Halik

8 1 0
                                    

Tamis ng iyong halik
Mga ala ala mong bumabalik
Puso ko ay lalong pumitik
Ng marinig ko ang iyong mga hilik

Alam mo ba
Namiss kita
Yakap mo nais ko sana
Kasi ang nais mo natupad mo na

May problema ka ba?
Tila may dinadala ka
Sabihin mo at makikinig ako
Ganyan naman tayo

Halik mo lang sapat na
Kahit wala nang halong salita
Basta ang mahalaga bumalik ka
Sa piling ko sinta

Mga pangarap natin natupad na
Pero ako'y may nais pa
Iyon ay sana makasama ka
Iyong panghabang buhay na

Di naman ako nagmamadali
Ako lamang ay nagbabasakali
Ang makasal sa'yo ay pangarap ko
At sana ay maabot ko

Halik na habang buhay mag iiwan ng bakas
Halik na magdudugtong sa atin hanggang wakas

Deep Inside MeWhere stories live. Discover now