Prologue

29K 584 6
                                    

"Magpapakasal kayo sa ayaw at gusto ninyo" kaswal sa sabi ng Tatay ni Paul.

"Pa! May anak na yung tao tapos hindi ako yung ama at gusto n'yo pang pakasalan ko siya?! Are you nuts?" gigil na gigil na reklamo ni Paul sa kanyang Tatay .

"Wag mong bastusin ang Tatay mo Paul! Hindi kita pinadala sa America para maging ganyan ang ugali mo " sabat ng kanyang Mama .

"Mr. and Mrs. Silvano ayoko po, hindi po ako magpapakasal sa anak niyo. May anak na po ako at ayokong maging pabigat sa kanya, ayoko pong maging pabigat sa inyo" mahinang usal ni Khyrie.

"You Bitch! Buti naman alam mo. Yeah, That's right! Pabigat ka. Dati pa naman eh, kahit nung highschool pa tayo pabigat kana sa amin and worst malandi kapa kaya hindi na ako nagtataka kung bakit ka nabuntis e' " napaawang ang labi ni Paul ng sapakin siya ng kanyang Ama. Napadausdus siya sa sahig at napahiga. Agad naman siyang dinaluhan ni Khyrie para itayo, itinaboy niya ang kamay nito ng akmang hahawakan nito ang sugat niya sa labi.

"Wag na wag mong bastusin sa harap namin si Khyrie, Paul. Your Lolo and Lola are already agreed on this matter. Magpapakasal kayo. End of discussion. " lumabas ng kwarto ang mga magulang niya. Naiwan silng dalawa ni Khyrie, walang nagsasalita mi-isa sa kanila. Kapwa bawat paghinga lang ang maririnig na tunog sa loob ng kwarto.

"Paul I'm sorry. Wag kang magaalala aatras ako sa kasal, kakausapin ko sila Tito. Lalayo na ako sayo, hindi na ako magpapakita. Ayokong makita kang ganito, ayokong nasasaktan ka ng dahil sa akin." hinaplos ni Khyrie ang pisngi ni Paul papunta sa mga labi nito pagkatapos ay tumayo na upang lumabas na sana ng kwarto.

Ngunit hinila ni Paul ang kamay ni Khyrie upang mapaupo ito at mapayakap sa kanya. He grab the back of her neck and kiss her hard.

"No, we will get married. Dito ka lang, dito ka lang sa tabi ko para malaman mo kung anong epekto ng pagiwan mo sa akin. Kung paano ako nagbago simula ng mawala ka, kung paano ako naging mas gago ng iniwan mo ko. Ipaparanas ko lahat ng sakit Khyrie! Lahat -lahat."ani Paul nang bumitaw ito sa mainit na halikan nila. Tumayo ito at iniwan si Khyrie sa loob na tulala at maya-maya lang ay bumuhos na ang luhang kanina pa nito pinipigilan.






"Kung alam mo lang Paul, kung alam mo lang lahat." mahinang usal ng dalaga.

Married To A Teenage MomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon