Kalayaan

13 1 0
                                    

Kay sarap pagmasdan
Ng mga punong luntian
Kay sarap langhapin
Ng hanging amihan

Kalayaan ko kailan makakamit
Kalayaang mag-isip ang siyang nais
Bulong ko sa kawalan
Kailan pakikinggan

Hanging kay sarap damhin
Langit ay nais kong haplusin
Pangarap na mapansin
Sakit na titiisin

Bitbit ko'y saya
Nais ay paglaya
Nasaan ka
Nung kinakailangan na kita

Tatapusin ko na
Lahat ng aking sala
Dito na ba mawawala
Ang sakit na iyong dala

Deep Inside MeWhere stories live. Discover now