Revision For Love

9 0 0
                                    

Gabrielle/Elle's POV

Large speakers na sobrang nakakabingi sa lakas. Neon lights na ang sakit-sakit sa mata. Pinaghalong amoy ng alak at sigarilyo na s'ya namang nakakahilo talaga.

Hindi ko alam kung bakit nandito ako. Hindi ko alam kung anong masamang espirito ang sumapi sa akin at sumama ako dito.

"Tatanga ka na lang ba d'yan? Nandito tayo para magsaya, girl!" Sabi sa'kin ng kaibigan kong si Yuri habang ibinababa ang baso ng nilagok n'yang tequila.

Si Yuri ay isang liberated na babae. Lagi n'ya kong pinipilit na sumama sa kanya tuwing gigimik s'ya kasama ang iba pa n'yang mga liberated na kaibigan.

Iniabot ni Yuri sa'kin ang isang baso na naglalaman ng margarita kung hindi ako nagkakamali.

"H-hindi kasi ako umiinom, e. Alam mo n-naman 'yon di ba?" Inirapan n'ya lamang ako atsaka ipinatong sa harap ko ang iniaabot n'ya kanina.

"You should try this, babe. It taste good." Tudyo ng isang lalaking foreigner yata na nakilala ni Yuri sa bar at ngayo'y kasama na namin sa table.

Nag-aalinlangan pa ako nung una pero ininom ko din naman. Ayoko naman kasi masabihan ng KJ kahit na ganon na naman talaga ang impression nila sa'kin simula pa lang.

Siguro nagtataka kayo kung bakit ganito ang inaakto ko. Hindi naman kasi ako sanay sa mga ganitong lugar. Pinilit lang ako ng kaibigan ko. Nahihiya din naman na kasi akong tumanggi.

Galing lang naman din kasi ako sa isang pamilya na hindi mayaman pero hindi rin naman kapos. Sapat lang na nakakakain ng tatlong beses sa isang araw.

Pero dahil nga college na ako at dito ako sa manila nag-aaral kaya napilitan akong mag-apartment na lang kaysa araw-araw na mag-uwian mula dito hanggang Bulacan.

Nakilala ko si Yuri sa school. Blockmate ko s'ya simula ng nagfirst year ako hanggang ngayong 2nd year na kami. S'ya ang nag-alok sa'kin na mag-apartment na lang. Mag-isa lang daw kasi s'ya don sa apartment na nirerentahan n'ya. Pumayag na din naman ako atleast, medyo makakabawas sa gastusin dahil nga may kahati ako.

"C'mon guys, let's dance!" Yaya ni Yuri na s'ya namang nagustuhan ng lahat maliban na lamang sa'kin.

"Kayo na lang. Maiwan na lang ako dito." Pagtanggi ko sa kanila. Di rin naman kasi ako sumasayaw.

"You sure?" Tanong pa ulit ni Yuri na tinanguan ko lamang.

NANG makaalis sila, nag-observe na lang ako sa paligid. Nagpalinga-linga ako ng mapansin kong may iniinom na red juice yung isang babae na nasa may bar counter.

Parang gusto ko din 'non.

Mabilis akong tumawag ng waiter at umorder.

"Kuya, meron po ba ako umorder 'non?" Turo ko sa waiter na lumapit.

"Sure ma'am, ilan po?" Tanong ni kuya waiter.

"Isa lang po." Tumango lang s'ya atsaka mabilis na umalis upang kunin ang order ko.

Nang maibigay sa'kin ni kuya ang juice ay nagpasalamat lang ako at mabilis itong nilagok ng derecho.

Ngunit ganon na lang ang pagtataka ko ng parang malasahan ko ang pait sa ininom ko.

Pero siguro ay guni-guni ko lang yon dahil sa margarita na ininom ko kanina.

Humingi pa ulit ako ng isa sa waiter.. At ng isa pa.. At ng isa pa.. Hanggang sa makaramdam na ko ng matinding hilo..

Hindi ko alam kung dahil ba 'to sa ininom kong alak kanina, neon lights o dahil sa amoy ng sigarilyo at alak.

"Hi Miss, mind if I join you?" Nabalik ako sa wisyo ng may nagsalita sa bandang likuran ko.

Holy mother of cats and dogs! Why am I seeing a greek god infront of me.

Napatulala lang ako sa kagwapuhan n'ya. Juice ko, nanaginip ba ko?

"Miss?" He snapped.

Well, that answers my question..

I'm not dreaming. Not at all..

Revision For LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon