11RFTE | 36

257 11 0
                                    

~Althea Francheska Blaire~

"Siya lang ba yung nasasaktan? Sa tingin mo ba hindi ako nasasaktan sa ginawa ko?! Na mismong bestfriend ko nasaktan ko!" sigaw ko

"Siya lang ba yung nasasaktan? Sa tingin mo ba hindi ako nasasaktan sa ginawa ko?! Na mismong bestfriend ko nasaktan ko!" sigaw ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nararamdaman ko na ang paninikip ng dibdib ko sa sobrang sakit.

"Bakit? Sino ka ba para magsalita ng ganyan! May alam ka ba sa pagibig?! Diba wala! Para sayo kasi laro lang ang lahat! Pagkatapos mong paglaruan itatapon mo na lang!" dagdag ko

Bakas na sa mukha niya ang galit matapos niyang marinig ang sinabi ko

"Ulitin mo sinabi mo!" sigaw niya

"Hindi ko na kailangang ulitin pa! Kasi alam mo sa sarili mo na ganun ka talaga! Wala ka kasing puso Chester!" sigaw ko

"Hindi mo alam na sa mga pananalita at kilos mo may nasasaktan ka ng tao! Ayt! Teka itatama ko sinira pala hindi sinaktan!" sambit ko habang tintingnan siya ng masama

"Akala ko ba kaibigan mo ko?! Bakit makapagsalita ka wagas! Hindi mo pa ako kilala Althea! Para pagsalitaan mo ako ng ganyan!" sambit niya

"Yeah! Right! Hindi pa nga kita kilala! Oh really? Kaibigan? Haha! Nagpapatawa ka ba? Yung pagkakaibigan natin ay matagal ng tapos! At eto? Tanda mo pa ba ito?!" sambit ko sabay inilabas ko ang kuwintas na ibinigay niya sakin dati

Nanlaki mata niya sa gulat nang makita niya ito

"Anong gagawin mo diyan?!" sigaw niya

"Ayoko na! Maging kaibigan ka!" sambit ko

"Pinuputol ko na lahat ng meron tayo!" dagdag ko at inihagis ko ito saktong nahulog sa may buhanginan

Unti-unting tumulo luha ko matapos kong gawin yon.

"Mula ngayon wala ng mangungulit pa sayo... Dahil mula rin ngayon hindi na tayo magkakilala" sambit ko sabay dinaanan ko siya

~Chester Charles Lee~
Yung kuwintas na ibinigay ko sa kanya ang kuwintas na ibinigay sakin ng yumao kong lola...

Ang sakit lang isipin na yung taong inaasahan kong aalagaan ito ay itatapon lang ng ganun ganun lang...

Unting-unti tumulo luha ko hindi ko alam bakit ako nagkakaganito...

"Lola, patawad" sambit ko

Tanda ko pa sinabi sakin ni lola nang ibinigay niya sakin yun

Nakaraan

"Apo"  sambit ni Lola habang hinihimas niya ulo ko

"Po?" sagot ko sabay ngiti

"Apo, ito binibigay ko na sayo ito" sambit niya sabay may iniabot siya saking kuwintas na may rosas sa loob kuminang ang mga mata ko sa tuwa nang mahawakan ko ito

"La! Ang ganda naman po nito!" sambit ko sabay nginitian ko siya

"Apo, ingatan mo yan ah. Yan na lang ang huling alaalang maibibigay ko saiyo, mahal na mahal kita Apo" sambit ni Lola sabay niyakap ako nang mahigpit

11 Roses From The Elite BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon