Maicey's POV
Pagkalabas na pagkalabas ni ate sa kwarto ko, may tumulong butil ng luha sa aking mga mata. Hanggang sa tuloy tuloy na ito sa pag-agos sa aking mga pisngi. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak, hindi naman dapat iniiyakan ang mga taong iniiwan ka lang. Malaki lang ang naging epekto sakin nung nalaman kong naiwan pala siya doon. Akala ko babalikan niya ako, pero ano bang paki ko kung bumalik siya o hindi? Pinapawi ko ang mga luha sa aking pisngi at lumapit sa salamin.
"H'wag ka ng iiyak ng dahil sa taong yun. Hindi siya worth ng tears mo! Ito na ang huling pag-iyak mo ng dahil sa kanya. Maging matigas ka na. Nag-iba ka na nga diba? Nagkaroon ka ng kaibigan dahil sa ugaling meron ka ngayon. Kaya magpakatatag ka at pangatawanan mo ang sinimulan mo." dikta ko sa sarili ko.
Inayos ko muna ang sarili ko bago ako natulog. Sana maging masaya ang araw ko bukas.
-kinabukasan-
*kring kring*
Nagising ako dahil sa alarm clock ko, and it's tuesday so ibig sabihin may pasok ako ngayon. Buti na lang nagising ako sa tunog ng alarm ko kung hindi, mangangatok na naman si mommy sa pinto.
Bumangon na ako at pumunta sa walk-in closet ko para pumili ng mga susuotin para sa araw na to. I decided to wear a fitting turtle neck sleeveless top in mustard yellow, a black square pants, a sleeveless denim jacket, and my addidas stansmith. Simple lang naman kasi ako manamit, or baka dahil lang sa mood ko ngayon. Pumunta na ako sa banyo at naligo.
After kong maligo at gawin ang iba pang ginagawa ko sa katawan ko, naglagay ko ng natural make up. Concealer, brown eyeshadow, brows, mascara, peach blush, and nude matte lippie. Buti na lang hindi namugto yung mata ko dahil umiyak ako kagabi eh, mahirap pa man din itago yun. After that, bumaba na ako para magbreakfast.
"Good morning dad, mom!" bati ko sa kanila. Nagpprepare na si mommy ng breakfast namin. Kahit na may mga katulong kami, she wants to serve our breakfast. "Good morning din anak" I kissed them both sa cheeks and went to my place.
Bumaba na din si ate at naggood morning mlang siya samin at umupo na din sa pwesto niya. Kumain na kami ng breakfast at nagpaalam na kina mama at papa.
"Bye dad, mom! Punta na po ako sa school."
"Sige anak, mag-iingat ka. Sumabay ka na sa daddy mo, aalis na din siya." sabi ni mommy. Sumabay na kami ni ate kay daddy papunta sa school.-school-
"Dad, bye!" paalam ko kay daddy. "Bye, mga prinsesa ko. Good luck! Take care. Love you both." sabi ni daddy samin ni ate at nagwave na kami parehas sa sakanya. Pinaharurot na niya ang sasakyan. Nagwave na lang kami ni ate sa isa't isa at pumunta na sa kaniya kaniyang classroom.
Pumasok na ako sa classroom namin at agad ko namang nakita ang mga bestfriends ko. May 10 minutes pa naman kami bago magsimula ang class. Nagchikahan muna kami kahit na kakakita lang naman namin kahapon.
"Good morning class!" Nandiyan na pala si Ms. "Good morning Ms. Carrey!" Bati naman naming lahat. "You may now take your seats. So today, we are going to have a group activity. We will be having 5 groups. So let's start with Mr. Scott."
So nagrupo na kami sa 5 at group 4 ako. Kagrupo ko si Celine, Mary, Kristal, Dylan, Warren at Tom. "So guys, you will have different topics to talk about. But all of this is about love. For group 1, family. Group 2, friends. Group 3, partner. Group 4, bestfriend. And group 5, community. So you should perform your answer to the question How can you show love to _____ if they betrayed you in a creative way. I'll be giving you the whole period to think about the concept and to practice. The presentation will be tomorrow. Now go to your groupmates and discuss."
Natigilan ako sa tanong ng teacher namin. Hindi ko inaakalang yun pa ang mapapatapat samin. Bestfriend pa talaga eh. Hays. Ano kayang gagawin namin?
_____________________
A/n: THIS IS IT! Hope you liked it. Ano nga kaya ang gagawin nina Maicey sa group activity nila? Abangan sa susunod na kabanata. At thank you sa paghihintay ng mahigit tatlong taon, and now, I'm back. But i can't promise to have an update every now and then. I'll try to have an update every weekend. Byeeee!

BINABASA MO ANG
A Mask
Novela JuvenilMasaya nga bang maging iba? Masaya nga bang di nila alam ang tunay na ikaw? Malungkot ka kasi pag nalaman nila, lalayuan ka na. Paano kung mas tatanggapin ka nila kung sino ka man? Magpapanggap ka pa ba bilang ibang tao? Choice mo kung magiging...