17: Templum Pacis

80.6K 4.6K 253
                                    

"Bakit hindi mo tinanong kay Lolo ang pakay mo sa kanya kanina?" Gabrielle asked her husband. "Akala ko ay kakausapin mo s'ya kaagad pagdating na pagdating natin dito sa templo."

"Hindi ko inakalang aabutin tayo nang pasado alas nueve ng gabi. Ayoko namang puyatin ang Lolo mo kaya nagdesisyon ako na bukas na lang kami mag-uusap."

"Puro pag-aalala ang nababasa ko sa isip mo."

"Nag-alala ako dahil mahaba ang biyahe at inabot na tayo ng gabi sa daan. Naisip ko tuloy na sana ay sinunod ko si Ama at kinabukasan na lang tayo umalis."

"Pero, nandito na tayo at wala namang naging aberya."

"Tama ka. Hindi ko alam kung bakit hindi ko maiwasang mag-alala nitong mga nakaraang araw."

"Dahil d'un sa panaginip mo na sigurado akong hindi naman magkakatotoo. Ano ba, relax a little, nandito tayo sa loob ng templo at ligtas tayo rito."

Mikael smiled looking around the sparsely-decorated bedroom. "So, this is where you grew up."

"Oo. The four corners of this bedroom was my sanctuary for sixteen years. Simple lang at hindi magarbo katulad ng palasyo n'yo."

"Walang simple rito, a princess lived here. Bukas gusto kong malibot ang Templum Pacis ng mga dela Paz."

"Oo naman. I will be your tour guide."

"You're obviously so happy to see your grandfather. Hindi nawawala ang ngiti sa labi mo."

Gabrielle nodded. "Oo 'tsaka mukhang papayag si Lolo na sumama sa atin sa Adrasteia," she happily informed him.

Mikael smiled. "Mabuti naman. Ayokong patuloy kang nag-aalala ka sa kalagayan n'ya dahil magkalayo kayo."

"Pero, ang sabi n'ya ay may kailangan pa raw s'yang asikasuhin. Pwede ba natin s'yang hintayin? Mga ilang araw lang naman. Para sabay na tayong umuwi."

"Oo naman," Mikael replied. "Kahit anong gusto ng Prinsesa ko ay gagawin ko."

"Ang bait-bait mo talaga." She tiptoed to give him a kiss. "Ang swerte-swerte ko kasi ikaw ang asawa ko."

"Binola pa ako ni Mrs. Ricaforte," he said. "But, are you sure you're okay?"

"Okay lang naman ako. 'Tsaka natulog lang naman ako halos buong biyahe."

"Ang sarap nga ng tulog mo, eh."

"Ihininto mo ba ang sasakyan para yakapin ako o nananginip lang ako n'un?"

Mikael chuckled. "It happened. Na-miss kasi kita. Kung pwede lang kalungin kita habang nagmamaneho ako ay baka ginawa ko na."

She wrapped her arms around his waist.

"Hm...bakit gan'yang ang ngiti mo, may binabalak ka bang masama sa akin?" he teased.

"Ako?" She pretended to look offended. "Sa bait kong 'to ay talagang pagdududahan mo ako? Mahal na Prinsipe lumaki ako sa loob ng templo, walang kahit anong bahid ng kamunduhan ang aking isip."

He laughed out loud before nuzzling her cheek. "Kung ano man 'yang balak mo, gusto kong sabihin sa'yong suportado ko 'yan..."

She laughed, too. "Puro gan'un talaga ang laman ng utak mo."

"Gan'un din naman sa'yo..." he countered with a grin before he frowned reading her thoughts. "Bakit naman hindi pwede?"

"Siyempre nakakahiya..."

"Anong nakakahiya d'un? We're married. Kung ano man ang gagawin nating dalawa, it's legal and sacred."

"Tampo ka na?" she kidded as he continued to pout. "Hala, hindi na n'ya ako sinasagot, tampo na nga s'ya..."

The Princess Bride (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon