Hi friends! Sorry talaga 2019 na ako nag Update, sa simula kasi hindi pa talaga ako makapagdecide kung kakayanin ko ba, hahaha sobrang nakaka pressure pala magsulat dito sa watty, lalo na kapag alam mong may makakabasa na ibang tao. Hahahaha nagipon pa po talaga ako ng lakas ng loob. Kaya sana maappreciate niyo po. ;-)
Anya's POV
"Ano na naman ba ang iniisip mo at nakatunganga ka na naman jan, ha Anya?" Heto na naman si Evette na panay sita sa'kin habang nasa Boy Scout Park kami.
"Hindi ka ba mag-aaral? May quiz na naman tayo mamaya sa algebra nuh!" saway pa niya habang binubuklat ang notes niya.
"Hayaan mo na yan si Anya te, sigurado may stored knowledge na naman yan!" pagkakampi naman ni Roxanne sa'kin. Napakakunsentidor talaga nito. hahaha
"Paano kaya kung hingin ko nalang ang number niya, tapos itextmate ko?" sagot ko naman sa kanila habang windang na windang ako sa ideya na naisip ko.
"Ano? Iyan ang iniisip mo kanina pa? Aba labas na sa math subject yan Anya! Dreaming ka ng dreaming, ang tanong may sagot ka na ba para sa quiz mamaya? Baka naman number ni Nathan ang mailagay mo sa 1/4 sheet of paper niyan." Diba? Minsan nega lang talaga ang freny ko na ito.
"Girl, huwag kang mag-alala ako ang bahala sa'yo!" sagot naman ni Roxane na nagustuhan ang ideya ng maharot. Hahaha
"Pero paano?" tanong ko kay Roxane habang nagiisip kung ano ang gagawin niya dahil alam ko ang maruming isip ni Roxane, matagal niya na rin kasi gustong sumali sa grupo nila Nathan. Kaya sigurado ako ito na ang naiisip niyang alibi sa gagawin niyang pagrerebelde. Bwahaha
"Kilala ko ang kaibigan nila si Jimmy, I'm sure isang push ko lang dun sa baklang yun bibigay na yun.." sabat niya habang nakangiti ng nakakaloka. Sabi ko na nga ba at may ibang binabalak tong si Roxane eh.
"Tumigil kayong dalawa! Pinag-aaral kayo ng mga magulang niyo nuh! Kelangan ko pa bang mag recite ng bible quotes dito ha para tumino naman ang pag-iisip niyong dalawa?" Si Evette talaga ang panira ng mga panaginip namin ni Roxane, siya ang madalas humihila sa amin pabalik sa masalimoot na katotohanan. Hahahaha
Ngunit mabilis pa sa alas kwatro ang pagsagot ng tadhana sa mga panalangin ko na masumpungan si Nathan my love ngayon araw. Bawat paghakbang niya suot ang uniform niya pang Chef ay siya naman pagtibok ng puso ko na parang may tumatakbong kabayo in slow motion. I know right, dug dug..dug dug..dug dug..ang sakit sa puso!
"Ayan na! tumigil na naman ang mundo ni Zephaniah!" Kahit malabo na ang background at pandinig ko sa sobrang focus ng puso ko kay Nathan ay narinig ko parin sabi ni Evette.
Hindi ko namalayan na naglakad na pala papalapit sa room nila ni Nathan ang kaibigan kong haliparot na si Roxane. Siya nga ang sumira sa magandang view dahil kausap niya na ngayon si Nathan my love!
Omyg! Ano ang sinabi ni Roxane at napatingin sa dako namin si Nathan! Lagot ka sakin mamaya Roxane! Nagkakagulo na naman ang puso ko ngayon sa pagtitig niya sakin, yung mga titig niyang nagpapalambot sa mga tuhod ko, nagpantay ang mapupula niyang labi, akala ko ngingiti na siya sakin ngayon pero tumalikod na siya papasok sa room nila.
Humarap naman si Roxane sakin at nagflash ng nakakalokang ngiti at pakindat kindat pa ang loka! Mamaya ka sakin friend! Sulitin mo na yan mga ngiti na yan! Bwahaha
Maya-maya pa ay lumabas naman si Jimmy sa room nila, suot din niya ang uniform nila pang chef at naka apron naman ito. Tumingin din si Jimmy sa kinauupuan namin at nginitian niya ko sabay kaway. Ngumiti naman ako at nag wave back sa kanya. Si Roxane talaga ang ka close ni Jimmy dahil lagi silang nagkakasabay pauwi. Iisang kanto lang kasi ang boarding house nila. Pero kahit si Roxane ang kaclose niya ay lagi naman itong nakikipag FC (feeling close) sa amin ni Evette. Kapag nagkakasalubong kami sa campus ay lagi siyang nakangiti o nakatango samin. Sa kanilang tatlo magkakaibigan nila ni Nathan si Jimmy ang tahimik at hopeless romantic kaya madalas din siyang sabihan ni Roxane na bakla kasi hanggang close lang ang kaya niyang gawin sa babae. Minsan nga iniisip namin ni Evette na baka may gusto si Roxane sa kanya kaya panay ang kantyaw nito para magconfess narin sa kanya si Jimmy! Hahahaha
YOU ARE READING
YOU CAN'T HURRY LOVE.
RomanceAng pag-ibig hindi minamadali, ang pag-ibig ay matiyagang hinihintay. Ang pag-ibig hindi madali, kaya dapat na paghirapan. Ang pag-ibig ay hindi basta-basta, kailangan ng maraming sakripisyo. Ngunit hanggang kailan nga ba tayo maghihintay? Hanggang...