IFIWTC #3

15 0 0
                                    







Carlee's POV



Rise and Shine! It's Saturday Morning! Nothing to do but eat all day long! Ang ganda ng gising ko! Nakatulog kase ako ng mahimbing at mahaba. Time Check: 8:30am. Ang aga! Bumaba na ako sa kitchen para mag-breakfast. Nakita kong naghahanda na sila ng pagkain. Sabay sabay kaming kumakain ng mga maids ko. Tinuturing ko silang family. Ako lang naman kasi ang nandito tsaka sila. They're not others.


"Good Morning mga Ate! Good Morning Nanay Imelds! Kain na tayo!!" Sabi ko sakanila habang pababa ng hagdan. Nakadating na ako sa may table at inamoy yung mga niluto nila. Bacon, Egg, Sausages, Pancakes, Fried Rice and Mango Juice! Wooh! Nakakagutom!

"Ang ganda ata ng gising mo anak ah." Sabi sakin ni Nanay Imelda. Umupo na kaming anim. Ako, Si Nanay Imelda, Ate Rose, Ate Nic, Ate KC at Ate Apple.

"Yesyes naman Nanay! Osya, kumain na ho tayo. Pero wait! Dasal muna tayo." Umupo na kami at nag lead ako ng prayer. Pagkatapos namin magdasal. Lamunan na! HAHAHAHA. Galit galit muna kami. Joke. Ang sarap naman ng luto nila. Waaah. *o*


*ringringring*

Natunog yung phone ko. Iniwan ko sya salas nung pagbaba ko dito sa kitchen. Pang abala naman oh. Ang sarap sarap ng kain ko eh. Huehue.

"Sige po. Kain lang kayo. Sasagutin ko lang yung natawag sakin." Sabi ko sakanila. Dumiretso ako dun sa salas at tiningnan kung sino yung natawag. Pagtingin ko si Alyssa.

"Ano?!"

"Grabe! High blood teh?!"

"Istorbo ka e! Nakain ako! :3"

"Sus. Nandito kami sa Mcdo. Nagbebreakfast kami ditong tatlo! Bleh!"

"Ayshet. Ang duga! Bat di nyo ko sinabihan?!"

"Tinulugan mo kami kagabi e. Basubas ka den e."

"I hate you. Btw, why did you call?"

"I just want to tell you na dyan kami maglalunch. Sasama namin ang so called pinsan mo and your enemy. Hehe. Bye! Dyan kami kakain ha! Labyutu!"

*call ended*

Ang babalasubas aba! Hindi ako sinama sa pag bebreakfast nila sa mcdo tapos dito pa sila maglalunch?! Partida, nakain pa lang sila ngayon ha! Tapos isasama pa nila si Martin at Paolo?! Aba iba! Ang tinde!


Bumalik na ako sa dining table. Kumain ulit ako! Aba! Di pa ko tapos e. Istorbo si Aly. -___-

"Oh, sino yung tumawag sayo?" Tanong sakin ni Ate Rose. Among dun sa ibang katulong except kay nanay, si Ate Rose yung pinakaclose ko. Hahaha. Mga 2 years na syang nagwowork dito. Tapos yung iba 3 months palang dito.

"Ah. Si Aly po. Dito daw po sila maglalunch. Paluto po kami ng masarap na masarap na pagkain ha! Tsaka pang merienda na den. Hehe. Salamat po! Alam nyo namang mga halimaw kami kaya pakidamihan po ha." Nagtawanan naman kami dahil sa sinabi ko. Hahahaha. Totoo po yun. Halimaw talaga kami. :3

Natapos kaming kumain. Dumiretso ako sa kwarto ko at nagtweet sa twitter.

"GoodMorning! Have a great day ahead! ;)"

Pagkatapos non kinuha ko yung phone ko, nilagay sa musics at dinala ito sa CR. Maliligo ako. Pumasok na ko sa CR. Biglang pumasok sa isip ko si Paolo. Oy. Wag malisyoso! Di ko sya crush or kung anuman. Napaisip ako, pogi naman sya at sa pagkakaalam ko mabait pa. E bakit ganun sya saken? Baket ang sama nya saken? Wala naman akong atraso sakanya e pero bakit nya ako pinahiya nung Grade 7 kami? Sige na. Ikukwento ko na sainyo.

I'm Falling Inlove with the CapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon