10: Shahzad

111K 4.5K 162
                                    

Kumakain sina Gabrielle at Mikael at hindi maiwasan ng mga tagapagsilbi ang mapangiti habang tinitingnan ang mag-asawa.

"Napakalambing naman ng Zahsade at Shahzad sa isa't isa. Tila gusto ko na rin tuloy mag-asawa."

"Ako man ay inggit na inggit din. Napakaswerte ng Shahzad dahil s'ya ang pinili ng Zahsade."

"Tama ka, Kerim. At mukhang mauuwi sa wala ang paghihintay ko na merong isang prinsipeng mag-alok sa akin ng kasal," Durenia kidded. "Sayang naman, nag-asawa na ang nakababatang Zahsade."

"At isang Zahsade pa talaga ang ninanais mo? Kung gan'un ay kailangan mong mangibang-lugar dahil may asawa na ang mga prinsipe ng Adrasteia."

The two women laughed until they heard someone clear her throat. They looked behind them and saw Nana Iman, the Ricaforte's trusted durma.

The two young women bowed their heads before they scurried away.

"Rahlia..." Nana Iman spoke and a woman stepped forward. "Sino ang nagtuturo sa mga baguhan? Bakit sila ang nagsisilbi sa Zahsade at Shahzad?"

"Nana Iman, ipagpaumanhin n'yo po. Hindi ko po alam kung bakit po sila nandito. Kakausapin ko po si Minira dahil s'ya po ang nagsasanay sa mga bagong pasok."

The old woman did not reply and Rahlia took three steps backward before she turned to leave.

Nana Iman looked at the young couple. They were seated a hundred feet away too engrossed with each other to notice that they were being watched.

O baka alam nila pero wala lang silang pakialam, the old woman thought with a small smile.

The durma inclined her head towards the row of uniformed women behind her and they followed her out.

"Pinag-uusapan ka nila," Gabrielle remarked grinning at her husband.

Mikael quirked a brow at her.

"Nanghihinayang sila kasi kasal ka na."

Mikael couldn't help but laugh. "Narinig mo pala 'yun?"

"Ikaw rin narinig mo pero wala ka man lang sinabi," Gabrielle grumpily said.

"Ano ba dapat ang sabihin ko? Kitang-kita naman nila kung gaano ako kalambing sa asawa ko. At alam mo naman sigurong hinding-hindi kita ipagpapalit, 'di ba?"

Gabrielle smiled. "Alam ko. Alam mo rin naman sigurong gan'un din ang nararamdaman ko para sa'yo?"

"Oo naman," Mikael shamelessly replied.

"Mikael, may tanong ako..."

"Ano?"

"N'ung kasama ko si Nana Adalia kanina, pumasok ka ba sa loob ng aklatan?"

"Hindi, nasa labas lang ako. Bakit?"

"Parang narinig kitang nagsalita. Akala ko nga pumasok ka kaya naman hinanap kita. Ang sabi mo si Kuya Viktor, kinaya n'yang mahiwalay kay Ate Elnara nang sampung araw. Bakit ako, kahit sampung minuto lang ay parang mamamatay na ako sa lungkot? Natawa nga ako d'un sa sinabi mo, eh."

Mikael looked contemplatively at his wife.

"Ewan ko ba, baka naman guni-guni ko lang 'yun. Wala ka namang sinabing gan'un, 'di ba? 'Tsaka ang sabi mo nga hindi ka naman pumasok sa loob—"

"Hindi ko sinabi pero inisip ko. I was missing you so much that I wanted to break the door down just to see you..."

The young priestess looked confused. "Kung iniisip mo lang ay bakit ko narinig?"

The Princess Bride (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon