Pinilit kong palayain ang sarili sa sakit ng nakaraan.
Palayain sa mga ala-alang nais balikan.
Mga ala-alang nais ko na ding kalimutan,
Dahil alam kong akoy masasaktan lang.
Ngunit paano kong palalayain ang isip sa mga bakit ng puso?
Mga tanong na di ko alam kung masasagot ko.
Mga tanong na di ko alam kung san tutungo.
Mga tanong na minsay nagdudulot na ng puot sa puso.
Paulit ulit kong sinasambit ang mga salitang nagsisimula sa bakit.
Di ko mapigilan ang sarili sa pagluha sa sobrang sakit.
Maraming tanong ang pumamasok sa aking isip
Kasabay ng mga katagang di ko masambitsambit.
Sa huli, wala rin naman akong nasabi.
Walang salitang nais kumawala sa aking mga labi.
Lahat ng posibilidad sa isipan na hiniling kong sanay mangyare
Ngunit pinigilan ko na aking sarili sa pagbabakasakali,
Dahil alam kong mabibigo lamang ako sa bandang huli.
![](https://img.wattpad.com/cover/156372806-288-k475830.jpg)
BINABASA MO ANG
Tayutay ng Pag-ibig
PoetryMga salitang nais kong bitawan sa iyong harapan ngunit hindi ko kaya dahil ayaw mo nang lumaban para sa ating pgamamahalan.