First Travel

9 0 2
                                    

‪November pa rin, nakasama ko ulit sya sa major activity namin sa office. Nagtetext kami about how boring the event is that time.

‪Me: Zzzz..
Him: Zzz...

Kinagabihan, nagtext sya ng "asan ka? Di kasi ko makatulog" so sabi ko nakatambay lang kami sa labas ng room. "Punta ko dyan, san kayo banda?"

‪Sabi ko sa kasama ko gusto tumambay ni mr.yoso, antok na daw sya kaya iniwan na ko sa labas. Maya maya, dumating na rin sya.

Naghanap na lang kami ng pwede bilhan ng beer, so sa front desk kami napadpad. Umorder sya ng sanmig light, sakin red horse..‬

‪Ayun, kwento ng mga kung ano ano, about college, about friends, work, kung ano ano pa.. dun ko sya unang nakausap ng matagal..‬

‪Dun ko narealize na madaldal pala sya, marami syang kwento at di sya boring kasama, super gentleman din. Sabi ko sa sarili ko...‬

‪May mga ganitong lalake pa pala, yung mga barkada ko kase tulad ng sabi ko earlier tingin sakin lalake. Sanay na sanay ako makipagbargasan, parang iba to.

Madaling araw na ata kami bumalik e‬, pumunta pa kami dun sa social event ng activity namin, dun inaasar na ko ng mga tao sa office sa kanya.

‪Hinatid nya pa ko sa room ko, pero tinakot nya muna ko at binibiro nung naglalakad kami kasi medyo madalim pabalik, resort yun na mapuno..‬

‪Nagjoke pa sya nun, sabi nya after nya ko ihatid baka pwede ihatid ko rin sya.. haha! Ok di masyadong nakakatawa pero natatawa ko ngayon!! ‬

After nya ko mahatid sa room, nagpaalam na kami sa isa't isa. He lean over at "nagbeso" sakin. Hindi ko alam na yun na pala ang simula ng pagkahulog ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 27, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mr.YosoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon