First Meeting

8 0 0
                                    

Ito na..biglang nagtext sakin yung engr sa kabilang office, kilala ko daw yung bagong hire nila na engr. So sabi ko anong pangalan..‬

‪Si Mr.Yosoooo!! Nagtaka pa ko pano nangyari yon, so tinawagan ko yung friend ko na bakit di nya sinabi na samin na pala sya nagwwork. ‬

‪Medyo intense ako nun sa phone kasi una, personality ko talaga yun. Pangalawa, nakakahiya kasi di ko na sya nasagot dun sa tanong nya dati!‬

‪Turns out, di rin pala alam ng friend ko na natanggap sya sa kabilang office! Idk, bat di nya sinabi.. labo nga e, may pagka Mr.Yoso nga..‬

‪November na, may travel kami sa Lucena, management meeting para dun sa VCO subproject namin. Gulat ako pinakilala sya nung isang engr..‬

"Si Mr.Yoso nga pala, kilala mo daw sya."
"Uy! Ikaw pala si Mr.Yoso, hi! Friend sya ng friend ko" sabi ko.
Shocks ang bango nya!!!

‪Pano ko nalaman? Nagbeso kasi sya sakin. Gulat ako e. Bargas kasi ako, puro lalake barkada ko and tingin nila sakin lalaki din #oneoftheboys‬

‪Di ako sanay na tinatrato akong babae..tho nagkaboyfriend din naman ako dati, basta! Sabi ko ayos to ah ang friendly..‬

‪Ayun, kwento kwento.. tapos tinawagan nya yung common friend namin, siguro tinanong sya asan sya, ang sagot nya nagddate daw kami! Wut!!‬

‪Di ako kinilig syempre, di ko pa naman sya gusto non, ang naisip ko lang, ayos to ah feeling ko makakasundo ko sya kasi maloko din..‬

‪Natatandaan ko pa, nadrop nya yung BB nya. Dun nasira yung letter g ng phone nya e, yung pagkabagsak na yun, at later on sakin nya sinisi..‬

‪Ng pabiro lang. sabi ko kasi non, naalala ko yung ex ko kasi bb yung phone nun dati, at bakit sya nakabb e puro smart phone na ngayon!! 😂‬

‪Ayaw daw nya ng sunod sa uso, he swims against the current daw, funny at the same time kakaiba sya, sabi ko sa sarili ko‬.

Mr.YosoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon