5: Intruders (Past Memoirs pt. 5)

244 7 0
                                    

3 days past. . . . .

Pinaka-GWAPONG KAPATID NI PRINCESS POV (wag na kayong umangal please lang. Hindi ko kasalanan ang maging gwapo.)

Malaking katanungan pa rin saakin kung bakit pinupuntirya ng adviser nila si Princess at hindi ko rin alam kung bakit si Princess pa. Naguguluhan ako kung bakit siya pa, nakakainis naman kasi yung adviser nila na yun ayaw magsalita kaya binantaan ko nalang siya na wag na siya ulit magpapakita pa ulit saakin at kay princess kung hindi kikitilin ko na buhay nun nako buti nalang.

                                        

At hindi ko rin mabasa si princess at tulad nga ng sabi nila ang mga taong tahimik, sila pa itong may maraming tinatago pero ayokong pag-isipan ng masama si Princess. Mahal na mahal ko ang bunsong kapatid ko.

“Princess? Can I ask you a question?” panimula ko.

“You’re asking now, Baka (Stupid in Korean).” Sagot niya. Sabi ko nga eh buti nalang hindi siya sadista pero sa salita NAPAKA! TT_____TT

“Okay, Princess? Can we have some bonding sometimes?” pag-aaya ko kasi gusto ko lang makasama din to paminsan minsan, lagi kasing nasa kwarto niya yung tipong mamamasyal kami as siblings tapos magsasaya.

“We’re doing it right now.” Sagot niyaaaaa! Waaaah! Oo nga naman. Susuko na ba ako? Or sadyang di lang ako nag-iisip? Ang sakit eh. TT___TT

“Hindi kaya! Nagbabasa ka lang naman diyan eh!” pag-angal ko. Eh paano nasa sala lang kami at talagang pinilit ko lang siya lumabas sa kwarto niya tapos nang maka-upo na kami dito sa sofa nagtinginan kami ng mga 10 minutes.

Ako ang unang bumigay, eh paano kasi ang scary ng mga mata niya! Alam mo yung mga robot pero tao sila? Tapos walang nagbabago sa mata nila yung parang wala talagang emosyon na makikita tapos hindi mo malalaman kung ano ang nararamdaman niya kasi hindi talaga kumukurap or whatever na pagalaw man lang nung mata niyaaaa! Ahuhuhu!

Tapos after nun eto na, nagbabasa na siya. TT_____TT

“Princess? Kuya loves you. *kiss sa cheeks*” Malungkot na saad ko at niyakap ko siya ng patagilid dahil magkatabi lang kami tapos isinandal ko yung ulo ko sa balikat niya. Ang tagal na rin pala ng huli ko siyang nayakap, simula ng hindi na siya umiiyak. Namiss ko to—

“Yes, I know.” Bulong na sagot niya sa sinabi ko.

Nagulat nalang ako ng gumalaw ang kanang kamay nito at— hinawakan yung ulo ko at— hinimas himas niya lang ito habang nakayakap pa rin ako sakanya. Napatigil ako pero napangiti naman ako hmm. I feel happy.... parang hine-hele niya lang ako at hindi ko alam na gagawin niya ito. Kahit patuloy pa rin siya sa pagbabasa, nakakabigla lahat ng mga ginagawa niya.

She always makes me surprise that’s why I love her.

Nakakatuwa naman. Okay lang pala kahit andito lang kami sa bahay at hindi na mamasyal. Kung ramdam ko naman na andito pa rin ang bunsong kapatid ko at pinaparamdam niyang kasama ko pa rin siya kahit hindi siya palakibo.

At nakaramdam nalang ako ng pagbigat ng aking mga mata. . . .

3rd Person’s POV

Nang maramdaman ng bunsong kapatid niya na nakatulog na ito ay umalis siya ng dahan upang alalayan ang ulo nito para ihiga ng dahan-dahan. Alam niyang mangangalay ang ulo nito pag hinayaan niyang maging ganun ang pwesto nila.

Umakyat ito at pumasok sa kwarto ng kapatid niyang lalaki. Pagkalabas ay may dala-dala na siya at bumaba ulit atska niya kinumutan ang nakakatandang kapatid nito na mahimbing na natutulog. Tinitignan niya lang ito ngunit wala pa ring emosyon hindi niya maintindihan kung bakit ganun parang wala man lang siya nararamdaman pero ang nasa isip niya ay. . . mahal niya rin ang taong nasa harapan niyang mahimbing na natutulog kahit hindi niya nailalabas ang pagmamahal nito.

The Numb Hearted Princess [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon