3rd person's POV
Habang buryong-buryo sa kahihintay sa kaniyang mga kaibigan si Nick, naisipan n'ya munang mag-inom mag-isa sa bar counter.
"The usual?" Tanong sa kaniya ng bartender na agad naman n'yang tinanguan.
Alam na alam na ng bartender sa lugar na 'yon ang paborito n'yang alak dahil madalas silang tumambay ng mga kaibigan n'ya sa bar na iyon.
Habang naghihintay ng inumin, inilinga n'ya ang ulo n'ya sa mga tables. Baka kasi sakaling may chix na pwede n'ya munang makasama at alam n'yo na, makalandian.
Naihinto n'ya ang mga mata sa isang dalaga na akala mo'y umiinom lang ng tubig kung tunggain ang tequila sunrise. Napailing na lang n'ya ang kanyang ulo.
Tinignan n'yang mabuti ang babae. May mahaba itong buhok, mapang-akit na mga mata, matangos na ilong at mapupulang labi. Not to mention her sexy body na kitang-kita ang hubog sa suot na high-waisted black fitted shorts at isang pink spaghetti strap crop top.
'I like her' nasabi na lang n'ya sa kaniyang isipan kaya nama'y mabilis n'yang tinungo ang table ng babae.
"Hi miss. Mind if I join you?" Tanong n'ya ng nasa may bandang likuran na s'ya nito.
Ininom muna nito ulit ang alak na hawak bago s'ya nilingon.
NANG lumingon sa kanya ang babae, tahimik na napamura na lang s'ya sa kaniyang isipan.
'Fvck! Ano bang kabutihan ang nagawa n'ya para makaharap ang isang napaka gandang babae' bulong n'ya sa isipan.
Nakipagtitigan s'ya ng medyo matagal sa babae. Pero ng marealize n'ya na parang natulala na ito, noon na s'ya muling nagsalita.
"Miss?" Pumitik pa s'ya hangin upang magising ang diwa ng naturang babae.
"Ahhh... No." Sagot ng dalaga na halata mo ang pagkapula ng mukha. Hindi n'ya malaman kung dahil ba sa hiya o dahil sa mga nainom nito.
Hindi na lamang iyon pinansin ni Nick at ito'y umupo na lamang sa tabi ng dalaga.
"Mukhang mag-isa ka lang, a." Tinignan pa niya ang mga bakanteng upuan upang makumpirma.
"A, hindi. May mga kasama ako. Nandyan sa tabi-tabi, may kanya-kanyang monkey business." Napa-chuckle naman si Nick sa sinagot ng dalaga.
"By the way, I'm Nicholas Craig Fuentes. My friends call me Nick. But you can call me anytime." Napatawa naman ang dalaga sa sinabi n'ya na ikinatawa rin naman ng binata. At saka n'ya inilahad ang kanang kamay n'ya para sa shake hands.
"Gabrielle Sy. Elle for short." Nakangiting sabi ni Elle. Iniabot naman nito ang kaliwang kamay and they shook hands.
Matagal na nagkahawak ang kamay nila. Wala pa nga sanang balak bumitiw sa isa't-isa kung hindi lang may nagpeke ng ubo sa harap nila.
Sabay na napalingon ang dalawa sa taong iyon.
"Did we disturb you?" Pang-asar na tanong ni Miguel sa dalawang nasa harap.
"Oo, tngna mo." Walang kagatol-gatol na sagot naman ni Nick.
Natawa lang si Elle. Kung nasa katinuan lang sa Elle, malamang ay hindi n'ya katabi at kaharap ang mga lalaking 'yon pero dala na rin siguro ng kalasingan kaya heto't nakikipag-usap s'ya sa kanila.
"If that's the case...." Naupo pa muna si Miguel bago ituloy ang sasabihin. "Get a room and continue what you are about to do there." Tatawa-tawang sambit pa nito. Siraulo talaga.
"You're funny." Wala sa sariling sambit ni Elle kay Miguel.
"It's because I'm Miguel and you're Elle." Sagot ng binata na ikinagulat ng dalaga.
BINABASA MO ANG
Revision For Love
RomanceRevision for love is a story of a girl who will do everything to prove everyone that she fits the man that she loves.