~Althea Francheska Blaire~
"Ah, Ian uwi lang muna ako ah. Kukuha lang ako ng damit ko" sambit ko
"Ah sige" sagot niya sabay ngiti
Sumakay na lang ako ng taxi papunta sa bahay ng 11 elite boys
Pagkatingin ko sa labas ng bintana ay sobrang lakas ng ulan!
"Hala! Paano yan wala akong dalang payong!" natataranta kong sinabi
Nang makarating na ako ay agad akong lumabas ng taxi at nagmamadaling pumasok sa bahay medyo basang basa na rin ako
"Hala Ms. Blaire!" sambit nung Butler
Dinaanan ko na lamang siya kasi nagmamadali na ako at basang basa na rin ako
Pagkapasok na pagkapasok ko ay bumungad sakin ang 11 elite boys at ang isang magandang babae na nakatingin sakin
"Althea!" sigaw ni Kean sabay punta sakin
"Hala anong nangyari sayo?!" sambit niya sabay kuha ng panyo at pinunasan ang ulo ko
"Wala lang ito, nabasa lang naman ako bigla kasing umulan" sambit ko nang bigla akong umubo
"Prince! Magpakulo ka na ng tubig! Dali! Tapos ikaw Drake kumuha ka ng towel! Dali!" sigaw ni Kean
Habang ako medyo nagiinit na at giniginaw
"Althea, tara na pumanik na tayo sa itaas at magpalit ka na ng damit" sambit ni Kean
At tumango na lamang ako habang sinusuportahan niya ako sa paglakad
Nang makarating kami ay kumuha na ako ng pamalit ko at pumasok na ako sa bathroom ko pagkatapos ay nagbihis na ako at isinampay ko na ang basa kong damit sabay labas
"Althea maupo ka dito tutuyuin ko ang buhok mo" sambit ni Kean
At naupo naman ako at sinimulan niya ng iblower buhok ko
"Hayst. Mukhang magkakasakit ka pa, babalik ka pa ba sa Academy?" sambit niya
"Oo nga! Muntik ko ng malimutan! Kailangan ko ng bumalik sa Academy! Hinihintay ako ni Ian!" sambit ko sabay tayo nang bigla akong itinulak ni Kean sa kama
BINABASA MO ANG
11 Roses From The Elite Boys
Fanfiction[Book 1] Meet Althea Francheska Blaire isang normal at simpleng babae na nakapasa sa Miracle Elite Academy ng scholarship. Paano na kapag nameet niya na ang labing isang nagwagwapuhan at maaangas na lalake? Tuluyan na bang magbabago ang kanyang kapa...