Prologue

35 1 0
                                    

ANYA'S POV

"Anya, buong araw ka na nakaupo dito sa Study Hall ah, talaga bang hindi ka titigil jan sa kahibangan mo ha?"

Yan si Roxane ang sisteret kong puro bunganga. Pero kahit talak yan ng talak mahal na mahal ko yan, silang dalawa ng isa pa namin kaibigan na si Evette. Bagot na bagot na siya kakasunod sa'kin sa buong araw kong paghihintay sa ultimate crush kong si Nathan Caballero.

"Nasaan na ba si apat? Ang tagal ah!! Ang layo ng canteen te?"

Ngiti lang ang nai-sasagot ko kay Roxane kasi concentrate pa din ako sa pag-aabang sa minamahal kong si Nathan. Apat ang tawag namin kay Evette dahil sa suot nitong eyeglasses, kung kaya naman binansagan namin siyang apat ang mata. Hahaha

Third year high school palang ako mahal ko na si Nathan, este crush pala. Matalino, talented, matino at mapagmahal sa pamilya, sino ba naman ang hindi magkakagusto diba? Siya na ata ang pinaka perfect na lalaki sa mundo. Higit sa lahat siya na ata ang Forever Love ko.

First year college na kami ngayon at nasa second semester na kaya masasabi kong.. mahal ko na talaga siya, dahil sa tatlong taong solid na paghihintay ko sa kanya. Kung hindi pa ito love ano pa ba? Ginawa ko lang naman ang lahat para makapasa dito sa Unibersidad na pinapasukan niya. Kahit aaminin kong hindi ako ganun katalino at kahit halos lumuhod na ako sa Registrar para makakuha ng scholarship ay ginawa ko ang makakaya ko, masundan ko lang ang aking si Nathan. Bahahaha, diba in love ako sa mokong.

At ako naman si Zephaniah Megon ng Bachelor of Science in Information Technology. 17 years old at walang ibang pangarap kundi ang mahalin ni Mr. Nathan Caballero. Sobra diba? Syempre meron din naman akong ibang pangarap, ang makapagtapos at mabigyan ng magandang buhay ang aking mga magulang.

Paano nga ba nagsimula ang lahat?

"Paano nga ba?" tanong ni Evette kay Roxane na ngayo'y naghahanda nang iwan ako dito sa Study Hall.

At bumalik ako sa kasalukuyan. Hahaha

"Oy san kayo pupunta?" singit ko sa kanila habang inaayos ko na ang gamit ko na nakasimangot. Bigo na naman ako sa araw na ito. Hindi man lang sumang-ayon ang langit sa amin ni Nathan my love.

"Wow! Finally! Nagsalita ka na rin! Sabi ko sa'yo kahit forever ka pa maghintay dito hindi mo makikita yon ngayon week." Pang-aasar pa ni Roxane sakin.

"Ha? ba't ngayon mo lang sinabi? May lakad ba ang grupo nila?" Sagot naman ni Evette sa kanya na mangiyak ngiyak dahil sa sinayang na naman naming araw sa pag-aaral.

Kung si Roxane kasi easygoing, si Evette naman ay old-fashioned, geek ika nga ng mga kaklase namin. Kaya ito at ako na naman ang sa gitna para awatin sila ng isang yakap.

"Pasensya na talaga kayo sisters ha? Kung naloloka na'ko nung nakilala niyo 'ko." Sabi ko ng may full smile at sabay halik sa pisngi nilang dalawa.

"Hay nako! may magagawa pa ba kami?" sagot naman ni Roxane na mahal na mahal din naman ako.

"Sana lang bukas, pumasok na tayo Anya, utang na loob naman, kung sakaling mapapansin ka ni Nathan sigurado turn-off yun sa'yo dahil hindi ka seryoso sa pag-aaral mo!" Sermon naman ni Evette na siyang ate ng lahat pagdating sa romantic side. Hindi naman po siya bitter, sadyang seryoso lang sa buhay.

Irap nalang ang nasagot ko dahil alam kong hahaba lang ang linya ni Evette..hahaha. Kahit kalahating taon palang kami magkakilala, pero sobrang mahalaga na nitong dalawa na ito sa akin, kaya naman masaya narin ako na sila ang naging kaibigan ko ngayon College.

Hay..hindi ko talaga alam kung paano nagsimula ang lahat. Isang araw natagpuan ko nalang ang sarili ko na nag-aantay, hanggang sa umasa ako, at kahit maghintay man ako ng maghintay, handa akong gawin lahat para sa... pag-ibig.

NATHAN'S POV

"Yong weird na chic sa CITE Department, nakaabang na naman sa'yo sa Study Hall bro!" pang-aasar ni Lucas. Ang lider ng grupo.

At ang babaeng tinutukoy ni Lucas ay si Zephaniah Megon. Maganda, matalino, talented at mapagmahal sa Dios, siya ang babaeng matagal ko ng gustong ligawan pero kahit kailan hindi ko kayang subukan. Magkaiba ang mundo namin, at alam kong hindi ko deserve ang kagaya niya. Alam kong sobrang mabait siya kaya hindi ko nalang siya pinapansin sa tuwing nagkikita kami.

"Bro kung sasaktan mo lang huwag na!" paalala naman ni Jimmy
ang torpe sa grupo.

Ito ang isa pa sa mga dahilan kung bakit ayokong malaman nila na gusto ko rin si Anya, dahil ayoko ng laro. Magulo na masyado ang mundo ko at ayoko masaktan siya.

"Tara na nga sa Boy Scout Park, baka nandoon na si Lorraine." Si Lorraine ang nag-iisang bestfriend ko simula noong high school. Alam niya ang lahat tungkol sa akin at madalas siyang napagkakamalan girlfriend ko dahil sa sobrang close namin. Parang kapatid na ang turing ko kay Lorraine pero isa din siyang tanga na na in love kay Lucas.

Minsan talaga unfair ang buhay.

Hindi ko din alam paano nagsimula ang lahat pero ang alam ko ay habang tumatagal at pinipigilan ko ang nararamdaman ko, ngayon naman umieksena ang tadhana para pagtagpuin ang isang bagay na hindi mo pwedeng madaliin. Ang pag-ibig.

YOU CAN'T HURRY LOVE.Where stories live. Discover now