Two

1.8K 26 1
                                    

Maaga akong nagising ngayon. I wouldn't like to disappoint tita. Syempre dapat ipakita ko na may pakinabang naman ako sa pamamahay na to, baka kunh ano pa ang sabihin ni tita.  So naghilamos muna ako at nagtooth brush then diretso sa kusina.  Papakialaman ko muna yung kusina nila ng makapagluto ako ng agahan.

Una kong binuksan ang Ref nila, ang daming nakalagay pero napagdesisyunan kong magluto na lang ng itlog, hotdog,  then ham tutal madali lang naman silang lutuin. Sunod kong linuto yung Kanin sa Rice cooker.  Habang hinihintay ko syang maluto inayos ko na lang yung lamesa at hinanda ang mga plato. 
Napa-isip ako, napahiya talaga ako kagabi bakit ba naman kasi nahulog-hulog pa ako dyan sa kama na yan, ayan tuloy ang sakit ng braso ko lalo na yung bewang ko.  Tinanong pa ni tita kung ano daw yung nangyari eh sinabi ko na lang na wala para di na sya mag-alala.

Natapos ko na lahat ng linuluto ko ng pumasok si tita sa kusina.
"Tita kain na po!" masigla kong bati sa kanya.  "Good morningna na rin po" inayos ko ang upuan nya.
"Good mornong din,  ikaw ba nagluto ng mga to?"tanong nya sa akin.
"Opo,  inagahan ko po talaga yung gising ko para dito" sabi ko.
"Ay maraming salamat Stephem, akala ko ako nanaman ang magluluto but thanks to you di na pala kailangan. Well,  as much as I want to eat those foods I really need to go.  Marami pa akong asikasuhin sa office ngayon" nagtungo sya sa ref at nilabas ang gatas  kumuha na rin sya ng baso at uminom nito.
"Gisingin mo na lang si Vince then sabay kayong kumain.  Basta feel at home ha,  call me if you have something to say,  binigay ko naman na yung number ko sa yo. So bye!" tumakbo na sya palabas.
"Ingat po!" pahabol na salita ko sa kanya at sumigaw din naman sya ng salamat at maya maya pa ay narinig ko na lang na humarurot na papalayo ang kanyang kotse.

Naiwan akong nakatunganga sa lamesa. Nahihiya kasi ako kay Vince at isa pa hindi naman kasi kami ganon kaclose ng gagong yon.  Ang sungit kasi tapos akala mo kung sino,  suntukan n an lang kaya?  (joke)
Sa ayaw at gusto ko kailangan ko parin syang tawagan. I went straight to our room, dahan dahan ko pang binuksan ang pintuan. 
Ayun sya himbing na himbing parin ang pagkakatulog animoy kahit magpaputok ako ng kung ano ano (ano daw?)  hindi parin sya magigising.
Dahan dahan akong lumakad papalapit sa kanya. 

"V-vince gising na!" sumigaw ako ng kaonti. Di parin sya gumagalaw.
"Vince pare gising na!  Kain na!" inalog ko sya ng konti. Wala paring kibo
"Nakahanda na ang pagkain sa baba!" inalog ko ulit sya ng kaunti abat ayaw parin.
"Gagong Prinsipe, Suntukin ko kaya to?" hininaan ko ng konti ang aking boses baka marinig nya.
Magsasaluta na sana ako pero biglang...
"Anong sabi mo?" tanong nya sa akin.  Nabigla tuloy ako kaya napaatras ng konti.
"W-wala, sabi ko nakah-handa na yung pagkain sa baba" palusot ko. Kumunot naman ang noo nya.
"Sa pagkakarinig ko,  tinawag mo akong Gagong Prinsipe eh" bumalikwas sya.
"Hindi kaya pare,  baka guni guni mo lang yan.  O sya sya. Nasa nakahanda na ang u-ulam sa baba. Kung naguguton ka na." Lumakad na ako papalayo.
"Wag mo akong gawing tanga." tumaas ng kaunti ang tono ng kanyang pananalita. Kinabaham naman ako dahil don. Gusto kong tumakbo pero parang mas guilty ako kung gagawin ko yon.
"W-wa" umurong naman yung dila ko, gusto ko sanamg magpaliwanag pero naunahan na ako ng kaba.
Bigla naman syang tumayo at lumapit papalapit sa akin.  Pero tinitigan ko lang pa presko lang ako ar parang walang ginagawang masama confident naman ako na kaya ko syang talunin kung maghampn tong ugok na to ng suntukan.
Mas lumapit pa sya at tinignan lang ako.
"Hindi ka ba aalis dyan?" tanong nya
Ano daw?  Natameme ako dun mukha akong tuod.
"Ha?" tanong ko..
"Tumabi ka nga dyan! " Kita ko sa mata nyang parang naiinis na sya sya akin.  Ay hindi,  inis na inis na sya sa akin!
Tumabi na lang ako  at hinayaan na syang lumabas.

Napaface palm na lang ako.
Ano bang gulo tong pinasok ko? 
Aba! Malay ko ba na narinig nya pala yon.
Parang nasabihan lang ng Gago,  parang dinaman totoo.
Natawa ako sa loob ko. 
Ano na kayang gagawin ko?

Sumunod na ako papunta sa baba.  Andun na sya at nakaupo na sa isang silya.  Umupo naman ako sa kanyang tapat at sinimulang magdasal habang sya ay kumakain.  Ramdam kong nakatitig sya sa akin kahit nakapikut ang aking mga mata pero patiliy parin ako sa pagdasal then kumain na rin ako.

Tahimik lang kaming pareho at walang gustong bumasag sa katahimikan.  Tanging tunog lang ng mga kubyertos ang maritimig mo sa sandaling yon. Napaka-awkward man ng sitwasyon pero tuloy lang ako sa pagkain. Tinuon ko na lang ng pansin sa hotdog na kinakain ko.  Agad ko naman itong sinubo, wala eh, gutom na kasi ako kaya wala ng pakialaman.

Pansin kong huminto sya sa pagsubo sa sunny side up egg na niluto ko. At tumingin ako sa kanya. 
grabe,  ang sama ng tingin nya sa akin!
Wala naman akong ginagawang masama ah. May mali nanaman ba akong nagawa? 

Agad kong linayo ang tingon ko sa kanya at sumubo pa sa hotdog na hawak hawak ko. Nakamasid parin sya sa akin at todo inis parin ang mukha nya,  nakita ko sa peripheral vision ko na umiling na lang sya.
Ano bang mali sa ginagawa ko?
Napatanong talaga ako.

Ngayon ko lang narealize na ang takaw ko paang kumain. Nakatatlong hotdog na pala ako at, medyo nangangalahati pa yung pagkain ko,  samantalang sya eh paubos na yung pagkain nya.
Nakakahiya talaga yung ginawa ko.  Ang takaw takaw ko kasi eh.  Sino ba namang hindi magugutom kung napuyat ka kagabi dahil di ka makatulog (well,  anong relate?)
At wala syang paki kung gutom ako.  Suntukan na lang kaya kami?

Maya maya pa ay sabay din kaming natapos. Hindi ko rin alam pero sabay talaga kaming natapos. Pinatong na nya sa plato nya ang basong ininuman nya kanina at akmang tatayo na sana pero inunahan ko na sya.
"Ako na lang yung magdadala nyan" presenta ko.
"I can manage" sagot nya.
"Maliit na bagay lang naman eh" sabi ko.
"Yun na nga eh" bwelta nya.
"Okay lang naman ako na lang para mas ma... "
"Shit!" bigkas nya, nabuhos sa damit nya yung juice na iniinom nya kanina lang. Yan kasi pabibo,  pero okay lang atleast nakabawi sa gagong to.
"Sorry Vince ikaw kasi nakipagagawan ka pa ako na lang kasi yung magdadala" sabi ko.
"Kasalanan ko pa talaga?" naiinis na talaga sya.
"Hindi naman sa ganon pero....." Naglakad na sya palayo pero bigla nanaman syang nadulas sa sahig dahil medyo nabasa ito ng mahulog ang baso.
"Araaay!" Sigaw ni Vince.
Araykupo!

"Okay ka lang Vince?" tanong ko sa kanya.
"Putang ina ka, Wag mo akong hawakan gago ka!"
At minura pa ako..
Hindi na yata kami magiging close..


End of Chapter Two

Hi po sa mga nagbabasa kung meron man. Well sorry kung sabaw yung chapter na to, saka ko na lang sya aayusin. Babawi pa ako sa next chapter.

Don't mind the misspelled words and wrong sentence pattern.
Hahaha di magaling si author.

Thank you nga po pala sa mga nag add sa mga reading lists nila, i really appreciate it po. 
And sorry na rin po kung matagal ang update busy kasi sa school.

UNEDITED
Vote?  Comment?
Alpha69Alpha

Secret Affair (boyxboy) SPGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon