumara na ako ng tricycle .Malapit lang naman ang boarding house ko sa tinatrabahuan ko tsaka malapit lang din sa school.Maya-maya nakarating na ako sa boarding house.

Umakyat na'ko.Pagpasok ko umupo muna ako saglit sa may sala.Napagod talaga ako.Kinuha ko yung painkiller sa bag ko at saka ipinahid sa may batok ko.Mamaya na ako maghahapunan.Hindi paman na ako nagugutom

Pasukan na pala sa susunod na linggo kelangan ko ng maghanda ng mga school supplies ko at sigurado pagtitinginan nila ako.

Ganyan naman talaga e basta hindi ka mayaman tulad nila nagmumukha ka lang alalay pagtumabi ka sa kanila.

Aish!Bakit ba may mga taong ganyan umasta no?Hindi naman nila ikayaman yun.Palibhasa kasi anak ng mga sikat na tao dito sa Pilipinas.

Ayoko nang isipin pa ang mga ganyan.Nakakasakit lang ng ulo mga 'yan.

Bahala na nga kung ano ang mangyayari bukas.Matutulog nako kasi napagod talaga ako kanina.

to be continued……

=====

Mr.Inheritor Meets Ms.Commoner(ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon