3rd

6 0 0
                                    

Elle's POV

"Oh my gosh! Elle!! Oh my gosh! Oh my gosh!"

Agad akong napatayo ng marinig ko ang mga tili ni Yuri. Nahilo naman akong bigla. Parang ang bigat ng ulo ko.

"Argghh.." Mahinang daing ko.

"Eeeellllllleeeee!!!" Nanlaki ang mga mata ko sa gulat ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko.

Mabilis na tumakbo papunta sakin si Yuri at niyakap ako ng mahigpit. Juice colored, nababaliw na ata itong kaibigan ko.

"Kami na ni Craig!!!!" Malakas na sabi n'ya habang kinikilig kilig pa.

"Ah, talaga?"

"Di ka manlang ba natutuwa para sa'kin? Anong klase kang bestfriend? Hmp!" Kunwari'y nagtatampo pang tinalikuran n'ya ko.

"Ewan ko sa'yo, arte mo." Sanay na kasi ako sa kanya. Madalas yan magtatatakbo sa'kin, sasabihin sila na ni gan'to, ni ganyan. Ay ewan!

Naglakad ako patungo sa banyo ng kwarto ko at iniwan s'yang nakabusangot na nakaupo sa kama ko.

I did my morning ceremony bago ako bumaba ng kwarto.

Nanlaki naman ang mga mata ko pagbaba ko.

Kaya pala di manlang ako kinatok na sa CR at biglang nagtatakbo palabas, e yon naman pala'y may bisita.

Hulaan n'yo kung sino.

Well, sino pa nga ba kundi ang kanyang boyfriend number 24 na si Craig. Oo, 24! Dahil madalas pa sa madalas kung magpalit yan ng boyfriend. Kaloka yang babaeng yan.

Pero hindi lang 'yon. May isa pang tao ang nakakuha ng pansin ko.

"Nick! Hi." Nakangiting bati ko sa kanya ng lumapit ito sa'kin.

"Goodmorning beautiful." May kasama pang kindat na sabi n'ya bago iabot sa'kin ang isang long stem ng white rose.

"Anong ginagawa n'yo dito ng ganito kaaga?" Tanong ko muna bago ko s'ya niyayang maupo sa sofa ng sala namin.

"Ako, para puntahan ang girlfriend ko. Ewan ko si Nick kung bakit nandito. Di ko naman niyaya yan, e." Sagot ni Craig ng may nagtatakang tingin kay Nick.

Napakamot na lang ng batok 'tong isa.

"Aayain sana kitang lumabas ngayon, e. Alam mo na.. Date?" Nahihiyang baling naman ni Nick sa'kin.

But wait.. Did I hear it right?

"Date?"

"Sana. Pwede ba?" Nagpapacute na sagot pang muli nito.

'Well, how can I say no kung ganyan ang mga tingin mo?' Sambit ko sa isip ko.

I looked at Yuri. She just nodded her head.

"Well, ahm..." Then I shyly nodded at him.

"Yes!!" Nagulat kaming lahat ng bigla itong sumigaw. "Sorry, nadala lang."

We just laughed at him.

"Sige, maliligo lang muna ako, ha?" Paalam ko sa kanila bago ako muling umakyat sa kwarto ko.

NANG makaligo na ako. Agad kong tinungo ang closet ko.

Maghahanap na sana ako ng damit na susuotin ng maalala kong puro pantalon nga lang pala ang meron ako.

Yung suot ko kagabi, pinahiram lang sakin ni Yuri yon.

NAG bihis muna ako ng pambahay at saka bumaba.

"Ahhh.. Hiramin ko muna sandali 'tong bestfriend ko ha?" At mabilis ko na s'yang hinili patungo sa kwarto n'ya.

Oo, sa kwarto talaga n'ya. Wala naman kasi akong mapapala sa damitan ko't wala namang damit pang-date 'don.

"Bakit ba? Busy kami ng boyfie ko 'don bigla kang manghihila." Pagsusungit n'ya sa'kin. Gusto talaga siguro n'ya si Craig. Di naman kasi yan ganyan dati, e.

Pero di yan ang issue ngayon. Kailangan ko na makapili ng isusuot.

"Ayusan mo naman ako, oh? Alam mo naman kasing wala akong alam d'yan. At saka pahiram na rin ng damit. Magkasize naman tayo, e, di ba?" Then I did some puppy eyes.

But she just rolled her eyes.

"Pasalamat ka Mahal kita. Kundi.. Nako!"

"Thank you talaga Bes!" I hugged her tight.

"Fine!"

SINIMULAN n'ya na kong ihanap ng damit na susuotin.

"Saan daw ba kasi kayo pupunta ng ganitong kaaga?" Tanong n'ya habang nagtitingin sa mga dresses n'ya.

"Di ko alam. Di naman n'ya sinabi."

Napahinto s'ya sa ginagawa at saka lumingon sa akin, "E pa'no natin malalaman kung anong bagay mong suotin kung di mo naman alam kung san kayo pupunta?"

Napaisip nga rin ako don.

"Teka, naka t-shirt at pants lang naman s'ya di ba?" Tanong n'ya na tinanguan ko lang.

Agad naman s'yang lumingon ulit sa closet n'ya at saka kumuha ng mga damit doon.

PAGtapos n'ya kong bihisan, nilagyan naman n'ya ko ng light make-up then voila! Ayos na ako.

AGAD kaming bumaba pagkatapos 'non.

Napatayo rin naman kagad si Nick at lumapit sakin.

"You are amazingly beautiful." Sabi n'ya magkalapit na pagkalapit n'ya saakin. "Shall we?" Then he offered his left hand.

I nodded as an answer.

"Alis na kami. Thank you, ha." Bulong ko sa bestfriend ko.

"Una na kami." Paalam naman ni Nick sa kanila.

I just waved at Craig.

HABANG nasa byahe, tinanong ko s'ya kung saan kami pupunta.

"Sa batangas." Sagot n'ya ng nakatingin pa din sa daan.

"Layo naman? Gagawin natin don?" Tanong ko ulit. Layo naman kasi talaga. From QC - Batangas? Aba matinde.

"Birthday ng pamangkin ko. Sa bakasyunan namin sa Batangas gaganapin." Aaaahhh... Yun naman pala.

Pero teka, "Akala ko ba date?!"

Natawa naman s'ya sa biglang pagsigaw ko. Juice ko naman kasi, bakit ganon na lang ako kung makasigaw? Kahiya! OA ko, pls.

Lumingon s'ya sa'kin at ngumiti. Pero hindi sinagot ang tanong ko.

Di ko na lang din kinulit. Natulog na lang ako. Puyat pa ko, e. Remember?

NAGISING ako ng nakahiga na sa malambot na kama.

Kama..

Kama..

Wait...... Kama?!

Agad akong napabangon.

Teka...... Panaginip lang ba 'yon?

AN: hi! Sorry kung medyo lame. Been really as in really very busy, e. 😁

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 30, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Revision For LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon