~Nathaniel Blythe Lai~
Pagkatapos kong kumanta ay nagulat ako nang may marinig akong nabasag.
Agad agad akong lumabas sa kwarto at nakita ko si Althea pinupulot niya yung mga bubog sa sahig"Aba! Nakikitira na nga lang nagbabasag pa! Ang kapal mo rin eh noh!" sambit ko sabay taas ng kilay
"Pasensya na" sagot niya nang biglang nahiwa siya ng bubog
"Aray" sambit niya"Napakaclumsy mo talaga!" inis na sinabi ko
Nang biglang may dumadagungdong pababa sa hagdanan.
"Hala anong nangyari?!" gulat na tanong ni Breidann
"Althea!" sigaw ni Chester sabay tulong agad kay Althea na gamutin yung sugat
"Ako na bahala maglinis nitong mga bubog" usal ni Clyde
"Tulungan na kita" sambit ni Prince
"Ano ba yan napakaclumsy mo talaga!" inis na sinabi ni Tyler
"Hay nako! Nath bakit hindi mo man lang tinulungan huh?" sambit ni Kean
"Bakit ko tutulungan yan huh?! Eh nakikitira na nga lang nagbabasag pa!" sagot ko
"Hay nako tama ka diyan nath!" dagdag ni Kyle
"Pwede ba manahimik kayo" sambit ni Althea na medyo naluluha na habang ginagamot ni Chester yung sugat niya
"Ssh... Maaalis rin yung hapdi" sambit ni Chester sabay punas sa luha ni Althea
"Okay tapos na" usal ni Chester
"Okay ka na Althea?" tanong ni Kean
"Kahit papaano" sagot ni Althea
"Hatid ko na siya sa kwarto nang makapagpahinga na siya" usal ni Chester
"Ah sige sige, Althea sa susunod magingat ka ah" sambit ni Jameson
"Oo salamat sa concern" nakangiting sinagot ni Althea
"Magkano yung nabasag niya?" tanong ko
"Worth 15k na baso lang naman yung nabasag niya" sagot ni Kyle
BINABASA MO ANG
11 Roses From The Elite Boys
Fanfiction[Book 1] Meet Althea Francheska Blaire isang normal at simpleng babae na nakapasa sa Miracle Elite Academy ng scholarship. Paano na kapag nameet niya na ang labing isang nagwagwapuhan at maaangas na lalake? Tuluyan na bang magbabago ang kanyang kapa...