MTATM 4

20.6K 422 35
                                    

Ilang minuto din niyang sinakop ang labi ko, halos kapusin kami ng hininga ng bumitiw si Paul. Yumuko lang ako at tumingin sa sapatos niya. Ramdam ko ang mainit na titig niya sa akin pero sa sobrang hiya ko at hindi ko siya magawang tingnan ng diretso.

"I'll just change, you should do the same. We're going to Kevin's new school." He deeply sigh before turning around to come inside the house.

"Ang gulo niya, ang gulo-gulo mo Paul, alam kong galit ka pero bakit ganito ang trato mo sa akin? Bakit napaka-territorial mo?" Mahinang tanong ko sa sa likod niya hanggang mawala siya sa paningin ko. Napakagat na lang ako ng labi para pigila ang ngiti ko.

Sige umasa ka na naman para masaktan ka ulit!

Sumunod din ako sa taas, kumantok muna ako sa kwarto ni Paul bago pumasok. Kasalukuyan siyang nagsusuot ng t-shirt. Nagangat siyang tingin bago tumayo ng diretso at kinuha ang sapatos sa gilid niya.

"Wear that." Sabay nguso ni Paul sa mga damit sa ibabaw ng kama.

"Long sleeve? Paul mainit sa labas." Reklamo ko.

"Bahala ka nga!" Dabog niya sabay diretso palabas ng pinto. Sinara niya yun ng napakalakas.

Problema nun? Parang kanina lang good mood siya tapos naging moody na naman. Walang choice kong kinuha ang pink silk long sleeve sa ibabaw ng kama at sinuot yun, pinalitan ko ng denim high waist skirt ang pants na pinili ni Paul. Huli kong sinuot ang white rubber shoes ko bago bumaba.

Prenteng nakaupo siya sa sofa sa salas habang patingin-tingin sa Rolex watch niya. I clear my throat to inform him that I'm beside him. Pinasadahan niya ko ng tingin, nawala ang ngiti niya ng bumaba ang kamay niya. Pailing-iling siyang lumabas ng bahay patungo sa garahe habang nasa likod niya lang ako.

Married To A Teenage MomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon