Update 1

99 3 1
                                    

Ako si Angela Kristina Cruz, 3rd year highschool student. Simple lang, tahimik at may pagka anti-social. Isa lang ang kaibigan ko simula nung 1st year ako hanggang ngayon. Siguro may mga kakilala pero hindi ko maaring matawag na mga kaibigan. Sabi ng iba, naweiweirdohan daw sila sakin kaya hindi nila alam kung paano ako iaapproach. Si Camille lang ang tanging nagtyaga sakin. Transferee siya. Lumipat siya sa school namin nung first year kami. Si Camille yung babaeng parang nakalunok ng megaphone sa lakas ng boses. Tama nga siguro ang kasabihan, Opposites do attract. Bilang ako na tahimik at siya na matalak. Natagpuan ko ang inner me ko sa kanya. Kung dati ay ang dull ng bawat araw ko. Simula ng dumating si Camille ay biglang nagkathrill. Masaya ang bawat araw namin. Ngunit isang araw.

 "Bes naman e. Kailangan ba talaga yun?" tanong ko habang naluluha sa nangyayari.

"Bes, alam mo namang pangarap ko to diba?" sabi niya na umiiyak narin.

Nag-iiyakan kaming dalawa dito dahil iiwan na ako ng taong importante sa buhay ko. Aalis na kasi si Camille, kinukuha na siya ng daddy niya para mag aral sa ibang bansa. Natanggap din siya sa dream school niya dun. Kaya ako, eto maiiwan na naman.

"Kasi naman bes e. Ikaw na nga lang yung nakakaintindi sakin tapos aalis ka pa" humahagulgol na ako.

Nandito kami ngayon sa kwarto niya. Nung una, tinutulungan ko lang siya mag-impake pero nauwi na naman kami sa mala-MMK na scene. Ilang beses na kaming nagpapanggap na tanggap na ang lahat pero hindi pa pala. Mahirap mawalan ng taong nakakaintindi sayo. Lalo na kung si Camille. Napakadali niya pakisamahan, mahalin at kung ano pa. Para ko na siyang little sister. Pero tama nga sila, walang permanente sa mundo. Lahat nagbabago, lahat nawawala, lahat napapalitan.

"Wag moko pagpapalit dun a?" sabi ko sabay nakahug sa kanya.

Hindi po kami tomboy o lesbian okay? Wag malisyoso.

"Ikaw pa! Nag-iisa ka lang no" sabi niya, natouch naman kako.

My Bestfriend's Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon