"Magpakabait ka doon ha?" bilin sa akin ni tita. Tango lang ang naging sagot ko sa kanya.
"Mabait naman si Kylie eh kaya wala kang problema doon" kasalukuyan kaming nagbyabyahe papunta sa bahay ng kakilala ng aking tita.
Doon na daw ako maninirahan, kasi di na nila ako kayang alagaan.Malungkot talaga ang buhay ko, maagang namatay ang mga magulang ko. Si Mommy namatay dahil sa brain aneurysm biglaan lang kasi kaya di kami nakapaghanda. Nung namatay si mommy, nag-iba na si daddy. Palagi na syang lasing tuwing gabi minsan nga nabugbog nya ako nung awatin ko syang uminom muli kaya ayun pumasok ako sa school na puro pasa.
Ilang buwan din lang, sinamahan na nya si mommy. Namatay din lang sya, lasing sya nung gabing iyon at di nya nailigan yung dumadating na truck ayun nabangga sya.Ewan ko ba kung bakit ganito yung buhay ko. Palagi na lang akong iniiwan nung mga taong mahalaga sa akin. O kaya naman pinagpapasahan naman sa aking kamag-anak. At heto na nga, pinamimigay nanaman ako sa isang pamilyang hindi ko naman ka-anoano.
Sana naman totoo yung sinasabi ni Tita ayoko ng mahirapan pa nakakasawa na kasi eh."Manong, pakitabi na po dyan oh sa may pulang gate" sabi ni tita don sa Tricycle driver.
Ayon na nga bumaba na kami sa loob ng Tricycle. Pagkatapos magbayad ni tita ay kinalampang (grabe!) na nga namin yung gate nila at wala pang dalawang minuto ay may nagbukas na para sa amin.
Isang lalaki ang nagbukas ng gate halata sa mukha nya na badtrip sya, baka kasi pilit na inutusan."Kayo po pala tita, pasok po kayo!" bati nya sa amin. Pansin kong panay ang tingin nung lalaki sa akin, ngumisi pa nga yung gago eh. Pumasok na nga kami at tumuloy sa loob. Maganda naman yung bahay may konting garden at dalawang palapag na bahay. Pagpasok sa loob malinis naman sya at katamtaman lang ang lawak. At ayun may nagpakita na nga sa amin na ginang ito na yata yung tinatawag ni tita na Kylie.
"Ayy. Magandang hapon sa yo Karla, yan na ba yung pamangkin mo?" Sa unang tingin mukhang mabait nga sya. Nasa edad 35-45 ang tantya kong edad nya.
"Oo Kylie sya na nga, pasensya na at natagalan kami, alam mo namang traffic talaga eh" pagpapaumanhin ni tita.
"Okay lang yan Karla, kumain na ba kayo? May niluto ako dyan. Kain muna kayo" alok nya sa amin.
"Mamaya na lang Kylie, hindi naman ako magtatagal dito at may aasikasuhin paakong mga papeles" sagot ni tita.Tinupad nga ni tita yung sinabi nya dahil hindi rin nagtagal ay umalis na nga si tita. Hiyang hiya naman ako kay mam Kylie kaya tahimik lang ako.
"Ah, kain ka muna ano nga ba ulit yung pangalan mo nakalimutan ko eh? Pasensya na" tanong ni tita habang naglalakad papunta sa kusina sinundan ka na rin sya at naupo na nga kami sa may lamesa.
"Kain lang" masayang sabi nya sa akin. Sinunod ko naman sya kasi kanina pa ako gutom na gutom hindi ako pinakain ni tita sa byahe ang kuripot kasi nya haha."Stephen po, Stephen po yung pangalan ko mam Kylie" sagot ko bago isubo yung kinakain ko.
"Stephen, wag mo na akong i Mam. Mas maganda yung Tita para walang arte" tumayo muna si Tita at kumuha ng tubig sa ref.
"Sige po tita" masigla kong pagsunod, natutuwa ako at talagang mabait naman si tita, masiyahin.
"Ilang taon ka na ba?" tanong nya.
"18 po" sagot ko
"18? Kaedaran mo yung anak kong si Vince. Siguro magkakasundo kayo nun. Ano naman yung kinuha mong kurso? Balita ko nagenroll ka na daw dyan sa ******* University" Umayos ako ng upo
"HRM po yung kinuha kong kurso" sagot ko
"Ahk. Yung anak ko kasi Marine, gusto daw nyang maging seaman paglaki nya" napa-isip na lang ako. Ayos! May kilala na akong marino pag nagkataon.Natapos na nga akong kumain at hinatid naman ako ni Tita sa kwarto ko. Magsasama daw kami ni Vince. Kinakabahan na nga ako kasi baka di kami magkasundo ni Vince baka masyadong mayabang. Sana naman hindi, para may tropa naman ako dito. Pagpasok namin ay andon lang sya nakaupo habang may kinakalikot sa laptop nya.
"Vince umayos ka ha, pakisamahan mo sya kundi malilintikan ka sa akin" banta ni tita sa kanya.
" Oo na ma, ang kulit" hindi man lang nya tinapunan ng tingin.
" O Sige dito ka na matutulog, dyan yung kama mo. Heto yung kabinet nyo. Sinabihan ko na si Vince na ayusin yan para may paglalagyan ka ng damit mo. O maiwan ko na kayo at may pupuntahan pa ako"
"Salamat po tita. Sige po mag-aayos lang po ako ng gamit" umalis na nga si tita at nagsimula na akong mag-ayos. Medyo marami kasi yung dala kong gamit eh kaya mas mabuting simulan ko na para madaling matapos."Kumusta pare, Stephen nga pala" inilahad ko yung kamay ko pero di naman nya inabot, nagmukha tuloy akong tanga.
"Sabi ni Tita Marine daw yung kurso mo. Ako kasi HRM" tinignan lang nya ako ng blanko. Grabe parang gusto nyang sabihin na SML? Napahiya talaga ako nun. Ngumisi sya bago sumagot.
"HRM? Sa pagkakaalam ko, mga bakla yung kumukuha sa kursong yan. Ayoko sa bakla" akala ko di nya ako sasagutin.
"Pare di ako bakla, Bisexual ako" sagot ko.
"Bakla na rin yon. Di ba nagkakagusto din kayo sa mga lalaki? Edi bakla na rin kayo" parang di mapuputol na sabi nya. Medyo naasar ako sa sinabi nya. Bigwasan ko kaya yung mukha nya. Ang kitid ng utak.
"Eh nagkakagusto din naman kami sa mga babae ah. Yung kasintahan ko nga noon, yung pinakamagandang babae sa room namin" pagbwelta ko. Nilagay ko na sa cabinet ang iba kong mga damit.Tumahimik na rin sya at di na umimik patuloy lang sya sa pagtipa ng keyboard sa laptop nya.
Yan kasi yung pangit eh. Masyado pang makitid ng utak ng mga tao para kinabibilangan namin. Masyado silang judgmental! Kala mo kung sinong malinis na tao. Grabe sila.Tinikom ko na lang yung bibig ko. Ayokong may masabing masama, syempre nakakahiya naman kay tita Kylie. At ayokong pumangit ang mood ko. Bigla naman syang tumayo na ikinabigla ko dumeretso sya sa labas.
Tuloy parin ako sa pagayos ng gamit ko. Malapit na din naman itong matapos.Isang tupi na lang at natapos na rin ang ginagawa ko. Nakaramdam naman ako ng antok. Napagod kasi ako sa byahe at pagayos ng gamit. Nagpalit muna ako ng t-shirt at ginamit ko na lang yung aking bagong biling Sando na nabili ko bago kami pumunta rito. Nahiga n lang ako sa aking kama at di nga ako nagkamali, dahan dahan naman akong hinila ng aking antok.
**********
**********
Ang sarap ng tulog ko. Naliligo daw ako sa may ilog. Ang sarap kaya sa pakiramdam ang lamig ng tubig na nakakaexcite. Ang saya saya ko. Ng biglang.
*bogsh*
Nagising na kang ako dahil sa sakit ng aking braso. Nahulog pala ako sa sahig! ! Putik! Ang sakit!
Ang saya na ng panaginip ko eh. May nakita na kasi akong mga dilag. Sayang!
Bigla namang may nagsalita."Hoy, gumising ka nga dyan. Nakahanda na yung pagkain sa baba" masungit nyang utos sa akin.
Shit! Nagmukha akong tanga sa harap nya.
Putcha naman oh!¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤
See you next chapter
You might encounter a lot of errors. Sorry pls bare with me di ko na chineck publish na agad.Maliit pa sya pero hahaba na sa susunod
Alpha69Alpha
BINABASA MO ANG
Secret Affair (boyxboy) SPG
RomanceImagine if two unlikely men has a Secret Affair behind those curtain. This is a boyxboy story kaya kung medyo sensitive ka at hindi pa open minded sa mga ganitong kwento, find another story that suits your personal preference. But if you are just...