Dan 4

2 0 0
                                    

     Pag pasok ko palang sa pinto .. nakaabang na agad sa akin si mama..

Anak? Bakit ginabi ka nanaman ? Ano bang nangyayari sayo? Bakit puro dugo yang damit mo?

  Ok . Lang ho ako .. tsaka wala lang ito ...

Binilisan ko na lang ang paglalakad paakyat sa kwarto ko . Pagod na ako gusto ko nang mag pahinga ...

Nag bihis muna ako ng pantulog at nahiga sa kama ko ....

  Hindi ko parin makalimutan yung nangyari kanina .. si daniel ba talaga yun? Nalilito na rin ako sa sarili ko . Bakit ko nga ba tinulungan yung studyante kanina..

..Napabangon ako nang may narinig akong bagay na nabasag sa baba .... Dali dali ako bumaba para tingnan ito . Napatigil ako nang si mama lang pala ito. Hawak hawak nya yung plato na nabasag ..
  Nilapitan ko sya dahil nakita ko na may umaagos na pulang likido na tumutulo sa sahig ..

Anak? Pasensya na ha .. naistorbo ata kita sa pagpapahinga mo ..
Bakit ba gising pa kayo? ..
Eh  . Kasi anak ......
Ano po ba yun? 
Napansin ko na paiyak na si mama
Ang kuya mo kasi ...
Ma .. Ano po ba ang sabi ko sa inyo ..
Anak , buhay sya  ..
Ma .. kung yan lang ang sasabihin mo sa akin wag mo na ituloy . Puro kasinungalingan na lang ang lagi kong naririnig sa inyo ..
Ma ayoko na ...

Umakyat nalang ulit ako pabalik sa kwarto ko .
Hindi ko mapigilan ang mapaluha ..
Ayoko na ulit madama ang sakit na nagpapa-alala sa akin ng masakit na nakaraan .
Nakaraan na ipapadala ako sa kamatayan ..

  Minsan ko nang balak magpakamatay pero napagisipan ko na magiging boring lang ang buhay ko kapag ginawa ko yun . Gusto ko na kalimutan ang mga sakit na nakatatak sa aking isipan .Pero hindi ko kayang alisin ito ..

  ..
Naramdaman ko na unti unti nang sumasara ang talukap ng aking mata ...

    .. Nagising ako sa sinag nang araw na tumapat sa aking mga mata ..
  
    Napansin ko rin na tumunog ang cellphone ko .kaya tiningnan ko ito...

   09*********

             Iha , Pasenysa sa abala ha . Gusto ka sana makita ng aking anak . Gusto daw nya mag pasalamat ng personal .

Agad ko namang nakilala ang nag text sa akin ..

      09*********

         Ah  , sige po . Wala pong problema .Pupunta po ako dyan mamaya ..

                                                                          Sent-

    Gusto ko rin naman makausap yung istudyante ... Ewan ko ba kung bakit ang gaan ng loob ko sa kanya ..

    naligo muna ako , pagakatapos nagbihis narin ako ..
Black Plain t shirt and jeans staka adidas na  rubber shoe ..
sabado ngayon kaya makakapag pahinga ako at Malayo sa kamalasan. Try ko muna dumaan sa mall para makabili ng pagkain para dun sa studyante ..

         pagbaba ko sa sala . Nakita kong walang tao .. siguro pumasok na si mama kaya wala sya ngayun .
     Napagisipan kung kumain nalang ng  breakfast sa mall.
matapos kong i lock ang pinto napansin ko na wala akong love letter ngayon ..
   ni lock ko narin ang gate ..  Ngayon ko lang napansin na meron na palang bagong lipat sa kabilang bahay na nasa tapat namin . Bakit ba kasi nalalaman nila itong tagong lugar na ito ..
            habang naglalakad . napagisipan kong makinig nang kanta para madagdagan ng sigla ang aking pag lalakad .   Dahil tago ang lugar na ito . malayo pa ang lalakbayin ko para makadating ako sa Highway na mayroong taxi .... 
 
   kakaliko ko lang sa isang kanto nang tangka akong gulatin ni daniel...

Boy That Doesnt Know Me Where stories live. Discover now