MIMMC 3 ♥ Bonding with Mich

181 18 11
                                    

Steff's POV

Nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko.Umaga na pala.

Anong oras na ba ngayon?

Tiningnan ko ang orasan,9 am na pala.

Ang tagal kong nagising,napasarap tulog ko.

May usapan nga pala kami ni Mich na mag malling daw kami.Sabado ngayon.

Naligo na ako't nagbihis,kumain na din ako ng breakfast.Mamayang 11 nya 'ko susunduin.

-----

Nandito kami ngayon sa isang boutique ng dress.Bumibili si Mich ng mga dress at ako hanggang tingin-tingin na lamang.

May nagustuhan akong dress,color pink sya tapos tube type at two inch above the knee.

"Best,tapos na 'ko.May nagustuhan kaba dyan?" sabi nya habang papalapit sa'kin.

"Ah,oo kaso ang mahal.Pag-iiponan ko muna.haha" ang mahal grabe.Akalain mo 5k kasi branded talaga.

"Asan dito ang nagustuhan mo best?" tanong ni Mich habang tinitignan ang mga damit na nasa harapan namin.Kinuha ko yung dress at ipinakita sa kanya.

"Ang ganda best.Isukat mo best,Im sure bagay sa'yo yan" sabi ni Mich sa'kin.

Pumasok na ako sa fitting room at isinukat ko ang damit hindi naman nagtagal ay lumabas na ako para ipakita kay Mich.

"Naku best,bagay na bagay sa'yo.Tara bilhin na natin" hala,wala akong pera pambili dito.

Sasabihan ko na sana sya nang bigla nalang syang nagsalita.

"Don't worry.Ako na ang bahala diyan.Leave it to me" sabi nya sabay kindat sa'kin.Natawa nalang tuloy ako.

Binayaran na namin ang dress.Papunta kami ngayon sa food court.Gutom na kasi kami.

"Best,thank you talaga sa dress ha." pasalamat ko kay Mich.Hindi talaga ako makapaniwala na bibilhin nya yung dress para sa'kin.

"No problem,best.Basta ikaw." ang swerte ko sa kaibigan kong to.

Nang matapos kaming kumain nagpasiyahan namin na maglaro sa timezone.Seriously? HAHA maypagka isip-bata din pala 'tong si Mich.Akala ko pareho sya ng mga anak mayaman na hanggang shopping lang.

Grabe si Mich.Niloadan lang naman niya ang card ng 1000 pesos.Grabe,yayaman talaga ang timezone 'pag nagkataon.HAHAHA

"Best,saan mo gusto unang maglaro?" tanong nya sa'kin pagkatapos mag load sa card.

"Ikaw.Saan mo ba gusto?" tanong ko sa kanya pabalik.

"Best naman eh,ibinalik mo lang naman din ang tanong ko sa'kin.Halika doon tayo sa may XBOX Live."

Pumunta na kami doon.Hindi naman pala ito laro kundi sayaw.Sasayaw ka lang habang may nagplaplay na music tsaka susundin mo yung mga dance steps sa screen.

"Best,ready ka ba para dito?" tanong nya sakin.Mukhang mag-eenjoy kami dito a.

"Ready!!" sagot ko.

Nagsimula na kaming sumayaw.Electric Shock pa talaga ng f(x) ang kanta ha at hindi ko akalaing magaling pala tong sumayaw si Mich.

***

"Hoo,kapagod best pero I enjoyed it"

"Oo nga best.Ang galing mo palang sumayaw noh?"

"Hindi naman masyado best pero ikaw na rin ang nagsabi kaya thank you po" sabi nya.

**

Hindi nako nagpahatid kay Mich kahit na nag insist talaga sya.Sinabihan ko sya na may dadalawin ako.Oo,dadalawin ko ang auntie ko.Hindi na kasi ako nakapagdalaw sa kanila dahil busy ako lately.

Nakarating naman ako kaagad sa kanila.

"O,Tisang,mabuti't nakadalaw ka ulit?Na-miss kita,sobra" sabi ni Kuya John.Close kami nyan.Parang magkapatid na nga turingan namin eh.

"Steffanie,iha.Namiss kita anak" sabi ng maganda kong tita sabay yakap sa'kin.

"Namiss ko din kayo Tita" sabi ko habang nakayakap parin sa kanya.Bumitaw na rin kami pagkatapos.

"Halika anak,naghanda ako ng paborito mong merienda.Hulaan mo kung ano?"

"Edi pansit at coke.HAHA.Tamang-tama po.Nagugutom na ako.Marami-rami rin ang kakainin ko nito.HAHAHA" tapos nagtawanan din sila.Pumunta na kami sa kusina.Nakahanda na pala ang meryenda.Tamang-tama gutom narin ako.HAHA

"Kumusta naman ang pag'stay sa boarding house mo?Komportable ka ba doon anak?" tanong sa'kin ni auntie habang nagsasandok ako ng pansit.

"Okay lang naman po ako doon tita tsaka komportable naman doon.Hindi rin po gaano kamahal ang renta" nilagyan naman ako ni kuya ng coke sa baso."Thanks kuya" pasalamat ko.

"May maitutulong pa ba ako?"

"Naku,tita.Wala na po.Salamat po" sabi ko sabay subo ng pansit."Namiss ko talaga to auntie Jocelyn.Masarap talaga kayo magluto" Namiss ko talaga ang pansit.Hindi kasi ako nagluluto nito sa boarding house e tsaka mas gusto ko kung luto ng auntie ko.

"Asus bata ka.Binobola mo na naman ako"

"Kailan ko ho kayo binola auntie?Nagsasabi po ako ng totoo,di ba kuya?"

"Tama po si Tisang,ma.Hahah"

******

Nag stay lang ako ng ilang oras kina auntie Jocelyn at saka nagpasyahang umalis.Mag gagabi na rin kasi eh.Gusto sana nila na doon muna magpalipas ng gabi kaso sabi ko may trabaho pa ako bukas at maaga ako papasok Pinayagan narin naman din nila ako.Nagpaalam na din ako sa kanila.

Sumakay na ako ng jeep.Malayu-layo rin kasi ang sa kanila sa boarding ko.

Bumaba na'ko sa sinakyan kong jeep.Lalakad pa ako nito hanggang bhouse.Lalakad na sana ako papuntang bhouse ng may isang lalaking tumutok ng kutsilyo sa tagiliran ko.

Dios ko po.

Tulungan nyo ko.Promise po magpapakabait nako.

-----

Hala!Anong meron?

Mr.Inheritor Meets Ms.Commoner(ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon