GIVING UP ON YOU..

23 1 0
                                    

He was all I want in my life..

 

“Hoy! Lia andaya mo huh! May dala ka palang chocolates hindi ka manlang namimigay..” sabay halungkat at labas ng chocolates galing sa bag ko.

“At sino ang nagbigay sayo ng permiso para pakialaman ang bag ko ha ? Ikaw na pusa ka ang talas talaga ng pang amoy mo !” sabay pingot ko sa tainga nya.

Ganyan araw araw palagi akong may dalang pagkain kahit ano pero madalas sweets ang dala ko. Kaya ako nagdadala ng pagkain dahil sa kanya , dahil wala syang mga magulang na nag iintindi sa kanya.

Sya nga pala si Martin. Independent na sya sa murang edad na twelve.Seperated ang mga magulang nya.Mag isa lang syang anak at mag isa rin syang naninirahan sa bahay nila dito sa pasay.

“Ah lia, patulong naman oh? Pacheck naman ng essay natin na assignment para sa English..” sabay abot nya sa akin ng papel nya.

Seryoso kong binasa ang essay nya. Hindi kasi sya magaling sa English at iba pang subject pero sobrang galing nya sa math.Marami ang nagsasabi na kahit daw bobo si Martin sa English ay nagagawa pa rin nyang makasali sa top 10 at yun ay dahil sa tyaga kong paulit ulit syang tulungang mag improve sa English.

 

“Hahahahaahahaha.. oy martin parito ka..” Lumapit naman sa akin si martin at tiningnan ang papel nya.

“Bakit ano ang nakita mo sa papel ko at ganyan ka kalakas humalakhak?” Kakamot kamot sa ulo na tanong nya sa akin.

“Tingnan mo ang spelling mo ng school.. Bakit S-H-C-O-O-L ang spelling mo ha ? sa susunod sabay na lang ulit tayo gumawa ng assignments para tutulungan mo ako sa math at tutulungan naman kita sa lahat ng subject na English ang gamit na medium..” Ewan ko ba pero para lang akong tanga sa mga pinagagawa ko, hindi naman ako mahina sa Math pero heto ako at magpapatulung sa kanya sa mga assignments.

Lagi kaming sabay gumagawa ng assignments at kahit hindi naman ako yung tipo ng taong mahilig magreview kapag may exam ito ako at kasama sya , nagrereview. I mean nirereview ko pala sya, mas madali kasi syang matuto at makamemorya kapag sinasabi o tinatanong ko sa kanya.

“Lia! Lia! Nataasan nanaman kita sa math.. Ang weak mo talaga! Weeeeeeaaaaaaaakkkkkkk…. Hahahahahaahaha ” Ganyan palagi makalamang lang sa akin ng kaunti mang aasar na.

“Eh ano naman kung mataas ka sa exam natin sa math ? Mas mataas naman ako sayo sa English, Physics, AP, Filipino at----” Napansin kong natahimik na sya at tumngo kaya tumigil na ako sa pag ganti sa kanya.

“Oy ito naman ang lakas lakas mang asar tapos pag sya naman nang aasar kung makapag inarte dinaig pa ako.. Oy pansinin mo naman ako Martin..” Hindi nya talga ako pinapansin kaya tumalikod na ako mamaya ko na lang sya kakausapin kapag lumamig na ang ulo.

“Huli ka!”

“Ay Martin! Ahhaahhahahahaha Hahahaha” ito yun eh hindi pala sya nag iinarte teknik nya lang yun para makapangulit sa akin sa pamamagitan ng pangingiliti.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 21, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

GIVING UP ON YOU..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon