MTATM 2

25.2K 449 1
                                    

“Hija, na saan ang apo ko?” nakangiting sumalubong sa akin Tita Patrice. Humalik ako sa pisngi n’ya bago niyakap ng mahigpit.

“Nasa sala po nilalaro ni Tito Gian” usal ko sa kanya habang nakatingin sa mga putahe na niluluto n’ya para sa dinner.

“Yan talagang Unggoy na yan hindi nagpapatalo sa akin, mukhang talo na naman ako sa pustahan namin.” Kumunot ang noo ko, pustahan?

“Eh kasi pinipilit kong engrande ang kasal n’yo pero sabi ng Tito mo sa private resort nalang daw namin sa Tagaytay, gusto kasi nyang simple lang at puro malalapit na kaibigan lang ang dadating. Ayoko naman ng ganun, Danica you deserve better than that, gusto ko magiging memorable ang kasal nyo. Tukol naman sa pustahan, kung sino na raw unang kakarga sa apo namin ay s'ya ang panalo. Eh mukhang private wedding na talaga, akalain mo Danica sinong makakaisip na after all those years ay kayo pa rin ang magkaktuluyan, akala ko hindi ka na babalik. ” Hinawakan ni Tita ng mahigpit ang kamay ko.

“Tita naman.” Bigla kasi itong lumuha.

“Please Danica bring my old son back, ang daming nagbago sa kanya at alam kong aware ka naman dun. Anak, kung may nagawa mang mali sayo si Paul noon, patawarin mon na siya huh? At magsama kayo ng maayos para makabawi sa mga taong di kayo magkasama.”

  Paano ko siya papatawarin kung hindi naman siya ang nagkasala. Walang ginawa noon si Paul kundi mahalin ako at alagaan pero anong ginawa ko? Iniwan ko siya dahil may isang tao noon na ngangailangan ng tulong ko. In the end, I chose to help that person instead of explained my reason to Paul. Sana maintindihan nila, sana mapatawad  nila ako.

“Opo Tita, susubukan ko po.”

“Gawin mo Hija, gawin” tumango na lamang ako sa kanya at tinulungan siyang dalhin ang mga putahe at maghain sa lamesa nila na napakahaba.

Hindi na rin naman ako nagtataka, mayaman sila Paul. Kahit itong bahay este mansion nila ay nakapagara. Isa sa mga trending mobile phone unit ang pagmamay-ari nila Tito Gian idagdag pa ang mga appliances na dahilan kung bakit laging out of stock ang ilang mall dahil sa sobrang ganda ng kalidad nito. 

“Mama, si Lolo Gian daw si Cookie Monster eh hindi naman eh” natatawang sabi ni Kevin.

“Bakit naman hindi apo?” tanong ng tita Patrice n’ya.

“Pogi po si lolo, cute naman po si Cookie Monster eh!”

“Aba?! Parang gusto ko atang bumili ng laruan, anong gusto mo apo?”

“Talaga Lo?” tuwang-tuwa na sabi ni Kevin. Natawa nalag kami ni Tita. Pumasok na kami sa dining room at nadatnan naming si Paul na nasa bar counter at umiinom.

“Si mamang nang iinterview” sigaw ni Kevin sa saby turo sa direksyon ni Paul.

“Stop what you have been doing, young man.” Mariin na sabi ni Tito na agad namang sinunod ni Paul. Umupo na siya sa tabi ko kaya biglang nanlamig ang kamay ko.

Hindi ako nakakain ng maayos, sa huli ay di ko rin naubos ang pagkain sa plato ko. Iniisip ko kung anong mangyayari mamaya, sabi ni Tita ay dito na raw kami magpalipas ng gabi. Sa kwarto na raw ako ni Paul matulog at sa kanila naman tatabi si Kevin.

Umayaw naman ako pero sabi ni Tita dapat masanay na raw ako tutal dun naman kami tutungo, ang maging magasawa na titira sa isang bubong.

"Be good okay? Wag masyadong makulit Kevin!"

"Mama naman eh, promise I'll be a good boy" hinalikan ko ito sa pisngi bago pumunta kalila Tita.

"Goodnight Hija, alam kong pagod ka halos ilang oras din ang binyahe nyo dahil alam kong traffic kanina." tumango ako kay Tita, at hinalikan siya sa pisngi.

Married To A Teenage MomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon