“Princess?” saad ng kuya niya na nag-aalala.
Nag-aalala siya dahil lagi nalang umiiyak t’wing gabi ang bunsong kapatid niya. Kung makakatulog man ito ay lagi siyang binabangungot. Nasasaktan siya t’wing nakikita ang kapatid niyang nagkakaganon. Gusto man itong ipa-tingin sa doctor ay umaayaw naman ang kanyang kapatid.
12 years old nang pinatay ang kanyang magulang, 14 years old naman ang kuya niya dahil dalawang taon lang ang pagitan nila. Ang mas masakit ay ang pagkamatay pa nila noong araw ng kaarawan ng bunsong kapatid. T’wing kaarawan niya ay lagi lang siya nagkukulong dahil lagi niya lang naaalala ang mga nangyari noon sa kaarawan niya. Ni hindi man lang siya ngumingiti at tumatawa.
Doon na din nagsimula ang pagiging tahimik nito at wala sa sarili. Hindi rin niya ito makausap ng matino, kung hindi ito tulala ay titignan niya lang kuya ng mata sa mata na parang hindi pa rin nakikinig.
Dahil kuya niya ang nagsisilbing magulang para sakanyang bunsong kapatid ay inaalagaan niya itong mabuti tulad ng pag-aalaga sakanila dati ng magulang. Hindi sila sanay na may iba silang kasama. Nabanggit ko na, na Apat lang sila palagi dati. Ni isang relatives wala o kaibigan man lang ng kanilang magulang ay wala silang kilala. Ngunit bago nangyari ang trahedya ay napaghandaan na ito lahat ng kanilang magulang para sa kanilang mga pangangailangan.
Kung sa pangangailangan ng pera ang pagu-usapan ay wala silang problema dahil may bank account sila na naglalaman ng malaking halaga na iniwan sakanila, mauubos rin iyon ngunit may companya silang pagmamay-ari at nadadagdagan rin ang laman ng bangko. Pati ang kanilang bagong tirahan ay pag mamay-ari din nila. Oo, sa ibang bahay na sila tumitira at napaka-layo na ito.
Pero bago ang lahat ay binalikan ng kuya niya ang bahay na iyon, walang ninakaw o nawala dahil wala silang mahahagilap na kahit anung kaunting impormasyon dahil ito ay nakalagay sa tago na Safety Box. Kinuha lahat ng kuya niya ang mga importanteng documents at kung ano ano pang nakalagay doon sa loob, kung saan lahat ay dun sila makakakuha ng tulong sakanila sa loob ng safety box.
“Kung may kailangan kayo anak, sa loob nito ay dito niyo makukuha ang lahat ng pangangailangan o tulong na para sainyo.” Yan ang sinabi ng kanyang ama noong ito ay nabubuhay pa tsaka rin ibinigay sakanya ang numero upang mabuksan ang safety box. Nagtataka man siya noon kung ano iyon, na ngayon alam niya na.
Ang mga bangkay ng kanilang magulang ay ipinalibing ng kuya niya, hindi ito alam ng kanyang bunsong kapatid dahil alam niyang mas lalo pa itong masasaktan. At hindi pa nagiging maayos ang kundisyon nito tska niya nalang ito ipapaalam kapag maayos na ito.
Sa bahay ay hindi sila kumukuha ng maid dahil marunong naman ang kuya niya sa kusina at sa ibang gawain, dahil natuturuan siya dati ng kanilang ina. At ayaw rin nila ng may iba pang kasama dahil rin sa wala silang mapagkakatiwalaan.
Malaki ang naging pagbabago nang mangyari sakanila ang trahedya na iyon. Puro sakit ang naramadaman nila. Yung pakiramdam na para silang sinasaksak ng paulit-ulit t’wing maaalala nila ang madugong pagkamatay ng kanilang magulang. At mas lalo pang nagpakatatag ang kuya niya dahil kung wala isa sakanila ang magpapakatatag ay walang mangyayari sakanila.
Sa pag-aaral nila, nagsimula lang sila mag-aral sa eskwelahan noong tumuntong na si “Princess” (ang tawag sakanya ng pamilya niya sakanya) ng 1st year Highschool. Dahil dati ay Home Schoolers lang silang magkapatid. At simula noon... nag-iba na ang prinsesang nakilala niyo noong nabubuhay pa ang kanilang magulang. Hindi na siya ang kilala nyong masiyahin, maliksi, at naniniwala sa Fairytales at kung ano pa.
BINABASA MO ANG
The Numb Hearted Princess [ON-HOLD]
Mystery / ThrillerThe Numb Hearted Princess, (There's an Evil thing Inside Me, Controlling me.) Evil thing inside of her? Is it because of the anger she felt? What if she's not the real her? >:) I mean, 'Just Maybe'.... Because anger may control us, we just don't rea...